Alys
Dalawang araw na ang nakalipas nang makita ko si Alexis sa mall. At dalawang araw na rin akong naririndi sa boses ni Melvin dahil birthday nya daw bukas. And here we goes again, "BAKLA! OH MY GOSH! BIRTHDAY KO NA BUKAS! WAAAH ANONG KULAY NG GOWN ANG SUSUOTIN KO?" Sa tining ng boses niya, napadapa ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Tanghaling tapat, nangbubulabog.
Hinila niya ang kumot mula sa paa ko at hinagis kung saan-saan kaya ito ako ngayon, expose ang ganda sa harap niya.
"Pink? Red? Orange? Yellow? Green? Violet?" Frustrated niyang tanong
Akala mo kung makapagtanong ng kulay ng gown makakapag gown siya. Kahit balatan ang sibuyas ng paulit-ulit, sibuyas pa rin. Tss. "I prefer for green." Sagot ko "Nang magmukha kang ecosystem. Bakla ka 'di ba-aray!"
"Bwisit ka! Nagtatanong ng matinong tanong ang dyosa tapos puro kagagahan lang isasagot mo. Umayos ka nga Alys-" sumipol sipol siya bigla ng abutin ko ang katana sa gilid ng kama ko "Tama magb-black suit nalang ako. Oh my! I'm gonna tomboy na ba? Huhuhu..." at nagtatakbo siyang prinsesa palabas ng kwarto ko
Kung bakit ba naman kasi bakla ang Melvin na 'yun, sayang ang kagwapuhang taglay. Hay! Dalawang taon na ang dumaan pero hindi pa rin siya nagbabago. Maharot padin talaga.
Tumayo ako at tinignan ang oras sa desk clock. One pm. Lumabas ako at dumeretso sa kusina. Kumuha ako ng Dairy Milk sa freezer. Naupo ako sa high stool chair sa harap ng mini bar.
"Hi" Napatingin ako sa likod ko. TOP.
"Paano ka nakapasok dito?"
Napag alaman kong isa siyang anak ng Mafia boss sa America. Kilala ang ama niya dahil sa kakaiba nitong galing sa pakikipag transaction. Ayon sa private investagator na hinire ko.
"Kaibigan ko ang kuya Yuan mo."
"So?"
"Pumunta ako para bisitahin ka. Hindi ko naman alam na nandito siya sa bahay ng kuya Ashton mo. Nung nakita ko si Ashton, hinanap kita. Sabi ng maid nakita ka niya dito and that's it, pinuntahan na rin kita." Tumango tango ako sa sinabi niya habang kumakagat ng chocolate.
Wala sa itsura niya ang pagiging anak ng isang Mafia boss. Sa paningin ko, isa lang siyang ordinaryong tao na nagtataglay ng mala anghel na mukha. Sa kabila ng pagiging maamo ng mukha niya, nagkukubli ang katauhan ng isang walang awang tao. Ilan na kaya ang napatay nito? Lalagpas kaya ng isang daan?
"Ano iniisip mo?"
"Kung bakit lagi kitang nakikita."
Ngumisi siya. "Magiging partner in crime mo ako 'di ba?"
"Pero matagal pa 'yun."
Pakiramdam ko may iba pa siyang dahilan. May hindi pa ako nalalaman sa kanya.
"Mapagkakatiwalaan ka ba talaga?" Hamon kong tanong sa kanya.
"Gusto mong subukan?" Balik tanong niya
"Cut your wrist." I commanded.
Tumayo siya. Akala ko hindi niya gagawin pero nagkamali ako. Kumuha siya ng kutsilyo at hiniwan ang wrist niya ng walang pasubali. Nakikita ko ngayon ang pulang likido na tumatagas sa sugat na ginawa niya. Lumapit siya sa akin at nagulat ako ng hiwaan niya ang point finger ko at pinagdikit ang mga sugat namin. "Kung noon, hindi kita naprotektahan, gagawin ko ngayon ang nararapat. Mapagkakatiwalaan mo ako tulad noon."
Nakaramdam ko ng pananakit ng ulo. Napapikit ako ng mariin at may nasisilayan akong naghahabulan na kotse. Gusto kong alahanin ang lahat pero hindi ko magawa. Masyadong masakit sa ulo. "Are you okay?" Bakas sa boses niya ang pag aalala kaya agad akong ngumiti
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...