62

2.9K 63 0
                                    

Alys

Posible kaya 'yung lalaking kanina pa ubo ng ubo ang kasabwat ng dalawang hi-jacker? Yung matandang may earpiece na suot, posible rin siya. Nakakapagtaka ang matandang 'to. Yung babaeng may gum sa bibig na kanina pa nguya ng nguya na tinalo pa ang kambing, wala naman akong makitang posibleng dahilan para may iparating niya sa mga hi-jacker yung ginawa ko. Sino sa kanilang tatlo? Sigurado talaga akong may kasama sila sa likod na nagbibigay information sa mga ginagawa ng pasahero dito sa loob.

"Hoy, ikaw, ano yan?" Ito na naman! Paano niya na naman nalaman na may ginagawa 'tong Miss Ruth na 'to kung hindi naman niya kita dahil nasa harapan sila?

"Ah this, a Bricks game." Sosyalera. Engleshera talaga. Yung accent niya, hindi mo talaga masasabi na pilipino siya na trying hard mag english. Kuhang kuha niya talaga ang accent ng England.

"Tsk. Isip bata." bulong nung ungas bago bumalik sa harap

Bigla na naman tumingin sa akin si Miss Ruth at kumindat. Weird talaga ng isang 'to. Umayos ulit siya ng upo kasi nasita na naman siya ng isang ungas.

"Hello?" Napatingin ako sa harap. Hawak nung isang ungas 'yung telephone ng bus at mukhang may binabalak na hindi maganda.

"Kami ang nang hi-jack sa bus 7572 dito sa city. Kung gusto nyong mabuhay ang mga pasahero dito," lumingon siya sa amin, "...pakawalan niyo si Benjamin Williams sa madaling panahon. Tatawag ako pagkatapos ng trenta minutos."

Benjamin Williams. Sa pagkakaalam ko, isa siya sa mga Big Boss ng droga sa gitnang silangan ng Europa. Dito siya nahuli sa Pilipinas dahil dito siya nagtago. Bukod sa Big Boss siya ng droga, isa rin siyang magnanakaw. Noong 2005 nabalitaan ko nalang na nagnakaw sila sa pinakamalaking Jewelry Shop na sikat. Halos maubos ang mga alahas sa lugar na 'yun dahil sa ginawa nilang pagnanakaw. Pero sa kasamaang palad, pagkalipas ng isang araw, nahuli rin siya. At kung tama ang hinala ko, kasama 'tong dalawang 'to sa nakatakas na suspects. Nahuli nga si Williams pero ang mga alahas na ninakaw nila, hindi pa naiibalik. At kung sinabi ng dalawang 'to na pakawalan si Benjamin Williams, siguradong hindi pa nila nakukuha ang parte nila sa alahas. Makukuha lang nila 'yun kapag nakalabas na ang Benjamin na 'yun.

Hindi ko namalayan na trenta minutos na pala ang nakalipas. Kausap na ulit nung isang ungas ang tinawagan niya.

"Kailangan din nyong pakawalan si Sunny Dirics. Bigyan nyo ng phone si Sunny para malaman namin kung nakatakas na ba siya. At kung oo, magpapakawala kami ng tatlong pasahero sa bawat station na mahihintuan namin. Maliwanag ba?... sige.... aasahan ko 'yan kung ayaw n'yong mamatay ang mga pasahero dito." Humarap ulit 'yung isang ungas dito tsaka ngumisi sa akin. Oo sa akin, dahil ako lang naman ang nakatingin sa kanya. Arg! Panget talaga ng isang 'to. Nasusuka ako!

Tanga 'tong mga ungas na 'to. Di ba sila natatakot na baka macorner sila ng pulis dahil ang bawat daan dito sa city, paikot-ikot lang? Siguro maraming pwedeng daanan dito pero pwede silang macorner dahil iisa lang naman ang bagsak ng bawat highway dito. Unless kung may binabalak silang hindi ko pa nalalaman. Kung meron, ano? Siguradong napagplanuhan na nila lahat-lahat ang pwedeng mangyari.

"Napakawalan na ninyo si Benjamin? Good," humarap siya, "tatlo, tumayo!" Inantay kong may tumayo pero wala. Pero nagulat ako ng tumayo si Haivara, shit! Di pwede! Hinila ko siya paupo, "stay." Kung baba kami, mapapahamak ang mga tao dito sa bus. Kailangan ko silang iligtas dahil mga inosente sila.

"Walang tatayo-"

Kailangan kong mapatunayan na may kasabwat sila sa likod.

"Yung tatlo nalang sa likod." sabi ko at tinuro sila

Tinignan niya ako ng masama, may kasama nga sila sa likod, "Bakit kaya hindi nalang ikaw ang bumaba?"

Demonyo 'to! Bwisit!

"Kawawa naman kasi sila. Tsaka tignan mo 'yung lalaki, kanina pa ubo ng ubo, 'yung matanda mukhang nahihirapan na, 'yung babae naman, mukhang may lakad dahil kanina pa tingin ng tingin sa wrist watch, baka may mahalaga siyang bagay na gagawin." Napangisi ako. Malapit ko ng malutas kung sino sa kanila ang kasabwat. Papakagatin ko nalang sa pain para magkabistuhan na.

"Pababain mo sila..."

"Dami mong satsat, hindi sila pwedeng bumaba!"

Huli ka. Sabi ko na nga ba eh, siya, siya ang kasabwat.

Lumapit sa akin yung isang ungas at babarilin na sana ako ng tumayo si Miss Ruth ay harangan 'yung lalaki. "Don't hurt her, man. She is young to do that. She is too many need to discover in this world." hindi ko alam kung ano-ano ang pinaggagawa niya sa baril na hawak niya pero isa lang ang sigurado ako, nakakabuti 'yun.

"Lintek upo!!!" namumulamg sigaw nung ungas. Kumindat ulit si Miss Ruth sa akin at ngumiti.

Ibang klase. She's not ordinary.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon