58

3.2K 67 0
                                    

Alys

"Sakto lang ang pagbalik mo." Nakangiting bungad sa akin ni Haivara nang makabalik na ako sa tent location.

Everything is done to help resolve the tent. Prepado na ang lahat ng tent and they are also ready to do the Activity.

"Ano 'yan?" Tukoy niya sa hawak kong prutas. Oo nga pala, hindi ko nga pala 'to tinapon para ipakita sa kanya at masubukan ang galing niya lalo't gusto kong mapatunayan ang galing ng mga isa sa nanggaling sa Black Organization.

"Ahh ito? Binigay nung matanda sa akin." Ngiting sagot ko, "Gusto mo?" Alok ko pa rito.

"Thanks." Inabot ko at tinanggap niya. So she smiled and I smiled back.

Kung hindi ko napansin ang lason, mas lalong siya. Imposibleng isang tulad niya ang makakapansin at 'di hamak na mas bihasa ako sa mga ganitong bagay- "Masyado pang maaga para mamatay ako." Napatitig ako sa sinabi niya.

What the hell? Paano niya nalaman?

"I can make more dangerous than this poison, Alys."

"Hindi ko napansin 'yan kanina nang kakagatin ko na."

"Mahirap talaga mapansin 'to lalo't kung isang tulad mo lang ang lolokohin."

"Minamaliit mo ba ako?" Nakakainsulto. Pero wengya, hindi ko magawang sapakin ang isang 'to.

"Liquid ang poison, Alys. Akala mo simpleng tubig lang pero hindi mo nalalaman na lason na pala. Everyone can fooled of this poison even you, the Heiress." Porsyento niyang inihagis ng malakas sa malayo ang prutas.

Gusto kong mag react sa sinabi niya, kaso, tama siya. May punto siya. Gusto ko rin itanong kung anong klaseng lason 'yun pero tinalikuran na niya ako at pumasok sa tent.

Galing siya sa Black Organization, hindi ko pala dapat minamaliit ang isang tulad niya. Dahil siya si Haivara Maxwell. Haivara Maxwell.

All along I had shifted the focus of attention because it Ma'am Rimoz spoke about the activity we need to do now. I just shooked my head when she said that we need to plant trees for reforestation. Maraming nagreklamo sa ipinagawa ni Ma'am. Sino bang matutuwa na nagkaroon kayo ng Retreat tapos magtatanim lang kayo?

"Hindi na ako natutuwa sa mga reklamo niyo." Galit na si Ma'am.

Sinimulan ko na ang magbunkal ng lupa para maaga matapos. Sumabay na rin sa akin si Haivara na kakalabas lang at nagbunkal na rin ng lupa.

"SET YOUR THINGS NOW!"

Narinig ko pa ang ilang bulungan at reklamo nila. Letse naiingayan na ako ah.

Kinuha ko ang earphone sa bulsa ko at nagsoundtrip. Tinodo ko pa ang volume para sure na wala akong maririnig na ingay. Hindi ko namalayan ang oras pati ang mga naitanim ko na. Sobra na pala ng tatlo ang naitanim ko. Tsk.

Tumayo ako at nag unat ng katawan. "Are you done Miss Cruz?"

Tss. Obvious naman. Tumango lang ako at tinalikuran sila.

Umakyat ako ng puno at nanuod sa kanila na busy sa pagbunkal. Napatingin ako kay TOP na preskong nagwawagayway ng bimpo niya para mahanginan siya habang 'yung dalawa niyang kaibigan, nagtatagaktak sa pawis. Pinikit ko ang mata ko at namahinga.

**

Mag-gagabi na ng magising ako. Tinignan ko ng masama ang lalaking tumatapik sa pisngi ko, "Problema mo?" tanong ko kay Levi na nangingiti-ngiti. Tsk. Parang aso lang.

"Kain na tayo." Lalong lumapad ang ngiti niya

Tatanggi sana ako ng kumulog ang t'yan ko. At dahil malapit sa akin si Levi, rinig na rinig niya ang pagkalam ng t'yan ko kaya ngayon, tawa siya ng tawa.

Sarap itulak!

Di ko nalang siya pinansin pa at tumalon nalang ako mula sa sanga. Muntik pa siya ma-out of balance dahil sa paggalaw ko sa sanga. Lumakad ako papunta sa tent ng mapahinto ako. Medyo nagulat pa ako dahil nandito pala sila ng section niya. At ngayon ko lang napagtanto na dumoble ang bilang ng tent dito sa lugar namin. Teka bakit nga ba nandito sila?

"Gising ka na pala Alys." kumakaway na sigaw ng isa kong kaklase kaya napatingin sila sa akin

Lumakad ako at naupo sa tabi ni Haivara na busy sa pag-iihaw ng ulam.

"Sapat ba tulog mo?" tanong ni Edriel mula sa kabilang banda. I just nodded.

Napasulyap ako kay Ezekiel na nakatingin sa akin ngayon. Ngumiti lang ako sa kanya at tinulungan si Haivara sa pagluluto.

"Let's have a game first para hindi tayo mabagot sa paghihintay sa pagkain." sigaw ng babae sa may bandang harap ko

"Sali tayo." bigla akong hinila ni Haivara paharap sa kanya. "Ayoko." tsaka ako tumalikod

"Alys, sumali ka. You missed one activity ng natulog ka." napairap ako ng marinig ko ang boses ni Ma'am Rizon.

Nakaset na ang bote para sa spin the bottle. Pota cheap. Laos na 'tong game na 'to! Kainis! Bakit ba kasi sumama pa ako sa Retreat na 'to. Imbyerna. Nasa kama sana ako at natutulog, hindi dito sa malamok na lugar.

Naunang tumapat ang bote sa akin kaya lalo pa akong napasimangot. "Truth or Dare?" tinusok tusok ako ni Haivara sa tagiliran kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Dare." I rolled my eyes. Kapag talaga walang kwenta 'tong pinagawa sa akin ni TOP, sasakalin ko talaga 'to hanggang sa maging violet ang mukha.

"Kiss me."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Are you on drugs?"

"Kung ayaw mo, si Ezekiel ang halikan mo." napatingin ako kay Ezekiel na hindi mabakasan ng kahit anong emosyon.

"Whoah!"

"Si Ezekiel nalang!"

"Nakakatakot naman 'yan Dare mo!"

Ano ako, baliw? Alam kong in love na in love ako sa kanya dati pero hindi naman ako baliw ngayon na hahalikan siya kaya tumayo ako at hinalikan si TOP.

"Aww sa cheeks lang. Gusto ko sa lips." Isa nalang, maiisip ko ng nanghaharass 'tong si TOP eh.

"Okay, spin the bottle Alys!" Agaw atensyon ni Haivara

Kinuha ko ang bote at pinaikot. Saktong paghinto ng bote ay narinig kaming sigaw mula sa mapunong lugar. Agad kaming tumayo at tinakbo ang pinagmulan ng boses.

Nakita ko si Shaira kaya pinuntahan ko siya. Gulat akong napahinto sa harap niya ng malaman ko ang dahilan ng pagsigaw niya.

"Oh my gahd!"

"Si Jek!"

"S-Sino pumatay sa k-kanya?"

Wala. Walang pumatay sa kanya. Tinignan ko kung humihinga pa si Jek pero wala na siyang pulso.

Nalason siya. Nilason siya ng prutas na tinapon ni Haivara.

"Yan sana ang sinapit mo kung kinain mo ang prutas na 'yan. Cause of Death, unfamiliar poison." Napalingon ako sa bumulong sa gilid ko.

Ezekiel...
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon