Chapter 26

9.7K 206 1
                                    

Alys'POV

Ang lakas ng kabog ng puso ko. Kulang nalang tumalon palabas ng katawan ko dahil sa kaba. Pansin ko, for the past few days of my life, lagi akong kinakabahan. Lagi nalang akong natatakot. Dati, hindi naman nangyayari sa akin 'to pero bakit simula ng lumipat ako dito sa Shikaina High lagi nalang ako nakakaramdam ng iba?

Nagdoorbell ako sa malaking gate ng mansyon nila. Nanginginig pa ako ng pindutin.

"Sino sila?" isang boses at mukha mula sa screen ang nakikita ko. High tech talaga ang angkan nila. Mukhang maid 'tong nakikita ko.

"Si Sabrina Lim po?" tanong ko

"Narito po si Mam. Anong kailangan?"

"I want to talk to her."

"Sige po." then nagblack out na ang maliit ng screen kasabay ang pagbukas ng malaking gate.

Pumasok ako sa loob at dumeretso sa Receiving area nila.

Nandito kaya si Calvin—ano yun?Bakit may nabasag?

"S-Sir!Tama na po!"

"LEAVE ME ALONE!" Nagulat ako.Si Calvin yun.

Nagwawala ba siya? Tumakbo ako paakyat ng hagdan at nakita ko si Calvin na inaawat ng maid. U-Umiiyak. "Sir tama na po. Lasing na kayo"

"LEAVE! LEAVE PLEASE! TAMA NA...A-Alys..."

Napaluha ako. Bakit ganito na yung itsura niya?Parang hindi naliligo.A-Alam na ba niya? No....not now please. Not now.

"C-Calvin..." bigkas ko sa pangalan niya kaya napalingon siya sa akin.

Umalis na yung maid.

Nagtama ang paningin namin. Ang lungkot ng mata niya. Sobrang lungkot. Ako ba may kagagawan nito? Ako ba?

"Bakit....bakit.....ang sakit Alys...sobra....bakit sa akin pa....mahal na kita...pero tang ina...bakit ngayon pa?Bakit ako pa...masakit...sobra..." umiyak na naman siya.

Nandito lang ako. Nakatayo. Malayo sa kanya.

Pumayat siya. Parang hindi kumakain. Pero the fuck,anong ibig nyang sabihin? Na alam na niya lahat? N-Na alam na niya ang tungkol—

"Bakit ako pa?"

Sa bawat salita niya nasasaktan ako para sa kanya. Walang duda. Alam na niya. Bumuntong hininga ako bago siya sagutin.

"Because you deserved the pain, Calvin. You deserved all. Ganyan kasakit ang masaktan o mas higit pa nga sa nararamdaman mo ang mga sinaktan mo. Ganyan kasakit magmahal Calvin. Ganyan kasakit." Ngumisi ako sa kabila ng sakit na nararamdaman ko. Sinasaktan ko siya. Sinasaktan ko siya!

Bigla siyang tumawa. Tawang hindi ko madefine kung ano ang ibig sabihin. "Mahirap umiyak dahil sa sakit na nararamdaman. Pero mas mahirap tumawa para lang ipakita na hindi ka mahina."

"Calvin..."

"Leave."

"Pero Calvin—"

"Hindi ko alam kung ano naging kasalanan ko sayo pero tang ina, sana hindi ka masaktan. Mahirap masaktan. Sobra. Sana hindi mo maramdaman. Ang sakit kasi. Sobra-sobra."

"Hindi ko sinasadya—"

"DAMN! ANONG HINDI MO SINASADYA? ANO BA ALYS! Masakit na...wag mo ng dagdagan. Ang hirap kasing isipin...minahal mo ba ako?"

"Hindi." deretsong sagot ko. Alam ko sa sarili kong hindi ko siya minahal. Ni minsan hindi ako nagkaroon ng Romance feelings para sa kanya dahil sa una palang,pinaghandaan ko na ang lahat ng 'to. Alam kong posible akong mahulog kaya sinanay ko na yung puso ko na maging heartless. Na iwasan ang mahulog dahil may posibilidad na walang sumalo. Na hindi niya ako saluhin.

"It hurts to fall in love with someone who can't love you back."

"I'm sorry." napayuko ako. Hindi ko kayang tignan ang mata niya ngayon na nababalot ng kalungkutan. Para akong nahahawa sa mata niya. Compassion.

"Siya pa rin ba? Siya pa rin?"

"H-Huh?" napaangat ang ulo ko at napatingin sa kanya. "Anong siya pa rin?" tanong ko

"Yung bata pa rin ba sa playground? Si Ezekiel pa rin ba?".

"A-Anong si Ezekiel? P-Paanong napasok sa usapan si Ezekiel?"

Ayokong mag isip ng mga posibilidad na sagot dahil natatakot ako. Natatakot ako sa katotohanan na tama ang kutob ko. Na siya...na siya yun. Natatakot ako dahil bakit siya? Bakit siya pa kung kailan malinaw na ang lahat sa akin na yung batang yun ang Firstlove ko? Na siya ang firstlove ko. Natatakot ako. Sana mali. Sana hindi siya.

"Last time, nalaman kong ikaw pala yung batang naka wheel chair. Ikaw pala yung batang laging nakatingin kay Ezekiel at ikaw pala yung batang kinukwento sa akin ni Ezekiel noon. Nung hindi pa kami magkaaway. Ikaw yung kinakainisan ko dahil epal ka! Si Ezekiel nalang ang nakikita niyo pero tang ina gusto kong malaman kung bakit siya pa. Pwedeng ako nalang pero bakit siya pa? Siya pa!"

Agad akong lumapit sa kanya ng suntukin niya yung pader. "Ano ba! Tama na! Sinasaktan mo lang physically yung sarili mo."

"Wala ang sakit na 'to sa ginawa mo Alys. Walang wala. Sorry ha? Hinadlangan ko kayo ni Ezekiel. Ako yung dahilan kung bakit hindi mo na siya nakita noon. Gumawa kasi ako ng kwento na nanakit na naman siya kaya agad siyang pinadala sa states-"

I slapped him.

"HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO AKO NAAPEKTUHAN NG NAWALA SIYA? BAKIT CALVIN? BAKIT?"

Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para sampalin siya kahit ako 'tong may malaking kasalanan sa kanya. Ako 'tong may kasanalan pero ako pa 'tong nanakit.

"Same. Kwits! Nakaganti ka na. Sinaktan mo na rin ako. Physically and emotionally. Salamat sa lahat ah? Totoo nga, love? It kills your heart, it steals your soul." tumalikod na siya at iniwan akong nakatayo.

Si Ezekiel.

Siya. Siya yun. Kaya pala...kaya pala ang bilis ng tibok ng puso ko sa kanya...kaya ganon pala siya dahil siya yun. Siya pala pero bakit hindi niya sinasabi sa akin?

"Good scene hahaha." napalingon ako sa pinagmulan ng tinig at nakita ko roon si Sabrina. Lumapit ako sa kanya without words and I slapped her. Nanggigil ako.

"Bitch. Ano ba ang dahilan kung bakit mo 'to ginagawa? " sigaw ko sa kanya

"Inuunahan lang kita. But anyway, have a nice day little girl." akmang maglalakad siya ulit ng higitin ko siya sa braso.

"Ano ibig mong sabihin?"

Ngumiti lang siya bago ako talikuran. Hihigitin ko sana ang braso niya ngunit hinayaan ko nalang. Ang gulo. Sobrang gulo.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon