Huminga ako ng malalim. Pinakalma ko pa ang isip at ang loob ko para maitanong ko lang sa kanya 'to, "Kailan alis mo?"
"Ngayon na."
Hindi na ako nagsalita pa ng dahan dahan bumaba ang shuttle sa spot.
Nasa ganoon pwesto pa rin kami kahit nakahinto na ang shuttle sa baba. Masakit. Naiiyak ako sa sakit.
"Naisip ko ang daya mo. Kasi nangako ka na hindi mo ako iiwan. Pero naisip ko kung ano ba ang mas madaya. Yung iiwan mo ako? O yung pinilit kitang mangako?"
"I am really sorry for not choosing you."
Bakit ang dali lang sa kanya sabihin yan? Ganon lang ba kababaw para sa kanya lahat?
Tumayo na ako at iniwan siya. Lumabas ako ng EK at pumara ng taxi pauwi.
Do I deserved this kind of pain? Bakit ko kailangan masaktan ng ganito? Ano ba nagawa ko sa past life ko para maramdaman ang ganito?
Nang makarating sa bahay ay pumasok akong umiiyak. Hindi ko na alintana ang iisipin nila. "Kuya..." napahagulgol ako sa balikat niya ng salubungin niya ako ng yakap.
"What happened? Bakit ka umiiyak? Sino nagpaiyak sayo?"
Hindi ko siya sinagot bagkus nanahimik ako sa balikat niya at umiyak ng umiyak.
Nakakamatay ang pag ibig. "I'll accept your offer." Aalis din ako ng bansa. Ayoko mag stay dito. Mababaliw ako. Gusto ko magbagong buhay.
"Kailan mo gustong umalis ng bansa?"
Hindi ako sumagot. I felt drain. Pain. Sorrow.
"Then it must be tomorrow."
Am I never enough?
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AcciónWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...