Chapter 17

12.7K 254 3
                                    

Hindi pa ako nakakadaan sa gate ng campus ay mahahalata na kaagad ang kaguluhan sa loob dahil sa mga sigaw at tili. Mostly babae at binabae ang naririnig kong sigaw at tili. Ano kaya ang nangyayari at mukhang dinaig pa ang Concert ng EXO?

Syempre dahil kasama ko si Bakla na hinatid ako dahil tatanga tanga daw ako, hinila niya ako papasok sa school. Wala naman makalahalata na outsider 'tong baklang 'to dahil nakaoutfit siya ng Shikaina High Boys Uniform. Oh, kapal ng mukha no? Pwedeng ng sampalin kaliwa't kanan ng numipis. Nahiya naman yung Merriam Dictionary sa kapal niya.

"Bakla! Dalian mo naman!"

"Teka! Hayop ka talaga! Naka-heels ako. Shokla!" sabi ko.

"Nye-Nye-Nye~ Daliii~ baka may gwapo." at ayun pinagtutulak niya yung mga babaeng nakaharang sa daanan niya. Ayos no? Tikas ni bakla. Handang manulak makakita lang ng gwapo.

"Tabiii~ umutot ako! MABAHO 'TO! KUMAIN AKO NG TAE NI --" binatukan ko nga "--este kumain ako ng sampung Kamote Q~~ Tabiiii~" sigaw ni bakla.

Syempre agaw atensyon ang ginawa niya kaya napagilid ang lahat at nagtakip ng ilong kahit wala naman mabaho. Hay mga babae nga naman at mga binabae, uto uto talaga kahit kailan. Napa 'eww~' naman silang lahat.

"Kita mo? Sobrang useful talaga ng utak ko no? Ansabe ng utak mo teh!" bulong sa akin ni bakla habang naglalakad kami patungo sa grupo na pinagkakaguluhan.

"Oo nga, sa sobrang useful pwede ng i-recycle para magamit ng next generation~ balita ko, kailangan ng utak ng susunod mo pang lahi kaya i-preserved mo na yan ha? Baka bigla kang lumutang." pambabara ko sa kanya. Sa totoo lang, wala sa kanya ang atensyon ko. Naroon sa lalaking--nakatalikod sa view ko. Pamilyar kasi ang buhok niya!

Huminto kami sa likod nila. Ang tahimik. Nilalamig ako sa ambiance ha. Bakit kaya? Ay gaga~ November 27 na 'teh! Malapit na pasko~

"Duh! Siya lang pala at ng mga kasama niya~ eww! Tara na nga baks!" akmang hihilahin na ako palayo ni bakla ng pigilan ko siya.

Humarap sa gawi namin yung grupo. Natigilan ako. Napatitig sa mata niya.

Siya? Bakit siya nandito?

"Oh, Melvin nandyan ka pala keri! Haha oy chic ang kasama mo ha? Na love at first sight ata ako. May silbi ka palang bakla ka! Pakilala mo nga ako." sabi ng dilaw ang buhok.

"Eww~ tigil ka nga dyan. Not my baks! But anyway dahil sinabi mong may silbi ako, baks, si James Reid nga pala--"

"Gago bakla! Anong James Reid!"

"Ay Ervin Reid pala. Sorry keri akala ko si James Reid eh, yung nabulag sa panget." sabay tingin sa akin. Binatukan ko nga. Tang inang bakla 'to, lakas mang asar. Ever!

"Aray naman baks- oy keri, si Alys Miracle Cruz. Single and ready to mingle."

*death glare*

"Este taken and not available. Phew! Akala ko mamatay na ako!"

"Aww~ binabawi ko ng may silbi ka!"

"Aww~ sakit mo naman magsalita. Haha. Oy insan, si Alys nga pala. Alys ito yung pinsan kong sinasabi ko."

Nagtama na naman ang paningin namin. Nanlamig ako. Kinakabahan at the same time. Iba talaga ang mata niya. Parang handa kang hatakin dahil sa kakaibang tingin niya. Siya na naman.

Si Spokening dollars.

Napaiwas ako ng tingin.

"Yooow~ tapos na kayong magtitigan?" si baks.

"Nako! Nako! Alys! Wag malandi may boyfL3t ka na, teka! Sige Landi lang bakS akh3n neL3ng c fafa mho3 hah! Tenk chu ~"

Bakit siya lumipat dito?

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon