Chapter 25

9.9K 198 0
                                    

Xaner'POV

"Tagal naman pumasok nung babaeng yun. (-_-)"

"Eh,bakit mo ba hinahanap Ervin?"

"La lang, wala kasi akong makausap ng matino."

"Hindi pa ba ako sapat?"

"Wag kang sumabat dito panget."

Itong babaeng 'to, sabat ng sabat. Kanina pa! Porket muse lumalandi kay Ervin. Tss. Isa din 'tong Ervin na 'to eh, back to the normal na naman siya sa pagiging babaero.

"Sungit."

"Putcha! Mukha kang tuta Sonya!"

"Fuck. Can all of you shut up first?"

Napatigil kami sa pagsigaw ng lalaking nasa likuran namin. Lagot! Galit na 'to. Ilang araw ba naman hindi makita yung Alys na 'yun eh!

"Oy shut up daw Xaner (◑__◑。)."

(๑・__・๑)

Ako pa talaga ha? Makasibat nga muna.

"Hep!San tungo tol?" tanong ni Alexis. Tinignan ko yung paa niyang nakapatong sa susunod na upuan dahil nakaharang sa daraanan ko.

"Motel. Sama ka?"

"Ulul."

Naglakad na ako palabas ng kwarto at naglakad sa pasilyo. Bakit nga ba hindi pumapasok yung Alys na yun? Tsaka pansin ko,madalas ng magtagalog si Ezekiel. Ano kayang nangyari? Hindi ako updated ha.

"Hey." Napalingon ako sa kanya. Long hair,white skin,straight nose—pretty.

"Problem?"

"Be my boyfriend. I'm Kitin Venezuella." She held her hand in front of me.

"Di na." Sabay talikod ko sa kanya.

"ERR! ANO BA YAN! SA GANDANG KONG 'TO,TINANGGIHAN MO?AAAH!"

I stopped. I faced her with my daily rituals poker face expression.

"Porket maganda ka, papatulan na kita? Tss. Kung hindi ka lang maputi, hindi ka maganda. Maputi ka lang."

"ANG SAMA MO! LETCHE KA!" sigaw niya at tumakbo na papalayo. Oh poor girl. Maganda pa naman sana--nabatak lang pala ng kaputian kaya maganda.

Makalabas na nga lang ng school. Nakakaumay!

"Hoy!"

Hindi ba matatapos ang araw ko ng walang away na magaganap?

"Hindi pa ba kayo nadadala? At ikaw unggoy," turo ko sa matabang galisin na mukhang unggoy dahil sa kapangitan. "nagtawag ka pa ha? Laki mong tao pero duwag ka! Dinadaan mo sa laki mo. Unggoy!"

"A-Abat! Sugurin niyo yang uranggutan na yan!"

"Naks! Gwapong uranggutan ko naman." sabay hawak ko sa kamao ng lalaki ng akmang susuntok sa akin. Inikot ko ang kamao niya patalikod sa kanya at napasigaw siya.

"GAGO!" napalingon ako sa isang susugod pa kaya tumalon ako ng mataas at umapak sa likod ng lalaking hawak ko kanina at tinadyakan sa mukha ang pasugod.

Lahat sila nagsisuguran kaya sunod- sunod na suntok,tadyak at paninikmura ang ginawa ko. Shit nakakapagod naman sila.

"Ano kaya pa?" tanong ko ng mapatumba ko na silang lahat. Mga namimilipit sa sakit.

"Urg! Takbooo~" si taba? Syempre siya yung tumakbo.

"Weak!"

Pinagpagan ko na lang yung kamay ko bago tumungo sa parking lot.

"Hello? Oh yeah! Ako pa ba? Hahaha Oo naman! Syempre sira na si Alys. Alam na ni Calvin yung tungkol sa task niya—Oo nga! Tss. Sa tingin mo may ihaharap pa yun?—aba siya pa ba? Oh sige! Bye~ Ingat ha? Tss. Sige na—"  inagaw ko ang cellphone niya at binato sa malayo.

"WHAT'S THAT?" agad kong sigaw sa kanya. "ANONG ALAM NA NI CALVIN? ANONG TUNGKOL KAY ALYS?"

"Who are you?"

"Wag mo kong sigawan! Anong nangyari?" hinawakan ko siya sa balikat at inalog.

Ito ba yung dahilan kung bakit hindi ko nakikita si Alys? Pati si Calvin? Anong nangyayari?

"Hindi kita kilala pero kung makulit ka, sige! Si Alys, isang heartbreaker. Si Calvin isa rin heartbreaker. Niloloko lang ni Alys si Calvin. Si Calvin? Ayun, nasira ang buhay. Hindi mahagilap si Calvin. Oh 'di ba ang ganda ng laro ni Alys? Dumating pa ang batang kinabaliwan ni Alys noon."

"W-What do you mean?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Ay hindi mo alam? Gusto ni Alys si Ezekiel Palma. Magpinsan pa ang tinabla" sagot niya bago ako talikuran.

Napasandal ako sa pader dahil sa pagkagulat. Si Alys, gusto si Ezekiel?

**

Ervin'POV

Aist! Badtrip naman oh! Madaling araw na pero inutusan pa ako ni Ezekiel sa bahay nila. Takte masisira ang beauty rest ko nito dahil sa puyat. Tss.

Pinark ko ang sasakyan ko sa tapat ng gate nya. Walang ni isang ilaw. Aist! Napakadilim naman kaya kinuha ko ang flash light sa likod ng sasakyan. Buti nalang ready ako lagi.

Pumasok ako sa loob at binuksan lahat ng ilaw. Malinis ang salas. Ayaw niya talaga ng makalat.

Umakyat ako sa second floor at hinanap ang Blue print ng company ng Dark Triad. Pumasok ako sa kwarto niya.

Lalaking lalaki ang kwarto.

Opps! Bawal nga pala pumasok di--ayun ang Blue print. No choice kailangan pumasok. Wala naman may alam na pumasok ako eh.

Kinuha ko sa mesa ang Blue Print ng Dark Triad ng may makita akong frame. Sino naman 'tong babaeng 'to? Ganda ha. Naknang! Baka maabutan pa ako dito. Makasibat na nga!
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon