Chapter 27

9.7K 206 0
                                    

Alys'POV

Linggo ang lumipas simula nung huli akong pumunta kala Calvin.

Maraming nangyari sa loob ng mga nakalipas na araw. Sila Mommy at Daddy? Divorce na. Hindi na nila kinaya. Bumigay na si daddy. Pero kahit Divorce na sila, sa isang bahay pa rin sila nakatira. Si tita Julie at tito Rico nagkaayos na. Back to normal na sila. Si kuya bumili ng bagong unit, sa tabi ng unit ko, para hindi na daw kami magsama sa isang unit. Si Melvin, walang pinagbago. Lakas pa rin makabakla. Si Calvin? Walang text o tawag galing sa kanya. Si Ezekiel, gusto ko na siyang makita.

Ilang araw na ako dito sa unit ko na walang iniisip kundi si Ezekiel at Calvin.

Si Calvin naging mahalaga sa akin. Napapaisip ako kung bakit ko siya sinaktan. Kung bakit ginawa ko pa yun at umabot sa puntong magkasakitan pa kami. Ang tanga ko. Sobra. Nagawa kong saktan ang lalaking wala naman kasalanan sa akin. I'm stupid. Really stupid. Umiyak siya. Umiyak siya dahil sa akin. Sinaktan ko ang isang tulad niya na walang alam kundi ang pangitiin ako.

Huminga ako ng malalim bago tahakin ang gate ng pinapasukan kong eskwelahan.Ang tagal kong hindi pumasok dito. Ang tagal kong hindi nagpakita.

Lahat ng madadaanan ko nagtatapon ng tingin sa akin. Hindi lang basta tingin lalo na sa mga babae, tingin na handang mangitil ng buhay.

Mukhang kalat na. Alam na nila ang nangyari. Hindi ko sila masisisi kung magagalit sila sa akin. Kasalanan ko naman, eh.Kasalanan ko kung bakit nasasaktan si Calvin. Fangirl sila ni Calvin. Compassion. Sympathy for Calvin's feeling.

"Tagal mong hindi pumasok ha?"

"Anong nangyari sayo Alys?"

"Bakit niyo siya kinakausap?"

"Kapal ng mukha para pumasok pa! Matapos niyang lokohin si Calvin may lakas pa siyang pumasok? Kapal!"

"Tama na yan! Tama lang ang ginawa ni Alys para kay Calvin. Yun lang, babaero pa rin si Calvin?"

"BUTI NAMAN PUMASOK KA! Aba kompleto na group natin group 5 nandyan na si Alys!"

"As if may maiitulong yan!"

"Hindi ka pumasok? May sakit ka ba?" Bungad sa akin ni Bryle ng maupo ako sa tabing upuan niya. Buti pa siya,concern. Ngumiti lang ako.

"Mukhang hindi maganda pakiramdam mo. Oh ito ang mga notes, kinopya kita."

"S-Salamat Bryle."

"You're welcome. Basta kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako."

"Thank you."

"Oh teka, lagpas ang eyeliner mo. Ayusin ko."

Lumapit siya sa akin at dinikit ang thumb sa gilid ng mata ko. "Oh ayan na, ayos na."

"Salamat ulit."

"Good morning. Go to your perspective chair. NOW!"

Dumating na pala si Ma'am kaya nagsiayusan ang lahat ng upo. Yung iba pumunta sa assign chair nila. Mga nagpaalam pa sa mga kaibigan nila. Yung iba galing sa likod kung saan nakalagay ang electric fan. Mga batas talaga.

"Oh lumitaw ka pa Ms Cruz akala ko lumubog ka na, eh. Excuse letter Ms Cruz?" taas kilay niyang tanong sa akin.

"Wala po."

"Siguro naman alam mong bawal ang pumasok kapag walang excuse letter matapos ang ilang araw na absent, right? First year palang patakaran na yan. Go outside Alys Cruz. Now!"

Tumayo nalang ako bago ko pa siya sapakin. Wala akong ganang makipagsagutan sa isang menopause na babae at baka ma stress pa ako lalo ng dahil sa kanya.

Palabas na ako ng pinto ng makasalubong ko siya. Napahinto siya,kasama sila Xaner. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ezekiel. "Where are you going?" tanong niya sa akin. Finally, nakita kita ulit.

"Dyan lang" walang ganang sagot ko. Maglalakad na sana ulit ako ng higitin niya ako sa braso. "Stay."

"Pinapalabas ako." malamig kong sagot.

"Don't go away from me. Wag mo na akong saktan pa." Gusto ko siyang yakapin.Gusto ko siyang makausap ng matino pero bakit ganito? Bakit may pumipigil sa loob ko? Pero nasasaktan ako. Lahat kaming tatlo nasasaktan. Parehas ko silang sinasaktan.

"Dumistansya muna tayo sa isa't isa. May mga taong nasasaktan dahil sa akin. Nasasaktan si Calvin." Napapikit ako. Pinipigilan ang luhang nababadyang bumagsak.

"Ano tatayo nalang kayo sa pinto? Kayong apat na lalaki, stay outside! Labas!" sigaw ni Ma'am Jimenez kaya lumabas na kaming lima. Akala ko hihinto kami sa tapat ng corridor pero bigla nalang akong hinila ni Ezekiel sa braso.

"Nasasaktan ako!" Pilit kong binabawi yung braso ko pero sobrang higpit na pagkakahawak niya sa akin. Kulang nalang mangitim ang braso ko sa sakit.

Huminto kami sa isang bakanteng classroom bago niya ako bitawan. "SA TINGIN MO HINDI AKO NASASAKTAN? NASASAKTAN AKO ALYS! SINASAKTAN MO AKO!" sigaw niya sa akin na ikinabigla ko.

"MAY NASASAKTAN EZEKIEL! MERON! NASASAKTAN YUNG TAONG PINAIBIG KO NA HINDI KO NAMAN SINALO. NAHULOG SIYA AT NASAKTAN!"

"How about me? I feel the same way pain Alys."

Huminga ako ng malalim. Sorry Ezekiel. Para rin sa atin 'to. Sorry. "Mas mahalaga si Calvin. Susubukan ko siyang mahalin...kakalimutan kong ikaw ang unang pag ibig ko...masasaktan si Calvin pag nagsama pa tayo...tama na. Hindi ko na kaya." Naglakad na ako papalayo sa kanya. Isa isa ng tumulo ang luha ko. Sorry Ezekiel. I'm sorry.

Nasa pinto na ako ng magsalita siya. Ayoko sanang marinig pero mas pinili kong makinig kahit alam kong masasaktan lang ako. "To love you, even looks like I'm stupid."
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon