55

3.4K 74 0
                                    


Alys

Hindi na ako nagulat sa sinabi ni Edriel na kailangan kong patayin si Ezekiel. Mahal ko si Ezekiel. May pinagsamahan kami. Noon. Pero ang malaman na anak siya ng taong pumatay sa ate ko, kinalimutan ko na ang lahat ng nakaraan. Kalaban siya. He is son of moron.

Alas otso pasado na ako nang makarating sa Palma's Hotel kung saan ang venue ng pagdarausan ng handaan ni Melvin. Siguradong huli na ako sa entrance.

Isinuot ko ang black mask ko bago umentrada sa mahabang pulang tela papasok sa lobby. Umingasngas ang ilang huni ng mga tao sa loob ng makita ako. Tila'y nabibighani sila sa suot ko at lalo na sa terno nitong maskara. Maraming nagtangkang lumapit sa akin ngunit lahat sila ay nilalagpasan ko lamang.

Umakyat ako patungo sa second floor kung saan nakatingin sa akin si Melvin wearing his suit. Wala siyang maskara. Seryoso ang itsura niyang nakatingin sa akin. Hindi mababakasan ng kaungguyan at kabaklaan.

"Sige, ikaw na birthday celebrant dito. Agaw atensyon kang bakla ka! Ako dapat ang nagsusuot ng gown na 'yan eh!" nag iinarteng bulong niya

Tumawa ako ng mahina at kumapit sa braso niya. "Ako ang muse mo ngayon sa birthday mo. Tanggapin mo nalang na mas maganda ako sayo."

"May sinasabi ka?" Nakasimangot niyang tanong na tila'y hindi tanggap ang mga sinabi ko. Kinurot ko siya ng mahina at humagikgik na rin. Hay, ito talagang baklang 'to, kaya mahal na mahal ko eh. Ayaw magpatalo.

"Tigilan mo 'yan pag iilusyon mong bruha ka. Ako lang maganda dito."

"Oo nalang"

Unti-unti ng nagd-dim ang ilaw hanggang sa mamatay na 'to at marinig namin ang boses ng emcee.

"Wow ang ganda mo nga Alys!" Natatawang sabi niya habang walang liwanag

Napasimangot ako. Hay! Ang sama ng ugali ng isang 'to.

"Glow in the dark ka pala. Sa dilim ka lang maganda" Galak na galak ang boses niya. Kulang nalang maglumpasay siya sa saya.

"Tawa pa, gugulong ka sa hagdan na 'to." Sabi ko

Nag spot light sa kinakatayuan namin, sign na pwede na kaming bumaba. Lahat ng atensyon ay nasa amin.

"Ganito pala pakiramdam na may sumasabit sayong unggoy 'no? Ewww~"

Marahan ko siyang itinulak kaya muntikan ng mauna ang mukha niya sa ground floor "Patikim palang 'yan bakla ka." Natatawa kong banta

"My gosh! God why did you send like her? I'm gonna dead."

Narinig namin ang mahihinang tawanan. Siguro'y napansin nila ang pagtatalo namin dalawa.

Humawi ang lahat sa kaliwa't kanan ng nasa baba na kami. Lumapit sa amin si tita at tito, magulang ni Melvin.

"Happy birthday son" Bati ni tito at tinapik nito sa balikat si Melvin

"Papa naman! Daughter! Daughter! Anong son ka d'yan!" Pagrereklamo niya

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni bakla. Kapal talaga ng mukha kahit kailan. May pa- daughter-daughter pang alam. Binabae talaga.

"Happy Birthday my daughter! I love you." Naiiyak si tita ng yakapin si Melvin. Ilang taon ba naman hindi makita ang anak, sino ba hindi makakamiss sa anak?

Siguro kaya tanggap ni Tito si Melvin dahil alam niya ang tama at mali. Tama na tanggapin nila ang anak nila dahil hindi naman nila naalagaan si Melvin. Hindi nila nakasama ang unico-hijo nila dahil sa workaholics sila ni Tita. Mali na tutulan nito ang anak sa pagiging berde dahil wala na silang magagawa at mali dahil may mga kasalanan din sila sa anak nila. Hindi nila nasubaybayan ang anak sa paglaki.

"Mama h'wag kang iyakin. Gurang ka na." If I know, ayaw niya lang ng madrama dahil maiiyak din siya.

"Excuse Tita and Tito, maglilibot lang muna ako." Paalam ko at tumalikod na sa kanila.

Inabutan ako ng server ng isang kopita ng alak. Ininom ko 'to at ramdam ko ang init nito sa lalamunan ko.

Napalingon ako sa entrance ng may apat na lalaking pumasok suot ang maskara at isang babae na nakawhite dress. Napatiim bagang ako ng mapagtatanto ko kung sino ang mga ito. Inilapag ko ang kopita sa lamesa at matama silang tinitigan habang naglalakad sila sa gitna ng maalon na tao.

Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnam ko. Hindi dahil sa takot. Galit, galit ang nagtutulak sa akin para pabagsakin sila.

"H'wag kang gagawa ng eksena dito Alys." Malamig niyang turan mula sa likod ko "Kumalma ka. Pakalmahin mo ang sarili mo. Hindi pa 'to ang tamang panahon. Magsisimula pa lang ang laro kaya h'wag mong tapusin kaagad."

Tulad ng sinabi ni kuya Ashton, pinakalma ko ang galit sa katawan ko. Sunod-sunod ang paghinga ko ng malalim.

Hindi pa 'to ang tamang panahon. Hindi pa.

"Magpapahinga muna ako." Paalam ko ng matapos kong sunud-sunurin ang tungga ng vodka. Nararamdaman ko na ang paggalaw ng mundo ko pero alam ko pa ang nangyayari.

"Hatid na kita sa hotel room mo-"

"Hindi na kuya. Tulungan mo nalang si bakla." Kumakaway akong sumakay ng elevator. Pinindot ko ang right floor.

Inangat ko ang ulo ko sa kasama ko. Nakamaskara rin siya.

Huminga ako ng malalim at nagtanggal ng maskara. Kinusot ko ang mata ko at nag unat.

"Anong..." halos malunok ko ang laway ko ng makita ko siya...

"Alys..." halos puro lungkot ang nakikita ko sa makislap niyang mata. Hinaplos niya ang pisngi ko. Tinapik ko 'yun.

"Dumistansya ka..." malamig kong turan

Pagkakataon nga naman. Nanadya.

"Nasaan si Zenia-"

"B-Bakit..."

"Anong bakit?" Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Dapat hindi ko 'to maramdaman. Mali 'to. "Bakit ka umalis?"

"Hindi ba ako pwedeng umalis ng bansa?" Marahan kong tanong habang yumuyuko. Ang init. Nag iinit mata ko. Letseng alak 'yan.

Katahimikan ang bumalot sa maikling minuto. Nanatili akong nakayuko at tanging malalalim na hininga niya lang ang naririnig ko "Ayokong maniwala... ayoko... masakit kasi.. ayokong ikaw..."

Napaangat ang tingin ko sa kanya kasabay nun ang pagpatak ng luha niya. "Alys... ayokong paniwalaan na ikaw ang pumatay sa ama ko... na ikaw ang naging dahilan kung bakit nawala si daddy. Kahit na pinapalo ako nun, hinahampas ng latigo para magtino, minumura, sinasapak, kinukulong, sinasampal, hindi pinapakain sa tamang oras kapag may kasalanan ako, ama ko pa rin siya... dugo ko ang dugo niya... kaya ang hirap Alys na pagsuspentyahan ka. Galit ako sa mundo. Galit ako dahil pinipilit nilang ikaw. Ikaw at ikaw. Pero shit Alys, sayo lang ako maniniwala... sayo lang... now tell me the truth... ikaw ba... ikaw ba ang pumatay kay dad?" Halos pumiyok siya sa huli niyang sinabi.

Tinitigan ko lang siya. Hindi ako sumagot. Huminto ang elevator sa destinasyon ko kaya agad na akong lumabas.

Nasa tapat na ako ng unit ko at ramdam kong sinundan niya ako. "Paano kung oo?" Hamon kong tanong

"Isang oo at hindi lang."

Napangisi ako. "O-"

He kissed me.

"I missed you. Mababaliw na ako."

I slapped him out loud.

"Stupid. I killed your dad. I'm his killer. I killed him."
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon