Alys
"How's being a new Mafia Boss?"
Busy ako sa pag aayos ng mga papel nang pumasok si Camille bitbit ang ilang files na pinahanap ko days ago.
Naupo siya sa couch at tinignan ako, "Have you seen your face, Alys?"
Alam ko naman eh, mukha akong bruha kasi wala pa akong tulog-tulog. Kailangan kong maayos ang mga naiwan dito sa Mafia Ville since nang iwan pala 'to ni ate ay may mga problema na. Hindi 'to magawa ni kuya kasi hindi naman pala talaga siya totoong Mafia Boss. Hindi niya kontrolado. According sa mga Elite Guards ay pinagbabawal na makialam ang mga apprentice ng Mafia Boss even mamatay o mawala bigla ang Mafia Boss. In case of last Mafia Boss, she killed so, walang pwedeng mabago sa Mafia Ville haggang wala pa ang papalit na Mafia Boss.
"Update?"
Tumayo siya at lumapit sa akin. Inabot niya ang tatlong makapal na files or documents. Binuksan ko at binasa.
At halos magulat ako. High ranking ang Mafias all over the the underworld kaya nakakagulat na mabasa ko ang lagay ng pera lalo na ang biglaan pagkabawas ng pera in just a split of second.
"Nakakagulat, right?"
"How come na nabawasan ang pera ng 5.5 trillion dito?"
"According to my research, pinagtulungan ang ate mo sa pagkabagsak nito. Just like the money, may mga tapat siyang tauhan na bigla nalang naging taksil sa kanya at naging spy. Pinasok ang Bank account ng ate mo at hinack ang mga pera."
"Kung ganoon, bakit nagtira pa sila?"
"Hindi nila ma-access ang last account ng ate mo dahil fully secured 'to tsaka dahil na rin hawak ito ng ilang alliance niya."
Pinagkatiwalaan sila then ninakawan nila si ate? Stupid creatures. I will kill those creatures of demons.
"I know what you think!" para siyang tanga na pumalakpak at nabasa ang nasa isip ko, "Yes, they're still alive at meron silang plano na pabagsakin ka. I mean may pinadala silang death threats." mabilis siya gumalaw at maya-maya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin, oh shoot!
Agad kong sinalo ang kutsilyong hindi ko alam kung saan nagmula basta nasalo ko siya using between my finger, the space.
"Dumaplis 'yan sa buhok ng kuya mo then next to my hair."
Pansin kong nagbago ang timpla ng pananalita niya. Bigla siyang naging seryoso, "I'll kill them, too."
This time, binalibag ko sa kanya 'yung kutsilyo at expected kong masasalo niya 'yun dahil siya pa rin si Camille Mariano na isa rin leader ng gang.
"Don't."
Umarko ang kilay niya at tila'y hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"Give me a qualify reason, Ms Cruz."
"Cause I will kill you if you enter."
Tinignan niya ulit ako ng seryoso. Tahimik siya, maski ako.
"Hindi dapat sila mamatay cause I need them. Find those bastard and bring here." Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tumango siya at lumabas.
Kailangan kong malaman kung bakit sila nagtaksil. For sure may reasons kung bakit. Hindi sila gagawa ng kahangalan kung wala. They're still part of Mafias.
Nagproceed ako sa pagbabasa ng files. Lalo kong hindi nagugustuhan ang mga nababasa ko dahil sa nangyayari. Sa bawat paglipas ng araw noon, milyon-milyon din pala ang nawawala kay ate. Malaking pera ang ninanakaw sa kanya ng hindi niya nagagawaan ng solusyon. Based on this files, bumili si ate ng 5000 hectares ng lupa sa isang probinsya na nagkakahalaga ng 100 millions. Sa taon ng pagbili niya, mura pa ang lupa kaya 100 millions lang lahat. Pero bakit doble ang nawala sa pera ng araw na 'yun? Saan napunta ang kalahati?
"Butler Gordon," tawag ko sa intercom, "Paki-track kung may building nang napatayo sa binili ni ate na lupa, years ago."
"Wait a minute Ma'am," may narinig akong pagtype sa kabilang linya. Mabilis niya rin inutusan ang mga kasama niya at after kong maghintay, "Based on what we seen second ago, walang kahit anong napatayo sa lupa na binili ni Ma'am Ales years ago. Walang napatayo doon since kinapos si Ma'am Ales sa pera dahil sa sunod-sunod na perang nawala."
What the hell!
"Ano ba ang balak ni ate doon?"
"Sa pagkakatanda ko po, isang complete subdivision for Mafia Clan po."
Subdivision for Mafia Clan? Oh nose! I can't imagine kung gaano kalaking subdivision 'yun. Nakakalola ang lawak nun kung magkataon kaso sayang dahil hindi natuloy.
I hang up the intercom.
Tumayo ako at lumabas ng opisina. Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng may sumulpot na pusang pula sa harap ko. A difinitely bloody cat.
"Meow."
What the hell her or his color? Sumisigaw na "pula ako! Pula! Pula na pusa!"
I shook my head dahil sa mga naisip ko. Binuhat ko siya at tinignan kung babae o lalake, "What is your name?" Great! Para akong tanga na tinanong ang pusa kung ano ang pangalan. Asa pa akong sasagutin ako ng name niya.
"Meow."
Bigla niyang inangat ang leeg niya at nakakita ako ng nakarolyong papel sa makapal niyang balahibo, kinuha ko at binasa
Take care her. She is Rydis.
Nakaramdam ako ng chills ng mabasa ko ang laman. Napatingin ulit ako sa pusa na nakaupo sa harap ko habang sumasayaw ang buntot.
Kanino siya galing?
Napakamot nalang ako sa ulo ko at naglakad na ulit. Sinundan naman ako ng pusa at mukhang aliw na aliw siya dahil sumasayaw ang buntot niya.
Kung kanino ka man galing, both of you are weird.
Sumakay ako ng kotse at parang tao rin na naupo sa kotse ko ang pulang pusa. Nakatanaw siya sa mapunong parte ng lupain kaya napatingin din ako. Wala akong makita pero ramdam kong may tinitignan si Rydis mula roon.
"Rydis," Sambit ko at napatingin ulit siya sa akin. Oh totally creepy!
Binuksan ko ang makina at umalis na.
Ibang pusa 'to. Para siyang tao na naiintindihan ako at may sariling pag iisip hindi tulad ng ibang pusa.
Nasa kagitnaan kami ng byahe ng makaramdam ako ng may mga sumusunod sa kotse ko, pagtingin ko wala. Nakiramdam ako, pagtingin ko ulit ay may mga motors at sasakyan na sa likod.
"Meow!"
"Damn it! Kulang ang ammunition ko!" singhal ko ng tignan ko ang mga baril sa back seat. Bullshit!
In-high speed ko ang sasakyan ko. Bullshit nasa parteng liblib na kalsada pa man din ako.
"Meow!"
Oh damn it! Nagwawala si Rydis.
"Stay cool, Rydis!" Lalo ko pang binilisan ng tumapat na sa window ko ang dalawang ryder. Inabot ko ang dalawang baril sa likod tsaka sila binaril.
May tumapat ulit sa kabilang side ng sasakyan ko at nakarinig nalang ako ng pagbasag ng salamin. Mabilis ko siyang binaril na nagpasadsad sa kanya sa lupa. Ipuputok ko ulit sana ng wala ng balang lumabas. Oh nose! I'm dead!
I need back-
Nakarinig nalang ako ng malakas na pagsabog mula sa likod. May lumipad pang helmet sa harap ng daan kaya napapreno ako. Pagtingin ko sa pusa, wala na siya. "Rydis!" hinanap ko siya sa loob ng sasakyan ko pero wala akong makitang pusa.
Lumabas ako ng kotse at doon ko nakita si Rydis na nakaharap sa sumabog na parte, nakataas ang buntot at nakachin up pa siya.
"You are safe," halos matumba ako ng marinig ko ang boses na 'yun sa buong paligid ko. T-That voice... 'yung b-boses na y-yun...
"Meow." Nabubuang na ako. Hindi ko na namalayan na nakapatong na pala sa balikat ko si Rydis.
Who the heck is her? Bakit lagi ko naririnig ang boses niya?
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...