77

2.4K 58 0
                                    

|Alys|

"Ms Cruz, handa na po ang lahat. Aalis na daw po maya-maya ang karwahe."

"Sige, susunod nalang ako Ervin."

Tumango siya at sinara ang pinto ng kwarto ko. Naupo ako sa harap ng salamin at ngumiti. Yung ngiti ko, halatang may tinatagong lungkot. Kasi kahit anong anggulo, hindi ko magawang ngumiti dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga taong mahal ko sa buhay. Yung mga taong nag aruga sa akin at nagbigay kulay panandalian sa masalimuot kong mundo.

Parang ang hirap isipin na wala na sila. Na they passed away. Hindi ko talaga matanggap. Ang hirap tanggapin na wala na si mommy at Melvin. Si daddy, iniwan na rin kami. Nauna pa siya sa akin, inunahan pa niya ako.

Galit ako. Galit ako dahil hindi ko manlang sila nailigtas. Ni hindi ko manlang nalaman na sinugod na si mommy. At according sa nabalitaan ko, pinatay din si Melvin habang nasa comatose stage siya. Wala pang nakakaalam kung anong cause o kung sino ang may gawa. Pero isa lang ang gusto kong gawin, maipaghiganti rin siya tulad ng kay mommy.

Minsan, iniisip ko kung bakit kailangan may mamatay na mga inosenteng tao sa kamay ng mga masasamang tao. Ano ba ginawa ng mga inosente sa kanila? Dapat ba sila mamatay? Bakit hindi nalang ako? Anong rason at binubuhay pa ako ng mundo?

I gave one last look on my face, "Naglalaro palang sila."

**

Kakauwi lang namin galing cemetery dahil sa inilibing na si mommy at Melvin. Napaaga ang libing dahil na rin sa kagustuhan nila grandma. "Tito Chad kaya ko na po."

"No iha, anymoment pwede kang magcollapse eh, let me help you."

Wala na akong nagawa kundi hayaan si tito Chad na alalayan ako papasok ng mansyon habang sila Reid ay nakasunod sa likod. Inupo ako ni tito sa sofa at inabutan ng tubig. Kanina, hinang-hina ako habang ibinababa ang ataul nila mommy. Wala na rin akong mai-iyak nun dahil ubos na ang luha ko kakaiyak bago makarating sa cemetery. Muntikan pa akong mahulog sa hole dahil sa pagbigay ng tuhod ko. Mabuti nalang at naroon si kuya Calix para alalayan ako.

Naging palaisipan din sa akin ang pagkawala ni Milka sa gitna ng prosisyon. Ni hindi manlang siya nag abot ng mensahe at bulaklak. Kaunti nalang at masasampal ko na si Milka dahil sa mga nangyayari sa kanya. Hindi na nga siya nagpakita sa huling gabi, mawala pa siya kanina. Sa bata ni Milka imposebleng may pagkaabalahan siyang bagay na mas mahalaga sa pamilya niya. I never seem her crying in front of white coffei. Ni hindi ko alam kung umiyak ba siya o hindi. As soon as possible, kailangan kong makausap si Milka. Marami na akong napapansin sa kanya na hindi ko nagugustuhan.

"I'm going home, Alys. See you soon again." paalam ni tito at umalis na

Si tito Chad, pangalawang beses ko palang siya nakikita sa tanang buhay ko. I don't know kung bakit. Nung namatay lang si daddy doon ko siya nakilala. Doon ko lang nalaman na may kapatid palang lalaki si mommy dahil wala naman siyang nababanggit o naik-kwento.

"Alys wala ka na bang iuutos?" nilingon ko si Ervin na nakaupo sa glass table ng salas

"Ako meron. Ikuha mo ako ng tubig." singit ni Fuentez kaya nakatikim siya ng mura kay Reid

"Ano na? Baka nagugutom ka or what? Ipagluluto ka ng gwapong si Ervin Reid." Nailing nalang at napangiti

"Ulul. Tigil mo 'yan baka mabalitaan ko si Alys na nakaburol dahil sa nafood poison siya."

Natahimik ako. Naaalala ko na naman 'yung sinabi ni Ezekiel at Haivara "Eh gusto mong tanggalan kita ng tenga at ilaga sa mainit na tubig?" dahil sa sinabi ni Reid. What if... what if kung umabot sa puntong 'yun? Parang 'di ko kakayanin kung may iwan akong kalat sa mundo bago ako mawala. Gusto ko muna linisin ang mga basura sa loob ng underground world bago iyon para matahimik ako. Para magkaroon ng silbi ang pagpatay ko. For being murderer.

"Ulul pekyu ke!"

"Yak! Bakla ka!"

Huli kong namalayan na nagbabatukan na silang dalawa kaya napailing nalang ko habang naglalabas ng magazine ng baril. Kumuha ako ng bala sa gun case na nakapatong sa wood table na nasa harapan ko. Nagreload ako bago asintahin ang ulo ng rebulto ng agila na nakadisplayed. Nabasag 'to at nahulog.

"Sheyt!"

"What the?!"

"Magkakaroon pa yata ako ng sakit sa puso Alys. Ano bang trip mo at 'yan ang binaril mo! Pwede naman si Alexis ang barilin."

"Hoy abusado ka ng daga ka ah. Nanahimik ako dito-"

"Habang kumakain ng saging?"

Napailing nalang ulit ako dahil nagsimula na naman sila sa mga asaran nila. Ewan ko ba kay Palma at nag alaga siya ng mga pasaway tulad nitong tatlong 'to. Hindi ba siya narindi sa tatlong 'to tuwing nag aasaran?

Pumasok ako sa kwarto ni mommy at hindi ko na naman maiwasan maiyak. Namimiss ko na siya.

**

"TOP" tawag ko sa pangalan niya na agad naman niyang inilingon sa gawi ko. Ngumiti ito sa akin at hinintay akong makalapit sa kanya. Sabay kaming naglakad papasok ng cafeteria.

"Tagal natin 'di nagkita." panimula ko ng usapan

"Kinailangan ako ni daddy." He replied

Natahimik na naman ako. Daddy. Daddy. Ang hirap naman ng ganito! Yung may nagpapaalala sayo ng mga bagay-bagay. Hay.

"Tulungan mo ako." sabi ko

"Saan?"

"Ubusin ang Black Organization."

Nahinto siya sa paglalakad gayun din ako. "Are you sure?"

"Very sure."

Tinapik niya ang balikat ko at ngumiti.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon