Chapter 37

7.2K 149 0
                                    

Alexis'POV

Sabi ko maghahanap kami pero ito nagkakagulo na sa buong court dahil sa mataas na usok mula sa third year building. Anong nangyayari doon?

"Tol nagkakagulo. Iba talaga karisma ko!" sabi ng gago'ng katabi at todo chin up pa ang ulul.

"Gago. Anong karisma? Meron ka ba nun? Sa pagkakaalam ko ang salitang 'karisma' ay kaagapay na ng pangalang Alexis kaya wag ka ng mag ilusyon na may karisma ka at ituloy mo nalang ang paghahanap kay Alys."

"Tado! Edi dapat magpa Alexis name na rin ako?"

"At least aminado kang panget ka." buska ko na ikinakunot ng noo niya at nagdadakdak. Hindi ko nalang siya pinansin pa ang hinanap nalang si Alys.

Saan ba nagtungo 'yung babaeng 'yun?

"Tol baka umuwi na?"

"Bobo ka ba? Paano makakauwi 'yun kung wala pang alas dose?"

Tanga talaga ng isang 'to. Nakakapagtaka talaga kung bakit naging kagrupo ko 'tong siraulong 'to kung minsan tatanga tanga, ay madalas pala. "Tsaka alas nuebe 'y media palang. Imposibleng makauwi 'yun ng ganitong kaaga dahil hindi siya papalabasin ng head office."

"Malay mo advance yung orasan ng Dean at palabasin siya bobo chichay ka talaga."

"Ulul."

*bzzt*

"Oh si boss tumatawag." sabi ko "Boss."

(Back up. Shit third year building fckeeer. *tooooot*)

"Back up, asap! May nangyayari."

Mabilis kaming umalis sa pwesto namin at tinahak ang daan patungo sa building kung saan nagmumula ang makapal na usok. Boses palang ni Ezekiel mahahalata na may nangyaring hindi maganda.

"Damn. Ang init!"

"Bobo 'wag dyan, dito!" sigaw ko dahil umakyat pa siya sa isang palapag kung saan may apoy.

"Mas malapit dito!" sigaw niya

"Mas ligtas naman dito." balik kong sigaw at tumakbo na ulit. Bahala na siya kung saan siya dadaan.

"Hoy Reegan!" sigaw ko ng makita ko si Reegan. Anong ginagawa ng isang 'to dito?

"P-Please t-tulong."

"Shit Reegan. A-Anong nangyayari?--"

"Tol dalhin natin siya sa clinic." garagal na sabi ni Xaner

"Pero si Ezekiel--"

"Kaya na niya yun! MAUUBUSAN NG DUGO 'TONG IMPAKTANG 'TO!"

Shit bakit ngayon pa!


Alys'POV

*cough*

*cough*

"T-Tulong!"

Ang sakit sa ilong. Hindi ko makakita ng maayos at ang hirap pang huminga. Can someone help me? Konti nalang bibigay na ako sa mga nalanghap kong usok. A-Ang init sa balat. Ang init sa pakiramdam. Bwiset na usok 'to!!! Talaga bang papatayin ako sa usok ngayon?Punyeta naman oh! May pangarap pa akong dapat tuparin. Err!

*cough*

*cough*

"T-Tulong naman oh!"

"A-Alys are you there? ALYS!"

M-May tao...

"T-Tulong—"
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon