Alys"Good morning"
"KUYA YUAN!" Tili ko ng makita ko si kuya Yuan na nakatayo sa pintuan ng silid tulugan ko. Mabilis akong bumangon mula sa pagkakahiga at niyakap siya.
"Long time no see kuya!" Damn! Stunning!
"Long time no see rin Mira" Ngumisi ako ng tawagin niya akong Mira ulit. Mira as Miracle. Siya lang ang tumawag sa akin Mira since yun ang nakasanayan niya nang maliit pa ako.
"Namiss kita kuya"
"I missed you a lot" Natawa ako ng mahina sa sinabi niya. Close kami ni kuya Yuan dahil sabay kaming lumaki. Itinuturing ko siyang second brother. Pinsan ko siya, anak ni Tito Rosdrick, kapatid ni daddy.
"Malaki ka na ah, dati uhugin ka pa." Katyaw niya na sinabayan pa ng tawa.
"Kuya naman!" Hinampas ko siya ng mahina sa braso. Sinabi niyang kakain na daw kaya agad akong naligo. Pagkatapos kong maligo at mag ayos ng sarili, bumaba na ako at tumungo sa Dining area. Naabutan ko roon sila kuya Ashton at kuya Yuan. May isang babae roon na hindi ko kilala, katabi siya ni kuya Ashton.
"Good morning" Bati ni kuya at inabutan ako ng pagkain.
Nagsimula na kaming kumain. Napatingin ako sa babaeng sopistikada kung manamit at pulang pula ang labi. Nagmamay ari siya ng mahabang buhok at magandang mukha.
"Wala ka bang balak ipakilala ang katabi mo kuya?" tanong ko bago ituon ang pagkain ko sa plato ko
Ramdam ko ang titig ng babae sa akin kaya sinulyapan ko siya. "Speak." Walang ganang sabi ko.
"She is-"
"Speak lady" putol ko kay kuya
Tumikhim ang babaeng nakatingin sa akin. "Camila Camille Mariano. Your brother's girl."
"Ahh.. hmm"
"Since nandito ka na rin naman Alys, let's talk about your study. Saan ka mag aaral?" Pambasag katahimikan ni kuya. Natuon ang atensyon ko sa tanong niya kaya napaangat ako ng ulo at tumingin sa kanya tsaka sa babaeng nasa gilid niya.
"Sa Gangster Kingdom since tapunan 'yun ng mga siraulong nilalang." Seryosong sagot ko. Nilagok ko ang tubig sa baso
"Hindi ka bagay-"
"Saan ako nababagay? Sa matinong eskwelahan kuya? Nang tanggapin ko ang inaalok mo at nang saktan niya ako, sira na ang buhay ko kung nakakalimutan mo kuya Ashton."
"You've been changed a lot." Napalingon kay Camila sa sinabi niya.
"Do I know you and I know you?" walang ganang tanong ko sa kanya. Parang sinasabi niyang kilala niya ako. Ngayon ko lang siya nakilala.
"Excuse me, ako pa nag aalaga sayo ng bata ka pa Alys"
"Ha! Talaga lang ha" Sabay irap ko sa kanya
"She is right, Alys."
"Kuya Yuan naman!"
Nagsalita si kuya Ashton "Hindi mo lang siya natatandan."
"Fine. I'll go out." Tumayo na ako at umalis sa harapan nila.
Years ago, napag alaman kong nawalan ako ng memorya dahil sa isang car crash na nangyari. Tulad ng kay mommy. Piling memorya ang mga nawala at ang mga piling 'yun ay ang mahahalagang nangyari sa buhay ko. Nalaman ko lang ito ng makasama ko si Tita Orange sa ibang bansa, kapatid ni mommy. Sandali ko lang siya nakasama pero marami na akong nalaman.
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...