82

2.3K 51 1
                                    

|Alys|

"Black East Area."

This is hell? Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar... lugar kung saan...

"Mag ingat kayo sa bawat galaw niyo."

...puro preserved body ng tao.

Di ko matignan. Di ko masikmura. "Are you okay Ms Alys? Kaya mo pa ba?" Tumango ako kay Villford at dumeretso nalang ng tingin sa likod ni Dashelle at hindi na pinansin pa ang mga nasa paligid ko.

Pakiramdam ko masusuka ako sa mga display dito sa loob ng hallway. Sa bawat capsule, may laman na tao kung saan labas-labas ang laman. As in yak! Nakakadiri. Maisip ko palang na katawan ko ang makikita ko sa isa mga lalagyanan, di ko na kaya e. At ang lakas pala ng trip ng may sakop ng Black East area. Ganitong collection pa ang ginawa.

"Hindi basta-basta mga tao ang nandyan sa capsule. Mga preserved body yan ng mga taong may patong sa ulo o mga kilalang tao sa loob ng Mafia World. Kung walang patong sa ulo, yung iba pinapatay talaga at nilalagay d'yan. Kumbaga, palakasan. Kung 'di mo ililigtas ang sarili mo sa kamay nila, ihanda mo na ang sarili mo sa kamatayan." Lumingon sa akin si Dashelle at huminto kaya napahinto rin kami ni Villford, "May ipapakita ako sayo mamaya." Sabay ngiti niya.

Hindi ko gusto ang ngiti niyang yun. Kinikilabutan ako na ewan.

Naglakad na ulit kami.

"Di na ba magbabago ang nasa isip mo?" Dashelle asked nung nahinto kami sa isang pintong bakal. Ngumiti ako at tumango, "There's no way to step back"

Tumango siya at pinat ang balikat ko "Hanggang dito nalang ulit, Miracle." Tumingin siya kay Villford "Guide her, man."

"Areglado" sumaludo pa siya bago umalis si Dashelle.

"Hintayin mo nalang ako lumabas, ako nalang papasok sa loob."

"Pero Ms Cruz—"

"I'll be back."

Wala na siyang nagawa kundi ang tumango at maghintay nalang. Hinarap ko ang bakal na pinto at binuksan.

Sa pagbukas ko, isang maliit na silid ang bumungad sa akin. Sa dulo, may elevator at may isang button lang ang pwedeng pindutin. Dumeretso ako papasok ng elevator. Mabuti nalang at naipadala na ni Dashelle ang pera dito sa Black East Area, di na ako mahihirapan maghila ng maleta. After ilang minute, bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang oval table na may tao. At mukhang alam na alam nila ang pagdating ko. Napasulyap ako sa sulok at nakita kong naroon ang maleta ng pera na pinadala. Dahan-dahan akong lumabas habang nakikiramdam.

Humila ako ng upuan at naupo. Tatlong babae, tatlong lalake. 

"Great. As a expected, the time has came. Makakapasok ka tulad ng ina mo."

Ina?

Napatingin ako sa isang babae na nakangiti sa akin "Where's my mom?"

"You don't know?" sa tono ng boses niya, may gusto siyang ipahiwatig na nakakainis talaga. Nang aasar ba 'to?

"Stop teasing her Libra!"

"You shut up Virgo."

Matatalas ang tingin nila sa bawat isa. Walang nagpapatinag at handang magpatayan gamit ang tingin.

"May I have the Insignia again?"

Dinukot ko ang Insignia at inabot sa katabi ko na hinihingi ang Insignia.

"Nakarating sa amin ang nangyari nung Auction Day. Napabilib mo si Pieces sa ginawa mo." nilingon ko ang lalaking nagsalita

"Tss" I think He's Pieces.

Zodiac Sign ang gamit nila. Code? Maybe.

"How can I enter?" Sa tingin ko nasasayang ang oras ko sa kanila. Gusto ko ng matapos 'to.

Mula sa kanan, may lumipad na kutsilyo kaya agad ko yun sinalo at tinignan ng masama ang naghagis. That Bitch.

Sinulyapan ko ang handle ng kutsilyo na may nakaukit na Sagitarrius at sa talim na "Congrats, you've passed."

"How about the rules?" I asked. They looked at me seriously.

"There's only one rule, there's no rule to our world."

**

"Fuck!" I cursed under my breath habang tinitiis ang inis ng bakal sa baba ng batok ko. "Bullshit!" Lalo pa akong napamura ng hawakan to ni Gemini at diinan.

"For now on Alys, we call you Cancer." Gemini stated after the ceremony.

Damn this Ceremony.

"Blacklist approved." Libra's said

"Now, removal accepted. Wala ka na sa Blacklist ng Eight Division." Virgo stated.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at sinuot ang damit na hinubad ko. Medyo nawala na ang sakit mula sa pantatak na bakal.

"Hindi na tayo makikialam sa problema ng World Government kay Alys Cruz. Let them kill Cancer." Ngumisi sa akin si Gemini habang si Pieces naman ay napailing bago pumasok sa elevator.

"Ceremony's over. I'll leave."

"Wait."

"What?" She asked while grining at me.

"All about my mom—"

"Find the answer on your on way." She turned her back and walked.

Bitch.

**

"Congrats." bungad sa akin ng dalawa pagkalabas ko ng bakal na pinto. Parehas silang nakangiti sa akin. "Astig! Iba talaga karisma mo Ms Alys. Di mo akalain yun, one of the leader ka na ng Eight Division." puno ng galak si Villford habang nagsasalita kaya napatawa nalang ako ng mahina habang si Dashelle ay nakangiti lang.

"Puntahan na natin yung sinasabi ko."

"Okay."

This feeling is weird.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon