Alys"Woah Chics." Sigaw mula sa bandang dulo ng classroom nang pumasok kami ni Haivara. Hindi lang pala sadya ang pagbangga niya sa akin sa gate noong isang araw, sinadya nya rin ang schedules ko sa kanya.
Naglakad ako patungo sa upuan ko at sumalampak ng upo. Nilabas ko ang isang libro, Labyrinth Academy. School 'to ng mga patapon tao, tulad ko, na nasa isang tapunan lugar din. "Magbabasa ka na naman?" tanong ni Edriel ng makalapit sa akin. Itinaas niya ang libro ko at binasa ang title.
"Ah. Nabasa ko na 'yan! Maganda 'yan." Sabi pa nitong nakangiti.
"Alam kong maganda 'to dahil kung hindi, hindi ko 'to hawak at binabasa."
Tumango ito at bumalik sa upuan niya na natatawa-tawa sa pinakita kong asal. Since ng mangyari ang 'insidenteng' yun, natuto akong baguhin anh sarili ko. Pinagtuunan ko ng pansin ang pagsasanay ko sa sarili ko sa mga libro. My mom said na mataas naman daw ang IQ ko at hindi lang nagamit two years ago dahil sa taglay kong katamaran.
Napangiti ako sa kabaklaan taglay ni Donald sa binabasa kong libro. Naalala ko tuloy si Melvin kay Donald. Parehas sila ng ugali. May pagkamaldita rin magsalita.
"Ready na ba ang lahat para sa Retreat?" Nar'yan na pala si Ma'am.
"Yes Ma'am!" Inayos ko ang Bag ko at nag unat ng braso. Lumapit sa akin si Haivara na nakangiti.
"Lets go?"
"Tara." Sumabay kami sa mga kaklase namin na maingay na lumalabas dahil sa aalis na kami patungo sa lugar ng Retreat.
Natanaw ko ang Bus na sasakyan namin. Airconditioner. Sumakay kami at nang makompleto ay agad nang umalis. Katabi ko si Haivara.
Sinundan naman ni TOP at Levi sa likod. Si Edriel naman ay solong nakaupo sa dulo at abala sa pakikinig ng kanta. Naglabas ako ng Dairy Milk at pinapak 'yun. Tumingin ako sa labas ng bintana. Primos Vintage ang paligid. Nababagay sa isang malungkot na tao ang paligid.
Tumingin ako sa side mirror ng kotseng kasabayan namin sa byahe. Wala akong balak na pansinin ang kotseng nasa likod namin ng hindi ko lang nakita na may dumungaw na may hawak na baril at nakaasinta sa gawi ng bus namin. Madali kong binuksan ang salamin sa bintana at handa na sanang patamaan ng dagger ang gulong ng kotseng 'yun ng mawala sa helera namin. Teka, nasaan na 'yun? Natiktikan siguro na napansin ko sila. Tss. Pati ba naman dito, may panganib na nakaamba sa akin?
"Whats your problem?" Tanong ni TOP habang inaayos ang mga gamit niya sa likod. Umiling lang ako naupo ulit ng maayos sa upuan ko bago isara ang bintana sa gilid ko.
After an hour, nakarating kami sa isang mapunong lugar. Tila'y baryo 'to.
"Gross! Nakakatakot dito Ma'am! Ghost town ba 'to?" maarteng tanong ng isang babae sa harap
Napangisi ako sa tanong niya. Gangster na takot sa Ghost town? Wait, hindi naman totally Ghost town 'to, nakakatakot lang talaga dahil sa hatid nitong Darm theme sa paligid. Yung tipong isang ihip lang ng hangin, may lilipad na basura na pagulong-gulong. Luma na rin ang buong paligid. Napaglipasan ng makabagong kapaligiran ang lugar na 'to. Puro bahay na gawa sa lumang desenyo ang itsura. May tumutunog pang pinto na pasara-bukas kaya nagmumukhang creepy ang paligid.
"Anything problem Miss?" Balik tanong ni Ma'am sa nag iinarte. Nagsimula na kaming mag ayos pababa ng Bus. Tanging Bus lang ng section namin ang naroon dahil iba-ibang destination ang nakaassign sa bawat section.
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AcciónWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...