Chapter 29

9.4K 214 1
                                    

Alys'POV




Tama nga, ngayon ko lang napagtanto na siya ang firstlove ko. Kahit nasa edad onse anyos lang ako noon at hindi pa ako sigurado noon na pag ibig na ang nararamdaman ko para sa kanya,nanatili pa rin ang katotohanan na walang makakahigit sa kanya. Na siya lang at wala ng iba.





Tumunghay ako mula sa pagkakaupo ko sa pavement sa harap ng mansyon nila ng marinig ko ang ingay mula sa gate. Mag iisang oras na rin akong naghihintay dito bago niya ako labasin. Napag alaman ko rin na umalis na si Sabrina palipad ng Paris para sa signing ng kontrata para sa pamana na ibibigay ng daddy niya. Yun pala ang dahilan kung bakit galit na galit siya kay Calvin, dahil kay Calvin ipamamana ang pinakamalaking business property nila sa Paris. Nagkataon na lumala daw ang sakit ni Calvin kaya ibinigay nalang kay Sabrina. Matalinong babae. Ginamit pa ako para lang sa kagustuhan niyang makuha ang business property. At ako naman 'tong si tanga, nagpagamit sa isang Sabrina Lim. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana hindi na ako pumayag sa kagustuhan niya.



Pinagsisihan ko talaga na tinanggap ko ang task na yun kapalit lang ng isang cheke. Damn! I'm so stupid!



"Bakit ka nandito? Umuwi ka na. Wala kang mapapala"



Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "May sakit ka pala sa puso. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Gusto kong maiyak pero wala na akong maiiyak. Pagkauwi ko kasi sa unit,umiyak na ako ng umiyak dahil sa mga sinabi ko kay Ezekiel. Alam kong nasaktan ko si Ezekiel pero kailangan kong panindigan ang nasimulan ko na.




"Bakit, para kaawaan mo ako? May mababago ba kapag sinabi ko? Mamahalin mo ako? Hindi naman siguro di ba?Maglolokohan pa ba tayo?" Nilayo niya ako sa kanya.



"Russel" Inabot ko ang kamay niya at nilagay sa pisngi ko. "Hindi sa ganun. Hindi kita kakaawaan-"




"Of course hindi mo ako kakaawaan dahil wala kang awa. Masaya ka na ba? Tapos na putang inang walong ways na yan. Nasaktan mo na ako tulad ng inaasahan mo."



"Oo, aminado ako na gusto talaga kitang saktan pero hindi ko naman sinasadya lahat, eh. Hindi ko naman tinuloy ha-"



"Hindi na ako nakipagdate, seneryoso na kita, nahulog ako ng paulit ulit sayo at takte, basag ang puso ko dahil sayo. Pero shit, kahit durog na ang puso ko sayo ikaw pa rin ang tinitibok ng maliliit na bahagi.  Ikaw pa rin, eh!!!" tumaas ang boses niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa mga pinaggagawa ko sa kanya.


"I'm sorry. Please...wag ka ng magalit sa akin."




"Hindi ako galit. Hindi ko magawang magalit dahil ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan."




Nabalot ng katahimikan ang buong paligid. Ni hindi ko magawang ibuka ang bibig ko dahil sa mga nangyayari. Bakit ba kasi nagkaganito ang buhay ko? Ayos naman ang takbo ng buhay ko ha? Wala naman akong nasasaktan noon.




"Love is like heaven but can hurt like hell. I'm afraid to lose you--shit! Why am I so afraid to lose you, when you're not even mine?"



"Russel..." binawi niya ang kamay niya sa pisngi ko bago huminga ng malalim. Tinitignan ko lang siya hanggang sa tumingin siya sa mata ko.


"Do you know why slides made? The reason why playground slides were made is for us to experience the happiness of falling even when there's no one catching."

Napapikit ako ng mariin dahil sa sinabi niya. Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya at nagsalita. "Don't you know why I'm here? Because I want to pick you up."

"Miracle..."

"And do you know why you call me Miracle? Bacause I'm special. My name is unique like what you said."


"Miracle."


"And do you know why I chose you than him? Because your special for me. I don't want to get you hurt more that's why I'm here." Ngumiti ako sa kanya."Susubukan kong mahalin ka, pero hindi ko maiipangakong hindi ka masasaktan."

"Miracle hindi ako tanga para hindi isipin na niloloko mo lang ang sarili mo. Alam kong siya lang naman ang gusto mo. Maglolokohan pa rin ba tayo hanggang ngayon? Alam kong awa lang yan pinapakita mo pero hindi kailangan umabot sa puntong papaasahin mo pa ako. Hanggang maaga pa, lumayo ka na lang—ack! A-ang sakit!"

Napahawak siya sa puso niya at dumaing. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya agad ko siyang dinaluhan. "TULONG! YAYA! YAYA SI CALVIN PO! TULONG!"

"Anong nangyayari ma'am---SIR!"

"Yaya yung gamot at tubig! Gahd! Tawagin niyo ang mga guards dalhin natin siya sa kwarto!"

"Sige po! Sige!"


Mabilis siyang tumakbo at nagtawag ng guards. Inalalayan nila si Calvin patungo sa kwarto.

Omeygad! Inaataki nanaman siya ng sakit niya.

"MANANG YUNG GAMOT!" Tarantang sigaw ko.

"M-Maam ito na po---"

"Calvin inumin mo 'to!" isinubo ko sa kanya yung mga tabletas na gamot niya at inabot ang tubig.

Hindi ako mapalagay sa lagay niya. Para siyang mamatay dahil sa itsura niya. Naupo ako sa tabi niya hanggang sa kumalma na siya at nakakahinga ng maayos.

"Mukhang ayos na po siya ma'am." sabi ng isang guard na nakahinga ng maluwag


"Sigurado po kayo?" kabadong tanong ko. "Hindi kaya kailangan na siyang dalhin sa hospital at baka lumala pa ang sitwasyon niya?

"Mukhang hindi na po kailangan ma'am. Pahinga nalang siguro ang kailangan niya." sabi naman ng isang maid.

Tumango lang ako at naupo sa tabi niya. Mahimbing na pakiramdam niya. Naghahabol na lang siya ng hininga.

"Sige po ma'am, balik na po kami sa trabaho namin."

"Sige po. Salamat po sa tulong." sabi ko ng hindi umaalis ang atensyon ko kay Calvin. Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto.

Hinawakan ko ang mukha niya. Ang putla niya. Pumayat pa. Hindi ba siya kumakain ng mabuti? Mapaghain nga muna siya.

Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko."Wag kang aalis." marahan niyang wika.

"Magluluto lang ako--"

"Wag na. Dito ka lang. Wag mo kong iiwan. Sa tabi lang kita.Pakiusap."

"C-Calvin."


"Pagbigyan mo na ako." dumilat siya at hindi ko mapigilan na mapatango. Ano ba 'tong ginagawa mo Calvin, mas lalo akong nahihirapan sa sitwasyon natin.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon