Alys'POV
"We have an activity for next day. So I guess, I need to group yourselve into five members."
May nilabas na box si ma'am mula sa ilalim ng table.
Nakikinig lang ako (which na bagong bago sa akin) sa lesson or discuss ni ma'am dahil malapit na ang third rating. Syempre aral aral muna para pumasa. Kahit walang kasiguraduhan na papasa dahil sa brain ko minsan.
"Ilan ang istudyante dito sa room, class?"
"Ma'am 42 po." sagot ng president namin.
"Nine groups will do. May anim na lima, dalawang anim. Exactly. May count 1 to 9 na papel dito. Lahat ay anim ang bilang ng bawat numero."
"Edi ma'am, anim na 1, amin na 2 hanggang 9 ganun po?"
"Exactly." ngumiti si Ma'am at pinabunot na kaming lahat.
Anong klaseng activity naman kaya yun? Sana matalino ang kagrupo ko. Hayy (-_-) Delikado grades ko kapag bobo ang kagrupo ko. Chaka! Nagsalita ang matalino. Hmp!
"Two ang akin!"
"Nine ang akin!"
"Shaks! Hindi tayo magkagrupo. Five ako!"
"Three naman ako!"
"Ano ba yan! Ikaw pa kagrupo ko!"
"Maglolokohan lang grupo natin hahahahaha"
"Malasss!"
"Six. Six ang nabunot ko." sabi ko sa sarili ko ng buklatin ko ang maliit na papel.
"Attentionnnn~ Lahat ng one, dito. Two doon! Three sa dulo, four sa gitna, five sa harap, six sa may pinto. Seven sa tabi ng five. Eight sa tabi ng two and nine sa tabi ng one. Assemble guys."
"Tatayo ka na lang ba d'yan? Sumunod ka na sa akin."
Si hilaw na buhok. So kagrupo ko pala siya? Tiwala akong may utak siya. Itsura palang.
So ayun nga, sumunod ako sa kanya—and I was been shocked when I realized who are my groupmates.
"Yo, nandito ka tol?" tanong ni Ervin kay Ezekiel.
"Sa tingin mo?"
Teka, nagtalog siya? Binara niya si Ervin?
Tumingin siya sa akin. "Tss..."
(-____-)
"Haha sungit mo tol. Oy, Alys! Dito ka sa tabi ko." bigla akong hinila ni Ervin sa kamay at tinabi sa kanya. Take note; nakaakbay pa siya.
Hindi na rin naman ako pumalag dahil mabait ako. Hayaan na siya. Mukhang touchy lang siya katulad ni Neyo. Speaking of Neyo, hindi ko pa siya nakikita. Pati si Calvin. Nasaan na ba yun?
Pansin kong nangingiti or let me say, napapahagikgik si Ervin kaya tumingin ako sa kanya. Napapalingon siya kay Ezekiel na kunot noo-ng nakatingin sa—braso ni Ervin?
Okay para saan yun?
"Tol, ano na? Hahahahahaha! Kaya pa ba?"
Sabog ba 'tong si Ervin at trip niyang tumawa?
"What's funny?" Iritadong tanong ni Ezekiel na halatang nagpipigil ng inis sa kung ano.
"Nothing tol Hahaha."
"Tss!"
"HAHAHAHAHAHA!" tawa niya ng malakas kaya naagaw ng grupo namin ang lahat ng atensyon ng grupo. Pati si Ma'am.
"Anong nakakatuwa Mr Reid?"tanong ni Ma'am
"Wala naman po—Hahaha! O-Oy! Ano po ba ang activity Ma'am?"
Lahat ay nabalik ang atensyon kay Ma'am. Pero hindi pa rin nakakalagpas sa akin ang tawa ng katabi ko. Medyo naiirita na rin ako dahil ang likot niya. Nakaakbay pa man din siya sa balikat ko.
"Sciawit. Related naman siguro kayo sa Sciawit diba?"
Tumango tango sila maliban sa akin at sa iba. As if na alam ko yan. Mukha ba akong nag aaral? Nang mabuti?
"About Law of Motion ang activity. Gusto kong magcompose kayo ng lyrics about sa Motion. Kung nakikinig kayo, we have three differents law. The first one is Enertia, the second is Acceleration and the third one is Interaction. Parang Jingle—parang lang. Ang formation ay dapat maayos. Bukod bukod ang Three law by paragraph para malinaw ha? So, sa next week na ang perform. All of you have to do is magpractice and you have a lot of days. Dismissed class. But before I'm going out—Ms Cruz, follow me." sabay lakad niya palabas ng room.
Bakit kaya? Talagang may pahabol pa sa akin.
"Tawag ka Alys, samahan kita?" offered ni Ervin na hindi ko alam kung may ibig ipahiwatig dahil sa boses niya. Parang nang aasar na ewan.
"Hindi na. Malaki na ako para samahan pa." masungit kong sagot sa kanya bago alisin ang braso niya sa balikat.
Mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko dahil nakauwang ng bahagya ang bibig niya.
Lumingon ako kay Ezekiel, nakangiti siya. Not literally na ngiting ngiti. Kung baga ang ngiti niya 2 out of 10. Konting konti lang! Daplis. Hindi mo mahahalata pag hindi mo sinuri--teka! Bakit ko sinuri?
Lumabas na ako ng room at sumunod kay ma'am.
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...