Alys'POV
Monday na and as usual nakakatamad pumasok pero ito, naglalakad ako ngayon patungo sa room ko. Kahit tinatamad ako at pilit inaatake ng kasipagan, nanaig pa rin ang dugong katam.
"Yo." Naaninag ako ni Bryle sa pintuan. Nakatambay kasi siya sa pintuan. Sa pintuan hindi sa pinto.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilagpasan. Way back to the old Alys again.
"Moody" Hindi ko alam kung bulong ba yun o sadyang pinarinig lang niya sa akin.
I walked in the boring classroom and slumped into my seat in the far back corner of the room.
Bilang ang istudyanteng nasa loob dahil masyado pang maaga para pumasok.
"Hi"
"Need?" tanong ko kay Bryle na ngi-ngiti habang nakaharap sa akin. Uhm. What's on?
"Wala lang. Kumusta nga pala? Namiss kita."
"Duh. Close tayo?" tanong ko sa kanya.
Kung makasabi ng namiss kita, akala mo close kami.
Tumawa siya bigla.
"Napakasungit mo talaga. Tindi mo mambara ha." tapos tumawa siya ulit.
Unti unti ng dumadami ang mga tao sa room hanggang sa dumating ang teacher. Filipino Subject. Puro tanong, discuss, sagot at report ang ginawa. Tinatamad ako. Hindi kayang i-sink-in ng brainy ko ang dakdak ni sir kaya ang tanging naiisip kong paraan para masolve ang problems ko, matulog sa klase.
Math time. Gahd! Dudugo ang brainy ko matapos akong matulog ng isang oras. Bakit Math? Gahd! Pero hayaan na nga, matalino naman ako sa Math, eh. Sadyang tamad lang talaga ako. Tsaka,easy easy ang math pero pagdating kay X napapatulala ako at minsan tatanungin ko Y. Buti sa Math tinatanong kung nasaan si X at kapag tinanong na ang Y asahan mo, masasagot ang X. The Best talaga ang Math. Isang tanong ng Y solve agad ang X.
Dumaan ang AP subject. Syempre nakinig ako ng mabuti. May Quiz kaya. When someone got lower than two, betlogs, ipapatawag ang parents plus bring sako at basahan. Duh. Saan ko ilalagay ang sako at basahan? Sa bag ko- na halos dalawang journal na manipis at dalawang notebook na pili ang laging dala- Duh. Masikip sa bag.
Nakakuha ako ng 25 over 30 sa long quiz namin. Sayang! Tatlo kaming 25 na highest all over the room and lowest sa amin ay si Paul. 4 lang ang nakuha niya. Kinatyawan siya ni ma'am kung bakit 4 lang siya. Bakit daw hindi niya namana ang talino ng nanay niya?
Break time.
Pinaka the best time ever. After four subjects, makakalamon na rin. Nakakagutom ang mag aral. Solido.
Tumingin ako sa katabi ko-kay Bryle- na tahimik. Mostly kasi madakdak 'to. Walang subjects na hindi siya nababati ng mga guro namin.
"Siguradong mahihiyang lumapit sayo si Art ng AFGITMOLFM ni Pilosopotasya dahil sa mukha mo." pansin ko sa kanya na ikinatingin naman ng mata niya sa akin.
Nakakapanibago kasi siya. Sa ilang araw ako ang katabi niya, nasanay ako na madaldal siya. Thanks for him dahil kahit anong antok ko sa mga nakaraang klase hindi ako makatulog dahil sa ingay niya.
"Wow thank you sa compliment ha." sabi niya in sarcastic way. Problema ba nito? At saka bakit ko ba 'to pinapansin, bwiset!
I just rolled my eyes and let him go. Lakas makaasar. (╬◣д◢)
Lumabas na rin ako ng kwarto- "Ms Alys Miracle Cruz?" Sige, fullname talaga? Tsk.
"Yes?" tanong yun diba? Patanong ang angat ng boses niya.
"Pinapatawag po kayo sa Principal's Office. Asap daw po."
"Okay."
Naglakad na ako patungo sa Principal's Office. Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginawang kasalanan ah? Hmm.
Pumasok ako sa loob. Naroon ang head at secretary. Naagaw ko ang atensyon nilang dalawa kaya parehas silang napalingon sa akin.
"Straight to the point why I called you, ikaw na ang magiging Campus Second Princess."
Napa 'huh' ako sa sinabi ng principal Second Princess? Ano 'to, may Campus Royalties ang dating? Bakit hindi ako updated?
"Dahil wala na rin naman sila Avril which she's the second and she chose you, ikaw na ang papalit." Ngumiti sa akin ang Dean matapos niya ilahad ang nais niyang sabihin.
Naguguluhan ako.
Bakit ako?
Bakit ako ang pinili?
Eh?
Ang dami palang ka-ek-ekan ng school na 'to. Tss.
"So,ikaw ang aako sa responsibilities ni Avril."
"H-Huh? Bakit ako?" Hindi ko mapigilan na tanong. Letshe, time consuming 'tong gagawin ko oras na tanggapin ko ang letshugas na titulo na 'to. Letshe rin na Avril yun,ako pa ang tinira sa posisyon niya. Tsss.
"Because she chose you." and again, she smiled.
"Okay."
*
"Bryle." I called him when I saw him, here at rooftop. He didn't responced so I decided to sat next to him.
Tahimik lang siyang nakaupo at nakatingin sa malawak na palayan,dito sa likod ng school.
Maaliwalas ang ambiance ng buong paligid.Hindi gaano kainit ang panahon kahit 11:30 pasado na ng tanghali.
"Whats your problem?" tanong niya sa akin. I shook my head.
"Hindi ako ang may problema dito kaya wag mong itanong ang tanong na para sayo." sabi ko na ikinatahimik niya."Whats up with you?"
"I'm broken hearted. I feel so empty." and boom. Umiyak siya.
Tumayo ako at iniwan siya.
May lakad pala ako. Kailangan kong puntahan yun.
Pumasok ako sa IV-Rizal. Second floor.
Lahat sila napalingon sa akin. Halatang nagulat sa biglang pasok ko.
Hinagilap ng paningin ko si Kitin Venezuella. "Venezuella."
Tumaas ang kilay ng isang babae. Sign na siya yun dahil humakbang siya papalapit sa akin.
"Why?" tanong niya.
"Why you broke up with Bryle?" I asked her impatiently.
"Why would you care?" She grins.
"Because I do care." I said trying to calm myself.
"Okay. Ayoko na sa kanya. Masyado siyang willing na ipaglaban ang relasyon namin kahit tutol ang parents ko sa kanya."
Sinampal ko siya.
Most of her classmate was shocked and had gasp. "If you find someone willing to go through hell just to keep your relationship alive, never take their love for granted." then I walked out.
Poor girl.
"Hi" napalingon ako sa kanya.
Nakangiti siya sa akin.
Ngumiti rin ako.
"Hinahanap mo ba ako sa room?" tanong niya.
"No, Russel." I casual said.
"Oh, here." May inabot siya sa akin--clip? "Oh wait, ako na magkakabit." tapos binawi niya sa kamay ko at nilagay sa buhok ko.
"Bagay na bagay sayo. I love you."
Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ang pisngi ko.
"Ingat ka ha, mahalaga ka sa akin." and he turned back and he walked away from me.
S-Si Calvin Russel ba talaga yun? Napahawak ako sa dibdib ko, sa bandang puso, and I realized, mabilis ang tibok ng puso ko.
Gahd! Anong ginawa mo Calvin sa puso ko? Napakalandi niya!
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AçãoWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...