63

2.9K 66 6
                                    

Alys

Katulad kanina, pinag iinitan ako ng isang ungas sa harapan. Kulang nalang barilin niya ako pero syempre hindi niya magagawa 'yun dahil may transaction siya between the police and him. Oras na lumabag siya, hindi magagawa ang misyon nilang tatlo. Well good job dahil napakawalan na ang Benjamin Williams na 'yun. Another case na naman ang gagawin ng mga police. No, oras na hindi nila mahuli ang Benjamin na 'yun on immediately time, mawawalan ng bisa ang kaso dahil sa limitation years nito. Mae-expire at hindi na pwedeng mahuli ang Benjamin na 'yun. Great. Magagaling ang mga hi-jacker na 'to. Bilib ako sa nagplano.

"Miss Ruth, can I borrow your lipstick?" I ask her quietly. Baka mahuli na naman ako nung kasabwat nila sa likod tsk!

"Oh darling." mabilis kong sinalo sa ilalim 'yung lipstick. Kailangan sa pagpasok sa tunnel, magawa ko 'to. Kailangan na namin makatakas dito. Wala ng oras dahil oras na bumaba ang mga high-jacker na 'to, mamatay kaming lahat. At syempre planado na ang lahat ng pagtakas nila.

"Ikaw, yung dalawang lalaki sa likod, tumayo kayo d'yan at lumapit dito."

Napalingon ako sa likod at tinignan ang dalawang tumayo. Yung nakahood na nakamask tsaka 'yung matandang naka bonnet at jacket. Lumapit sila sa high-jacker at pinaluhod. Gagawin na nila.

"Next bus station, tatlo ulit ang baba."

Tulad ng sinabi niya tatlo ulit ang bumaba. Umandar na ulit ang bus at nagpatuloy sa pagbyahe.

"Hubarin nyo 'yan mga damit nyo at isuot 'to. Oras na pumasok na ang bus sa tunnel kailangan nakapagpalit na tayo. Sa puntong 'yun madali nalang kami makakatakas. Alam naman namin na may sumusubaybay ng mga pulis sa bus na 'to at oras na makapagpalit na tayo ng damit, kayo na ang magiging suspect sa crime scene na 'to. Sa next bus station, baba na kami at ang driver ng bus na 'to ay magpapatuloy sa pagmamaneho dahil, " tinutukan niya ng baril 'yung driver, "papaputukan ka ng kasamahan namin na nasa isang mataas na building gamit ang sniper niya. Ayaw mo naman siguro mangyari 'yun 'di ba? At kapag nailigaw na ninyo ang mga police, solve the case. Nagtatakha lang kami dahil alam namin nahuli si Sunny Derics pero nasaan siya kung wala siya sa City Jail. Bagamat 'di na mahalaga ang lahat," tumanaw siya sa harap, "papasok na tayo ng tunnel kaya bilisan nyo hanggat madilim."

Bwisit ang talino. Nakakamangha ang ungas na 'to sa galing mag isip. Magpapalit sila ng damit habang dumadaan ang bus sa tunnel dahil imposible na matanaw sila ng pulis sa madilim na lugar. Nako lang, sayang ang talino ng ungas na 'to at nagagamit sa masamang gawain lang. Pero syempre hindi lang 'yun ang dahilan, oras na makapagpalit na sila sa oras na palabas na ang bus, 'yung dalawang lalaki ang mapagbibintangan. Tatlo sila ng babaeng kasama nila ang baba since 'yung babaeng naka-gum naman ang kasabwat sa krimen na 'to. At habang tumatakbo ang bus, they'll have enough time to escape but, hindi naman sila papayag na may maiwan na butas sa ginawa nilang tatlo. Itong nasa bag na nasa sahig, papasabugin nila 'to para mabura lahat ng ebidensya. Since mautak at madiskarte 'tong tatlong suspects na 'to, hindi naman sila makakapayag na hanapin sila ng mga pulis at ikulong. Oras na sumabog ang bus na 'to, tustada kaming lahat. At dahil suot ng dalawang lalaki ang mga suot nung dalawang suspects, hindi na mag aabala ang mga pulis na hanapin sila dahil aakalain ng mga 'to na sila ang nasunog. Pero mali sila dahil nabulyaso ko na lahat ng plano nila.

Tuluyan ng nakapasok sa tunnel ang bus. Madali kong ginawa ang bagay na kanina ko pa nais gawin. Sa puntong 'to, dapat kong gawin 'to ng maingat bago pa ako mahuli. Sa paglabas dito sa tunnel, kailangan kong maitaas 'to ng maingat.

~~

Author Note♣

Waaah! Di po ako magaling sa english at grammar! Trying hard lang ako, bear with me! Intindihin niyo nalang since bata pa ako at 'di bihasa sa wikang engles!

Nga pala, you can chat me. Di po ako snob! Friendlyyy ako! Huhue~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon