Calvin'POV
"Bullshit Drake!! Sasapakin na kita, tawa pang gago ka!"
"Pikon ka talaga pare." sabat ni Neyo
"Pakyu!"
Bwiset!
Naaawa ako sa pisngi ko. Bumingo agad.
"Hahaha wait lang," boses ni Fifth. Lumapit siya sa akin at may inabot na papel.
"Ano 'to?"
"Papel? Tss. Yan ba epekto ng nasampal? Nagiging tanga? Pasampal nga ako minsan."
Masama ko siyang tinignan "Makuha ka sa tingin, Fifth."
Padarag kong inabot ang beer sa la mesa at tinungga.
"So, what's the plan little boy?"
"Shut up Krissy. Don't call me little boy." banas kong sabi rito.
Isa rin to, eh. Ito pa ang unang muntikang makasampal sa akin. Mabuti nalang talaga mabilis ang paggalaw ko para masalag ang kamay niya dahil kundi, wasak ang mukha ko. Ramdam ko pa naman ang lakas ng paghampas niya at daig pa niya ang lalaki. Hindi na talaga nakakaduda na maraming takot sa kanya.
Time to go to school. Tinignan ko ang deskclock at pasado alas sinco y media na ng umaga pala.
"Natext mo ba ang babaeng 'yun?" tanong ko kay Fifth.
"Yes. Siguradong mauuna ka sa kanya kung aalis ka na." sagot niya bago ibuga ang usok ng sigarilyo sa bibig niya.
"Ikaw Krissy? Na organize mo na ba ang pasok ng lahat?"
"Done!" tumango lang ako.
Tumayo na sila at kinuha ang mga bag sa couch. Nauna na akong lumabas sa resthouse na pag aari ni Drake.
Sumakay na ako ng motor at pinaharurot ito ng mabilis. Kailangan kong maunahan ang babaeng 'yun to find out who she bumped. Hindi porque babae siya, e dapat h'wag ng patulan. Ang tunay na lalaki, walang sinasanto.
Narating ko ang school. Wala pang masyadong tao. Right timing para sa gagawin ko. Siguradong hindi niya gugustuhin na humarap sa akin, pagkatapos ng gagawin ko sa kanya.
Alys'POV
Napakaaga ko naman pumasok. Nakakainis naman, sobrang lamig pa. Dapat sa mga oras na 'to kumakain ako pero bakit nandito ako? Gahd! Gusto ko pang kumain. Hindi sapat sa bituka ko ang isang slice ng gardenia bread.
Naglakad lakad muna ako dito sa mahaba at malawak na pasilyo ng building namin. Wala pang masyadong tao sa mga classroom. Talagang maaga ako 'no? Nasaan na ba kasi yung kausap ko? Sabi niya sa text pumasok ako before six pero bakit wala pa siya? Baka pinagti-tripan lang ako? At sheyt, bakit ko naman sinunod ang sinabi niya?
Kumaliwa ako sa kabilang pasilyo. Gusto ko sanang pumunta sa kabilang pasilyo, which na nasa kanan pero natatakot ako. Sabi kasi nila may multo daw ang building na 'yun kaya wala masyadong tumutuloy roon. Medyo takot pa naman ako sa multo. Pero may multo kaya doon? Gusto kong tignan. Gusto kong puntahan para malaman ko ang sagot.
Pumanhik ako pabalik– fuck!!!
"Anong itsura yan?"
"Buti nga sayo! Papansin kasi masyado!"
"Oy oy malapit na magdrop out yan hahaha"
"Saan punta ni Alys? Practice sa horror booth?"
"Deserved the rights."
Sino may gawa nito sa akin? Sino? Tangina!!!
Pumalinga linga ako sa paligid at nakita ko si Calvin. Nakangisi sa akin. The fuck it his problem? Bakit bigla nalang may tumapon sa aking balde ng paste? At bakit biglang sumulpot ang mga estudyante rito?

BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...