Alys'POV
"Dahan dahan naman, baka mabulunan ka." sabi ng lalaking unggoy sa tabi ko. Inirapan ko lang siya at kumain muli.
Gutom na gutom ako. Kainis! Daig ko pa patay gutom nito ha!!!
Inabot ko yung hita ng manok at deretsong nilantakan. Nagugutom talaga ako.
"Miss na kita." Napalingon ako sa kanya. Nakayuko lang siya at mukhang ayaw pang tumingin ng deretso sa akin kaya inangat ko yung baba niya gamit yung buto ng hita. "Alis ka pa ha,tuluyan mo na akong hindi makikita." Ngumiti ako sa kanya kaya napangiti din siya.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya at niyakap ako. "Chansing."
"Kapal." kumalas siya at kumuha ng suklay sa drawer ng kwarto ko. Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko sabay suklay."Tarantado."
"Haha at least may dahilan ako para suklayan ka. Baka sabihin mong inggit ako sa buhok mo, eh."
Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang gawin. Sanay na ako. Ito naman lagi ang habit niya pag wala siyang magawa. Swerte ako sa bestfriend kong 'to dahil bilang nalang ang mga lalaking kukuha ng suklay para suklayan ang mga babae. Proud na Proud ako sa kanya.
"Alys."
"Hmm."
"Ngumiti ka nga."
Humarap siya sa akin at tinignan ang mukha ko. Ngumiti ako.
"Yung tunay na ngiti."
"Tunay 'to." depensa ko
"Maglolokohan pa ba tayo?Kilala na kita Alys simula grade school. Alam ko kung kailan ka masaya at hindi. Alam ko kung kailan ka may problema at wala. Tell me,whats bothering with you? I want to help you..."
"Eh bakit gusto mo pa akong pangitiin kung alam mong may problema ako? Tanga tangahan nalang?"
"Gusto ko–"
"Nagmamahal kasi ako. Hindi ko alam kung sa taong mahal ako o sa mahal ko."
Bakit ba kasi ganito kakumplikado ang buhay ko? Minsan nalang akong magmahal pero palpak pa. Hindi pa naging perfect. Naguguluhan na rin ako. Konti nalang sasabog na ang utak ko dahil sa mga sinabi ni Alexis kanina. Urg.
"Tapos?"
"Kanino ba dapat?"
"Puso mo lang ang makakasagot nyan. Utak at puso lang best, masasagot kung kanino ba dapat."
"Paano?"
"Hindi ko alam."
"Wow, galing ng advice ha. May naitulong. Bwiset na 'to,akala ko makakatulong ang gago." hinampas ko sa kamay niya yung fries na kinuha ko sabay subo sa bibig niyang magrereact pa sana.
"Brute."
Nagkulitan, nagsapakan,nagkurutan at nagtawanan kaming dalawa ni Luke. Hindi na namin namalayan ang oras at nang mapansin niya ay naisipan na niyang umuwi. Late twelve na rin para sa amin.
"Ingat ka." binuksan ko ang pinto ng unit ko.
"Ikaw ang dapat mag ingat. Mahal pa man din kita."
"Oo na. Mahal din naman kita, eh." niyakap ko siya ng mahigpit. Yung tipong wala ng space sa pagitan namin. Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos. "Ganito ang ginagawa ko sa aso ko eh"
HINAMPAS KO SIYA NG MALAKAS SA ULO. "Bwiset na 'to. Mukha ba akong aso? Gusto mo ingudngod kita dyan?"
"Hahahaha joke lang. Sige, tulog ka na, bestfriend."
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AçãoWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...