Alys'POV
Sa mundo ngayon, magkasalungat na ang lahat. Kung dati, Maria Clara ang pustura ng isang babae, ngayon ibahin na sa makabagong modernasyasyon. Kung magpapaka-Maria Clara ka, isang nobenta porsyento, may magsasabi na nasa loob ang kulo mo. Ganun naman lagi,eh! May aasahan ka pa ba? Kung sino pa ang matino, siya pa ang nasa loob ang kulo 'daw'. Duh! Parang ngayon, sumalungat sa dating gawi. Sa halip na lalaki ang nangliligaw, ako tong nangliligaw. Tsk tsk.
Asan na ba kasi yung lalaking 'yun? Kanina pa kaya ako naghihintay dito sa labas. Nakakahiya naman sa kanya na paghintayin ako ng ganito katagal. Bwisit!
"Hey!"
"Lumabas ka pa?" Nakangiti kong sabi rito na may halong pagkairita sa boses. Sige, mag antay ka nga ng ilang minuto sa labas ng library, hindi ka maiinip? Kaya ayoko mag aral eh, nakakabagot humawak ng aklat. Pakiramdam ko sleeping pills ang bawat pahina ng aklat.
"Nainip-"
May biglang lumabas na babae sa pinto ng library at seriously, mukhang nakipag making out pa. I don't know kung nakipagchuctyakan pa talaga ha, gulo gulo kasi ang damit although na ayos yung palda niya at plansyadong plansyado pa ang dating.
"Salamat Calvin." bigla siyang lumapit kay Calvin at hinalikan sa lips. Pota!
"No problem" sabi naman ng isa at kumindat pa sa babaeng mukhang alimango. (-_-)
Okay, if he ever did not recognize that I exist, HELER! I EXISTING HERE!
"Oh bakit ganyan mukha mo?"
"Wala"
Wala naman talaga.WALA LANG SA AKIN YUNG PORN KISS!
"Selos?"
Sinapak ko nga.
"Duh! In your dreams." I rolled my eyes that makes him laugh. Baliw!
"Tinatawa mo?" Pinahalata ko na nagseselos ako sa tono ng boses ko. I need to be a good actress if I wanted to won this game. Masyado akong mautak para sa larong 'to kaya hindi ako papayag na may butas lahat ng bibitawan kong galaw.
"You're jealous!" tinuro pa ako ng mokong. Lumakas ang tawa niya dahilan para mapatingin sa amin ang mga istudyanteng dumadaan at tambay malapit sa Library Building. Oh geez! He took attentions.
"No, I'm not!" for the second time, I used my skills again.
Syempre iisipin nito mahal ko talaga siya. Pake ko kung isipin niya at i-adapt ng masama nyang budhi ang ipinapakita ko. Pabor nga sa akin yun para mapadali ang lahat ng matapos na rin. Syempre hindi ako tanga para ma-fall kaya hangga't maaari, kailangan ko ng dobleng ingat at paggamit ng utak. Ayokong gumamit ng puso sa larong 'to dahil mahirap sumugal sa larong hindi mo alam kung kaya mo pang manipyulahin oras na paganahin ang bobong puso. Kung ayaw masaktan, utak ang gamitin. Utak para ingatan ang pusong ginawa para magpakatanga. Yan ang purpose ng utak, ingatan ang puso. Kaya nga nasa taas ang utak e, kasi mas may karapatan to kaysa sa puso. Alipin lang ang puso.
"Nagseselos ka tss!" Ayan nanaman siya sa ngisi niya, nakakapanilabot."Hindi ko alam na selosang mangliligaw ka." bulong niya sa tenga ko. Shit sobranggg lapit ng mukha niya sa mukha ko. Darn! Hindi ko na rin magawa na huminga ng maayos dahil sa kaba. Ano ba 'to, laro lang 'tong ginagawa ko pero kung kabahan ako, sagad sa ugat ng ugat ng ugat. Nakakailang!
Itinulak ko siya papalayo sa akin and again I use another skills para mapaniwala ko siya "Hindi nga sabi."
"Eh bakit ganyan mukha mo?Pinagsakluban-"
"Cut off! Yes I'm jealous."
"Magbabago na ba ako?"
Bigla akong nainis sa sinabi niya. Bakit ganoon siya magsalita? Paano niya nagagawang ngumisi at mang asar? HINDI AKO PAPATALO!
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
حركة (أكشن)WELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...