Calvin'POV
"Ano sabi ni kuya sayo?" pangungulit na tanong sa akin ni Alys habang hinihigit ako sa braso.
Kita mo 'tong babaeng 'to,napakakulit. Tss! Ilan beses ko bang sasabihin na hindi naman importante? Boplaks ba talaga 'tong si Alys at hindi maintindihan yung mga sinasabi ko?
"Man to mak talk lang. Sa amin lang Alys." sagot ko sa kanya bago tignan ang kabuuan ng kwarto niya.
Malaki. Kasing laki lang ng kwarto ko. Red at Black ang halos makikita sa kwarto niya.
One piece?
Nice. One of the Boys.
"Teka! Sinong may sabi na pwede kang pumasok dito sa kwarto ko?"
"Wala. Syota naman kita kaya pwede." Sagot ko at naupo sa kama niya.
Malambot ang kama. Kulay itim ang kulay. She really like red and black. Teka,hindi nga pala color ang Black.
"Duh! Ano naman? Wait—monthsary ba natin?"
Napa-poker face ako sa tanong niya. Ngayon,isa lang tumatakbo sa utak ko. Syota ko ba talaga 'to?
"October 15 kita sinagot. Remember the Foundation day?"
Tumango tango lang siya.
Naknang! Tango lang nakuha kong sagot? Ni hindi manlang nagsalita kahit isang salita? Tsk! Ibang iba talaga 'tong isang to.
Bobo,tanga, shonga, boplaks, engot, gaga, inutil, clumsy-wait clumsy pa siya?- tamad, pinakalowest sa batch nila--bakit pinatulan ko ang isang 'to? Isa pa...physically...hmm. No Comment! Basta wala siya sa kalingkinan ng mga naging ka-fling ko.
"Gemme your phone." inilahad ko yung kamay ko sa harap niya.
"Bakit?"
"Tss." Inagaw ko nalang sa kamay niya at nahiga sa kama niya. Feel at home, yan ang sabi ni tita.
"Wow! Lakas makahiga."
Ano ba 'tong cellphone na 'to, walang kwenta. Ni isang laro wala. Nag-iPhone pa siya.
I scan her phone especially her phone gallery. Puro pictures niya lang kasama yung bestfriend niya.
So ganun sila ka-close? (-_____-)
"Luke Santillan." I read the folder's name. Video record ng bestfriend niya. Hindi na ako nagtagal pa sa pag scan ng cellphone niya dahil tinatamad na ako. Ang kettle corn naman ng babaeng 'to, ni isang picture wala ako. Girlfriend ko ba talaga 'to? Parang hindi, eh. Mostly kasi sa girls, may picture ng boyfriend nila pero siya? Pahanda mo nalang ataul mo. Aasa pa ba ako sa isang 'to?
Sinave ko na rin yung number ko sa kanya. Kahapon ko lang nakuha ang number niya. Oo kahapon lang. Tindi ng relasyon namin no? Hindi mo akalain na wala kayong number ng isa't isa. But who cares? Busy ako with my girls company. I have no enough time para kuhanin ang number niya. Siya rin naman, eh. Hindi rin niya kinuha ang number ko kaya fair lang.
"Tss. Sarap bang humiga?" tanong niya sa akin.
Napangiti ako.
"Mas masarap kung kayakap kita." pang aasar ko
Napangiwi siya kaya napatawa ako. Ang cute niya pala no? Ngayon ko lang napansin. Sa bagay, wala naman akong pake sa mga cute— sa kanya lang talaga meron.
"Babe,tabi tayo." sabi ko at ngumiti ulit sa kanya.
Umiling siya.
"Duh. Mahal ko pa katawan ko." hataw niya kaya this time, ako ang napatawa. As if na re-rape-in ko siya ha? Lakas talagang mangarap ng isang 'to. Hindi ko mareach.
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AçãoWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...