56

3.7K 71 0
                                    

Alys

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko sa kaliwang pisngi. Ang ulirat kong sumasayaw ay nabalik sa wisyo. Umangat ang panginginig ng kalamnan ko sa ginawa ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"It's been a long time, Miracle. That's how I welcome back the enemies. Pambungad." Sumilay sa labi niya ang ngisi.

Tinawag niya akong Miracle. Miracle. Damn it. Bakit ngayon pa ako nahihilo.

"Wala kang karapatan na tawagin akong Mira-" isang malakas na sampal ulit ang tumama sa kabilang pisngi ko. Inawat siya ni Ezekiel. "Tumigil ka na Zenia."

"Stop acting stupid." Galit na sigaw pa nito. Kulang nalang ay patayin niya ako sa galit niya.

"Hindi mo alam ang pinagdaanan ko Alys dahil sa kagagawan mo."

Kagagawan ko? Ano ba ginawa ko? Magtatanong pa ako ng may humigit ng bewang ko at ipadausdos ang kamay niya. "Nandito ka lang pala."

"Perfect. Nandito na ang mga bestfriends ko noon." Baliw na ba 'tong Zenia na 'to?

"TOP,"

"Ezekiel."

"Great. How are you TOP? It's been years since ng huli tayong magkita. Right, Alys?" natatawa siyang tumingin sa akin.

Confirm. Baliw.

"Zenia, wag mong halungkatin ang nakaraan-"

"What about past?" Tanong ni Ezekiel

Past. Anong meron sa past? Naguguluhan na talaga ako. Gulong gulo na! Humarap si Zenia kay Ezekiel. Sinulyapan ako ni Ezekiel na nagtataka."Si Alys ang dahilan kung bakit ako nakidnap Ezekiel. Nang pinadala ka ng daddy mo sa ibang bansa, namatay siya. That time hindi ko alam na si Alys Cruz pala ang may ginawa. Siya pala ang pumatay sa ama mo." Galit na paliwanag nito.

Saksi ako kung paano nag iba at naglambot ang tindig ni Ezekiel sa katotohanan. Alam na niya. Alam na niyang ako ang pumatay sa ama niya.

"Maraming nagalit sa pagkawala ng Daddy mo dahil may mga hindi pa 'to nababayaran na transactions. One day, masaya kaming naglalaro ng nagngangalang Alys na kaibigan ko. Sabi niya palit daw muna kami pangalan so I said yes dahil laro lang naman..." humikbi siya na tila'y nahihirapan siyang ikwento ang lahat. At habang nagkwe-kwento siya, marami akong nalalaman. Maraming natatagong nakaraan ang sumusulpot sa isipan ko... "...may humintong van sa harap namin. May nagsibabaang may maskara ang mukha. She called me Alys Cruz and everything fall in wrong place. Kinidnap nila ako na dapat ang kalarong Alys ko ang nakidnap..."

"But she doesn't want to do that Zenia. Hindi niya alam ang mga nangyayari kaya h'wag mo siyang sisihin-"

"Shut up TOP! Lagi mo nalang siya pinagtatanggol. Lagi nalang! SIMULA NG MAKILALA MO SIYA, SIYA NALANG LAGI! SIYA NALANG!" Umiyak na siya at akmang sasampalin ako ng hilahin siya ni Ezekiel palayo sa lugar namin. Sumakay na sila ng elevator.

Napaluhod ako. Hindi na kinaya ng utak ko ang mga nalaman ko. "T-Tulungan mo akong... ibalik lahat ng ala-ala ko TOP... gusto kong malinawan..." napahagulgol ako ng wala sa oras. After a years of crying in States, hindi na ulit ako umiyak after a years. Because all I know, wala na dapat akong iiyak. Pero ang malaman na may atraso ako sa isang tao... para akong sinusunog sa impyerno. Nakasakit ako. Ako dapat ang Human tester sa Auction Hall years ago.

"Gusto mo ba talagang malaman ang lahat? Lahat lahat?" Marahan niyang tanong habang inaalo ako sa pag iyak. Sa bawat haplos niya, lalong sumasakit. Handa na ba akong malaman ang lahat? Kahit masakit? Dahan dahan akong tumango at pumikit.

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon