Chapter 22

10.5K 223 0
                                    

Alys'POV

Napangisi ako.

Mukhang expected na nya ang pagdating ko dahil wala man lang siyang ibang reaksyon.

"Mom, dad, ate Sabrina— Alys. Si Alys, my girlfriend."

Napansin ko ang pagkawalang gana ng boses ni Calvin habang pinapakilala niya ako. Alam kong galits siya.

Nag-bow ako "Nice to meet--"

"Let's eat."

Napatigil ako.

Dahek! Ano sabi?

Napatingin ako kay Sabrina na nakatingin sa akin. "Nice to meet my brother's girl." tumalikod na siya at sumunod sa momm6 niyang masungit.

"Masakit ba?"

Pinisil ko yung may band aid sa mukha niya at napadaing siya kaya agad naman akong nagsorry. Akala ko kasi hindi. Siguro ito 'yung sugat o suntok na ginawa ni Ezekiel sa kanya. Remember, gangster ang loko! Napansin ko rin may pasa siya sa pisngi kaya hinawakan ko 'yun.

"Bakit ka ba kasi nakipag away? Ayan tuloy, panget ka na!"

"Tss. If someone kissed me, hindi ka ba magagalit?"

Napataas ang left eyebrow ko.

"Hindi."

"Tss." ismid niya bago ako talikuran.

Sungit. Alam ko na kung saan siya nagmana.

Sumunod na rin ako sa kanya at pumasok kami sa dining area nila. Maganda ang dining area nila. Medyo nakakailang nga lang ng ambiance ng paligid dahil walang nagsasalita habang umuupo kami.

Maraming pagkain. Kung nandito lang si baks, siguradong chibogs lahat ng nasa lamesa. Mabuti nalang talaga, wala siya. Kung hindi pa tumawag yung kuya niya siguradong nasama sa akin 'yun. Thankful at tumawag. Nakakahiyang kasama 'yun! Parang patay gutom.

Tinignan ko ang nasa ibabaw ng mahabang mesa. Fiesta ba? Bakit ang daming pagkain? Ngayon lang ba sila kakain? Pero hindi eh! Kung makalagay ng pagkain yung mga tao dito, daig pa nagda-diet.

"Kumain ka na." napalingon ako kay —"Tito nalang."

"Sige po."

Kumakain lang kami ng tahimik. Tanging ingay lang ng kubyertos at plato ang maririnig sa buong paligid. Yung mga maid, tahimik lang din. Mukhang naghihintay lang sa pag utos ng mga amo nila.

"So you are Alys?"

"Opo." sagot ko sa mommy ni Calvin. Pansin kong napalingon sila sa akin. Pati si Sabrina. Pansin ko rin, lalo siyang gumanda.

"As a perfectionist mother, I expected that you are from higher section."

Hindi ba nagkwento si Calvin na boplaks ako? Kinakahabahan tuloy ako. Ano ba isasagot ko dito? As if na matalino ako. Duh! Lower section na nga ako, ako pa ang pinakalower sa batch namin.

"Sorry Mrs Lim for disappointing you, I'm not from Section A. I'm one of section F."

Malakas na pagbasag ng baso ng umalingawngaw sa buong paligid.

Natakot ako at the same time kinakakabahan. Bakit bigla nalang 'to nagalit? At bakit hindi manlang ako in-inform na Perfectionist pala ang nanay niya? Gahd!

"What's on your head, Calvin? Kailan ka pa lumabag sa mga achievements ko para sa yo?" galit na sigaw ni Mrs Lim "Beauty and Brainy ang gusto ko para sa yo. Hindi isang tulad niya," lumingon siya sa akin,"isang-" may humigit sa braso ko na talagang ikinagulat ko ng sobra.

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon