74

2.6K 69 0
                                    


|Xaner|

"Anak ng- bakit may picture mo ako Ervin?" aba pota! Pinag nanasahan pa yata ako ng ugag na 'to "Crush mo ko?"

"Ulul. Pakyu. Gago! Asa ka pang panget ka." Oh kita, depensive ang gago. Nako! Kadiri!

"Stolen pa talaga kuha-"

"Tang ina burahin ko nga 'yan napasukan ng virus ang cell phone ko!" Inagaw niya sa akin ang phone niya habang ako natatawa dito sa sulok. Kukuha nalang ng picture ko hindi pa ako handa. Hindi manlang ako inimform na kailangan kong magpogi sign. Linchak! Sabagay kahit stolen gwapo pa rin ako.

"Sheyt. May ni like lang ako na status nang babae kasi natawa ako abat after ten seconds nagpadala agad sya nang Relationship Request. Sheyt gwapo ko talaga!"

"Kapal ng mukha ng unggoy na 'to. Lakas mangarap." sabay bato ko ng unan kay Alexis na ang lakas mangarap na gwapo siya. Di hamak na mas gwapo ang kuko ko sa mukha niya.

"Ulul" binato niya din sa akin 'yung unan kaya akmang ibabato ko ulit sa kanya ng makarinig kami ng pagbukas at sarado ng pinto. Napaayos kami ng upo at napatingin kay Ezekiel na kakapasok lang.

"Boss ginabi ka yata-"

"Tulungan n'yo si Alys."

"Ha?"

"Why?"

"Baka patayin kami nun."

"Oo nga. Mafia Boss 'yun. Baka ilaga kami nun sa tubig o chop-chop-in ng buhay. O kaya tanggalan ng dugo ng buhay tulad ng ginagawa sa puneralya. Shit mawawala ang pinakagwapong nilalang sa mundo."

"Pota mamatay ka nalang Ervin nangangarap ka pang ulul ka."

Nagkatinginan kaming tatlo. Ano ba 'tong sinasabi ni Ezekiel? Tulungan? Di hamak na mas malakas 'yun sa amin dahil isa na 'yung Mafia Boss ng Custus Guild. At ang mga nagiging Boss, malakas kaysa sa mga underlings.

"Seryoso ka Boss?" Baka kasi nabingi lang kami sa sinabi nya. Aba, ayaw namin sumugal pero handa kaming mamatay.

"Do I look I'm joking?"

"Ha-Ha-Ha seryoso ka nga Boss." Sheyt! Nakakatakot talaga pag nagtataas na siya ng boses. Parang sa isang iglap huhugot na ng baril. Tsk. Tsk. Patay ang pinakagwapo.

"Help her, hindi niya kakayanin." Tumalikod siya at pumasok sa kwarto niya.

Kahit magulo, nagsipasukan kami sa kanya-kanya namin kwarto para mag impake. Hindi ko talaga minsan maintindihan si Ezekiel. Kulang kasi sa paliwanag. Ni hindi manlang sinabi ang dahilan kung bakit kailangan namin tulungan si Alys. Masyado niya talagang mahal si Alys. Hay, pag ibig, salot ka! Salot! Ay pota wala talagang forever.

**

Kanina pa kami dito sa harap ng malaking mansyon nila Alys. Nakatanga sa Red House. Napakalaki. Mas malawak sa mansyon nila Zenia.

"Ikaw na mag gatebell"

"Ulul bakit ako! Ikaw kaya!"

"Tsk ako na nga. Ako lang naman gwapo dito."

Anong connect ng sinabi ni Ervin sa pagpindot sa gatebell? Ugags. Lakas talaga mangarap.

"Alexis"

"Nag mamay ari ng pinakagwapong mukha, oh?"

"Pindutin mo nga."

Ay ugags nga.

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon