51

3.5K 77 0
                                    

Alys

         It's been hours ng magsimula ang Welcome party. Mas dumami pa ang tao sa buong hall na dinagdagan pa ng mga media. Flash dito, flash doon. Dahil isa sa may plano si mommy nitong party, in-invite niya rin ang ilang celebrities na katrabaho niya sa harap ng camera.

         "Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang party anak."

        "Dad, I have my own party." Hinawi ko ang kamay niya sa braso at ngumiti ng malapad

         "Party what anak?"

         "Dad naman!"

         "Not now. Ikaw ang bida—"

         "Let her go, Cedrick. Nakausap na niya ang mga bisita kaya allow na siyang umalis."

         Oh my gosh! Thanks mom! I love you mom! You're the best.

         "Kita mo dad, payag si mom kay payag ka na rin. Bye mom and dad." Mabilis akong nakipagbeso sa kanila tsaka bumaba ng hagdan.

         Hindi mahulugang karayom ang lobby kaya sa exit door pa ako dumaan para makalabas ng hall.

         Habang naglalakad ay hinahanap ko na sa bag ko ang susi ng motor na gagamitin ko para makapunta sa underground world. Hindi naman talaga party tungo ko, labanan ang destinasyon ko. Kung sasabihin ko kung saan talaga tungo ko,lagot ako lalo na kay dad. Si mom hinahayaan niya lang ako sa gusto ko dahil ayaw niya maranasan ko ang naranasan niya ng teenager pa siya. Hindi niya ako pagbabawalan sa mga gusto ko basta bigyan ko lang ng limitasyon ang lahat ng gagawin ko.

         Huwag ko daw gayahin ang mga teenager sa panahon na 'to na pasaway at hindi sumusunod sa magulang. At mas lalong h'wag ko raw sirain ang buhay ko.

         ....pero huli na si mommy. My life has already wrecked.

         Nang makuha ko na ang susi sa bag ko ay nagsindi ako ng sigarilyo at hinithit buga. Hindi pa nauubos ang isang stick ng sigarilyo ay naramdaman kong may nagpatong ng jacket sa balikat ko.

         "Malamig ang gabi at baka sipunin ka."

         "Masyado kang concern sa akin ha. Baka mafall ako n'yan." Sabay halakhak ko ng mahina. Tumabi siya sa akin at nakisandal sa motor ko.

         "Maganda nga 'yun para siguradong sasaluhin kita."

         Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako na sinuklian niya ng ngisi.

         "I'm TOP Monasterva." Pakilala nito at naglahad ng palad

         Tinanggap ko ang kamay niya "Alys Miracle Cruz."

        "I know. Parang hindi tayo nag usap kanina ha." natatawa pa niyang sabi na sinabayan ng paggulo sa buhok ko.

        Inayos ko ang buhok kong nagulo. Inayos ko rin ang jacket niyang nasa balikat ko. Masyado 'tong loose sa akin sapat na para hindi ako masikipan.

        "Wanna ride? Ako na mag-drag sayo."

        "Sure. Here." inabot ko sa kanya ang susi at sumakay ng motor.

* *

        Nang marating namin ang destinasyon namin ay sabay kaming pumasok sa bakal na pintuan. Sa lugar na 'to, tanging malalakas na opisyal na gangsters lamang ang makakapasok. Walang mahina. Walang pipitsugin.

        Pagkapasok namin, isang labanan ang nagaganap sa pinakacentrum ng Underground area. One on One. Wala akong balak manuod kung hindi ko lang nakilala kung sino ang isa sa nakikipagsuntukan.

        "Sa baba tayo." Hinila ni TOP ang kamay ko pababa at tumayo kami malapit sa kinaroonan ng saradong rehas, the battle cage.

        Mabibilis ang mga suntok at sipang ginagawa niya dahilan para hindi makasalag ang kalaban niya. Isang malakas ng sipa sa leeg ang ginawa niya na nagdulot ng pagkabagsak ng kalaban niya.

        "The King. Magaling talaga siya." Sabi ng katabi ko. King. Malaki na pala ang ipinagbago ng antas niya. Nagawa na niyang pamunuan ang Gangsters World dito sa Pilipinas.

        Nagsimulang magbilang ang Referre hanggang tatlo. Nang hindi na tumayo ang babae niyang kalaban, siya na ang itinanghal ng kampyun ngayon gabi. Hindi magkamayaw ang mga tao sa likod ko. Narinig ko na pinagpustahan nila ang laban.

        "Laban ay laban para sa kanya. Mapababae o lalaki ka man."

        "Kailan pa siya naiturang na King?"

        "Last year."

        Last year. He is totally Leader.

        "Sa tingin mo kaya ko siya?" Tanong ko sa pagitan ng maingay na sigawan.

        "Maybe. Hindi ko alam ang kaya mong gawin, Alys. Ikaw lang nakakaalam since nakita mo na kung paano siya makipaglaban."

        He is smart. Great answer.

        "I think I can make him downfall."

        "Kailan mo gusto siyang makalaban?" Nakangising tanong nito sa akin

        "In the right time."

        Tumalikod na ako at sinimulan lisanin ang lugar.

        Ezekiel Palma. You're with her.
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon