AlexisMula ng makausap ko siya, nagiging balisa na ang buong katawan ko. Ang tindig, presensya, ekspresyon at pananalita, malayo sa Alys na nakilala ko noon. Ang Alys na maingay, masungit at madada, hindi ko makita sa katauhan ng Alys na nakita ko.
Nagbago siya.
Nakakatakot na siya. Nakakaapak man ng ego, natakot ako sa kanya. Lalo akong natakot ng sabihin niyang si Tito Ricardo ang pumatay sa ate niya. The way she let the words came out from her mouth, nakaramdam ako ng kakaibang takot na hihigit pa kay Ezekiel.
Ibang iba na siya. Two years. Two years ang dumaan at maraming nabago sa buong pagkatao niya. A renewal Alys Miracle Cruz. Alam ng lahat na nasaktan si Alys sa ginawa ni Ezekiel. Isa 'yun sa rason kung bakit nag iba si Alys. Pain make people change. And Alys changed because of pain on her heart because of what Ezekiel did. But everything have reasons. Ezekiel wanted to fall in right places. He have reason. He loved Alys so much that's why he hurt Alys.
"Balisang isda ka tol. Anong nangyari? Nagisa ka ni Boss?" Ervin asked after he entered from main door
"I saw her." Tinignan ko siyang kunot noong tumingin sa akin
"Her?" He is confused.
Huminga ako ng malalim "I saw Alys. She is back."
Ervin
Napatigil ako sa sinabi ni Alexis. Bakas sa mukha niya ang pagkabalisa. Hindi rin siya magalaw ngayon at ang lalim ng iniisip niya.
Nakita niya si Alys. Alys's back. Kailan pa?
Naupo ako sa sofa "Kailan?"
"Mall"
"Yun ba ang oras na hinanap ka namin ni Xaner?" tanong ko
"Oo. Nagulat ako ng makita-"
"Sinong nakita nyo?"
Parehas kaming nagulat ng sumulpot si Zenia mula sa hagdan. Matama niya kaming tinitigan at inantay ang sagot namin. "Si A-"
"Nakita ko ang ate ko." putol sa akin ni Alexis kaya napalingon ako sa kanya. Bakit naman hindi niya sinabi? Alam naman namin lahat na hinahanap din ni Zenia si Alys kaya bakit nagsinungaling 'tong ungas na 'to? And the fact na palpak pa ang palusot niya.
"Ate? May ate ka ba Alexis?" Bumaba ito ng hagdan at lumapit sa pwesto namin.
"Pinsan niyang ate." Salo ko sa katangahan niya
"Ah okay. Oo nga pala, Alexis pabili naman ako ng chocolates oh, naubusan ng stack."
"A-Ah sige." Mabilis na tumayo si Alexis at lumabas.
Susunod na rin sana ako ng higitin ni Zenia ang braso ko. "Wala naman siguro kayong tinatago sa akin 'no?"
"Wala." Deretsong sagot ko at hinawi ang braso niya
"Mabuti kung ganoon."
Tumango at ngumiti ako ng pilit bago sumibat sa harap niya.
May iba.
Nang maabutan ko si Alexis na pasakay ng motor ay hinarang ko siya at kinompronta "Anong nangyayari?"
"Damn it. H'wag kang magtitiwala kay Zenia." Mariin niyang sabi at umalis
H'wag magtiwala kay Zenia? Bakit? Naguguluhan na ako. Noong una, buhay si Alys, pangalawa, itinago ni Alexis ang totoo kay Zenia at pangatlo, sinabi niyang h'wag magtiwala kay Zenia. Ano ba nangyayari?
~~
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AksiWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...