Chapter 46

5.5K 132 0
                                    

Alys'POV

"Ilang oras nalang bagong taon na."

"I know."

Weird. Ganito ba talaga kasungit pag nasa ganitong sitwasyon kami?

"Ezekiel."

"What!!!"

Psh sungit talaga. Mainit na naman ulo niya dahil may kasama kami sa isang cab. Hindi ko rin naman alam na may kasabay kami kaya napa 'Oo' nalang ako don sa staff sa ibaba. Bali anim kami dito sa cab. Yung kasama namin parehas couple.

Kung susumain,ang cute nilang tignan. Maalalahanin kasi 'yung dalawang guy. Binigyan ng isang guy yung girl ng jacket dahil malakas at malamig ang hangin dito sa himpapawig. Kita rin dito sa pwesto namin 'yung iba't ibang kulay ng fireworks tsaka liwanag ng mga house. Peaceful ang paligid kung titignan.

Sumulyap ako ulit kay Ezekiel na kunot ang noo habang nakatingin sa isang couple. Sa tabi ko.

"This is a awkward situation. You make me annoy for what you doing." Aist! Napaka Maldito naman ng isang 'to.

"Pasensya na po kayo sa dila n'yan,mainit lang ulo niya." dispensa ko sa dalawa sabay tingin ko kay Ezekiel ng masama.

Yung isang couple bumaba na dahil nahinto na. Baba na sana ako ng higitin ni Ezekiel 'yung kamay ko. "Both of you get out." tukoy niya sa couple dahilan para mapauwang bibig ko sa kasungitan niya. "Stay." tumingin siya sa 'kin.

Hindi na rin naman nagreklamo 'yung dalawang couple kaya umayos na 'ko ng upo ng nagsimula na ulit.

Awkward.

Yep nararamdaman ko 'to. Kung kanina ayos lang pero ngayon,hindi na ko makagalaw dahil sa tingin niya.

Para mawala ang akwardness ay tumabi ako sa kanya at niyakap siya. Pakiramdam ko uminit pakiramdam ko ng yakapin ko siya. Feeling ko safe ako kapag kasama ko siya.

"Bakit ka malungkot?" Finally,natanong ko rin. After kasi ng Rio Grande napansin kong nawawala ang joyful presence niya. Nababahala ako at baka pagod na siya.

"Bakit nila-langgam ang asukal?" Out of nowhere kong tanong sa kanya.

"Dahil matamis?" pasagot niyang tanong ng humiwalay ako sa yakap ko sa kanya.

Humarap siya sa 'kin.

"Dahil nakabukas." sabi ko at tumawa ng malakas. Sheyt I'm Joker na pala. May future din pala ako sa pagpapatawa no?

Nahinto ako sa pagtawa ng mapansin kong hindi tumatawa si Ezekiel. Promise,para siyang nalugi na nagtataka kung bakit ako tumatawa. Binatukan ko nga.

"Hmp!Hmp!" tumikhim ako, "Nanaginip ka,hinabol ka ng sampung leon,ano gagawin mo?" tanong ko

"Tatakbo."

"Mali. Gigising. Hina mo ah." sabi ko at tumawa ng mahina.

Kainis hindi ba siya tatawa?Nagmumukha na akong tanga--maitext ko nga 'yung baklitang 'yun.

To: Baks

Paano magpatawa?

From: Baks

Humarap kalang,siguradong tatawa na 'yun. Unggoy ka 'di ba? Haha.

Letchugas na baklang 'to. Lakas talaga mang asar. Kainis!

"Who's that?" tinago ko agad yung phone ko sa bulsa ko ng magtanong si Ezekiel.

Humarap ako sa kanya. Tinitigan siya sa mata. Inantay na tumawa siya. Pero hindi siya tumawa. Ngumiti lang siya.

"Only you can put a Smile on my face when I'm sad." saad niya at hinalikan ako sa labi. Smack lang.

"Aalis ka ba?" Hindi ko alam kung bakit ko 'to natanong ng walang dahilan. Basta lumabas nalang sa bibig ko.

"No." Sagot niya at ngumiti. "Do you believe Fairy tales really exist?" seryosong tanong niya.

"Ipangako mo muna sa 'kin na hindi ka aalis. Natatakot kasi ako lalo't nandyan si Zenia."

Hinawakan ko siya sa kamay ng mahigpit. "I do." I do? Di ba dapat promise?

"Naniniwala ako sa fairy tales. Gusto mo ba makaranas ng happy ending?"

"Yes." ngumiti siya sa 'kin.

Hinalikan niya ako sa noo kaya nagsalita ulit ako. "Prove to me that Promises are not meant to be broken, and I'll prove to you that fairy tales and happy endings really exist."

~~

Krissy'POV

"Ano pa ba ginagawa natin dito? In-stalk lang natin siya eh." iritableng agaw atensyon ko sa kanya. "Mahulog ka."

Kung makatanaw sa kabilang cab para makita si Alys kulang nalang humaba ng leeg niya. Nakakairita dahil aalis nalang siya ng bansa,si Alys pa rin ang iniisip.

Umayos siya ng upo at humarap sa 'kin. "Ang hirap n'yang pakawalan." tumungo siya at huminga ng malalim bago ulit tumingin sa 'kin. "Ang hirap makita na masaya siya sa pinsan ko."

"Ba't ba hindi mo nalang hayaan na maging masaya siya sa pinsan mo? Hindi mo na mababago ang katotohanan na mahal niya ang pinsan mo."

Somehow may punto rin siya dahil nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya.

Mahirap talagang pakawalan ang mga taong naging parte na ng buhay mo.

Mahirap pakalawan ang kaligayahan.

"Pasensya na pala kung ginamit pa kitang palusot kay Alys para matapos na lahat ng connection namin. Ramdam ko kasing dapat ng putulin ang lahat ng meron kami."

Iniwasan niya ang sinabi ko. Takot siyang tanggapin na tama ako.

"Okay lang 'yun at least tapos na kayo. Pero bakit nandito pa rin tayo-- bakit ka umiiyak?"Agad akong lumapit sa kanya. "Kasi mahal mo pa rin siya?"

"Oo."

Masakit.

Manhid ba talaga siya? Paano ako? Nasasaktan din naman ako ah? Pero ako 'yung may mali. Tinanong ko pa kasi.

"Kahit niloko ka lang at pinaasa?" tanong ko.

Tumango siya kasabay nun ang pagluha ko. "Bakit ka umiiyak?" tarantang tanong niya which made me cry harder.

After past long years mahal ko pa rin siya. Wala naman nagbago kahit katiting,eh. Pero ang makita siya na umiiyak ng dahil sa isang babae,ay isang kahangalan.

Nai-inggit ako,aaminin ko. Naiingit ako dahil nagawang iyakan ni Calvin si Alys. Nai-inggit ako dahil hindi naman ako iniyakan ni Calvin. Hindi ko siya nakitang umiyak. Hindi. Hindi. Naiinis ako! Naiinis ako kay Alys.

Pero kahit naiinis ako sa kanya,hindi ko magawang awayin o lapitan siya. May something weird sa pagkatao niya.

Pinahid ko ang luha sa pisngi ko. "Dahil kahit anong gawin ko,hindi ko siya magawang higitan."

~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon