Chapter 6

17.3K 364 3
                                    

"Ang cute!" kita ang saya sa mukha ng gwapong nilalang na nasa harapan ko. "How I wish na tunay 'tong singsing" sabi pa niya at isinuot sa ring finger ko yung tagpi-pisong singsing na nabibili sa tabi-tabi

"Baliw...."

"Hahaha oh, ikaw naman."

Isinuot ko naman yung singsing sa daliri niya. Ang babaw ng saya niya at siguro kahit sino kaya ibigay sa kanya yon dahil madali lang siya mapapangiti sa mga maliliit na bagay. Ngiting-ngiti kasi siya. Parang ngayon lang nakakita ng ganitong bagay.

"Oh thank youuu~" sabay yakap niya sa akin "Thanks for this experience. This awesome!"

"No problem" di ko mapigilan ang pagngiti, nakakahawa ang saya niya.

"Ngumiti ka? (O_O)"

I nodded.

Sino ba hindi mapapangiti kung isang Klein ang dahilan ng pagngiti mo?

"Bagay sayo. Bagay na bagay sayo Alys! Lalo ka gumaganda sa paningin ko"

Maya maya ay naghiwalay na kami ng landas dahil may kanya-kanya pa kaming balak sa araw na ito. Napatitig ako sa singsing na suot ko. Ito ang unang pagkakataon na nagsuot ako ng laruan na singsing. Ganito pala yung feeling. Noong bata kasi ako may naglalaro sa playground na kasal-kasalan. Hindi ako makasali dahil hindi ako noon nakakalakad. Ang saya nilang panuorin. Inggit na inggit ako kasi naglalaro sila habang ako, nakaupo lang sa wheelchair ko. Meron pa nga akong crush doon e, yung brown ang buhok. Sobrang sungit niya. Sakit sa bangs ang kasungitan niya habang naglalaro sila ng mga kaibigan niya. Halos lahat ng babaeng kalaro niya gusto ikasal sa kanya. At yung mga babaeng yon, kawawa dahil panlalait ang inabot sa lalaking 'yon. Sabagay totoo naman na ang sakit nila sa mata.

Hindi ko na alam na iyon na amg huling beses na makikita ko siya. Hindi na siya ulit bumalik sa playground noon. Maski yung mga kaibigan niya. Aaminin ko kahit bata pa ako noon, nasaktan ako. Umiyak pa nga ako e. Ang bata pa masaktan sa mga ganon bagay lang. Siguradong pagtatawanan lang ako ng mga tao kung sasabihin ko ang nakaraan ko patungkol sa buhay pagnanasa.

Lumipas ang mga taon, nakakalakad na ako. At mula nang makalakad ako, lagi na akong pumupunta sa playground para abangan yung crush ko pero wala na talaga. Hindi ko na talaga siya nakita.

Natanong ko sa sarili ko, crush lang ba talaga? Ngayon malaki na ako, hindi ko pa rin alam kung crush lang o pag ibig na ang nararamdaman ko. Hindi ko kasi madefine. Ang hirap.

"Where have you been?"

"Ay bakla!"

"I'm not gay tss"

"Ano ba! Bakit bigla bigla ka nalang nanggugulat?" pasigaw kong tanong. Bigla nalang kasing sumulpot sa harap ko. Hindi ko na rin napansin na nasa maze garden na ako. Lutang pala ako habang naglalakad no? Ni hindi ko na napansin ang ginagawa ko. Tss.

"Sarap makita na iritable mukha mo"

Tss!

Siguradong mahihiya si Elmo ng Sesami street na humarap sa akin nito dahil sa pagkapula ko.

"Tss. Why?" Nosebleed ako!

"Kinikilig ako." Seriously, why? Galit ako sa kanya diba? Bakit ako kinikilig? Hmm. Sabog ata gilagid ko kaya kinikilig ako.

"You are married with whom?"

Tinaas ko yung kamay ko at pinakita yung singsing.

"With Klein. Hindi ko alam na mababaw na tao pala siya."

"Yeah! Hayaan mo na. Minsan lang naman."

Nagtagalog siya? Naks! Marunong naman pala magtagalog--WAIT! Ang panget ng accent niya. Pang bakla ang accent.

"Sounds like gay."

"Yeah whateves! I'm not fluent with filipino accent. Sorry. But I'm trying my best to speak tagalog because you are stupid."

"Tss...."

I rolled my eyes. Sige, siya na! (-_-)

"I love you" *wink*

"Tarantado!"

"Haha cute~" sabay gulo niya sa buhok ko. Aish! Bakit buhok ko pa!

"Sheyt! Kainis ka!" tinapik ko yung kamay niya palayo sa buhok ko."Bwiset to! Buhok ko pa ang tinira."

"Chill. Lets go, date muna tayo" langhiyang Calvin to!
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon