Xaner'POV
"Boss"
Lumapit ulit ako sa kanya kahit wala akong kasiguraduhan na mabubuhay pa ako. Buwis buhay 'to!
Lumingon siya sa akin, without expression. Lunok!
"Ito na yung files ayun sa pinapahanap mo four years ago." Inabot ko sa kanya ang isang folder. "Sino ba 'yan boss?Mukhang interesado ka sa kanya ha?"
Umupo ako sa coach at tinignan siya habang ini-scan ang folder. "Last day ko lang nakuha ang info niya. Sino yan-" bago ko pa ituloy ang sasabihin ko ay nakarinig na ako ng pagkasa ng baril.
"Get out"
"Pero-"
"You may go out now before I'll shoot your head."
Di na ako tumutol pa dahil hindi 'yun basta utos. Command lang 'yun pero iba pa rin ang sindak na binibigay niya. Kahit na anong galing ko, walang wala ako sa isang Ezekiel Xander Palma. May salita siya at hindi 'yun mababali.
"Sabi ni Ezekiel?" Usisa sa'kin ni Alexis ng makalabas ako.
"La. Get out lang."
"Naks! Hindi ka binaril? Mausisa ka 'di ba?"
"Gusto mo akong bumaril sayo?"
"Kaya mo?"
"Tsk!!" Ismid ko at tinalikuran nalang siya. Tumungo ako sa elevator.
Papasok na sana ako ng may mahagip ang mata ko. Sinundan ko siya pero nawala. Siya 'yun. Teka siya ba talaga 'yun? Baka kamukha lang? Pero alam kong patay na siya. Patay na yun dahil pinatay na siya ni Ezekiel sa Europe. Pero parang siya. Siya talaga. Urg. Baka namalikmata lang ako o kamukha lang niya 'yun.
Naglakad na ulit ako ng makita ko naman siya. Si Tizon.
"Oh ikaw pala Bryle?"
"Oh Xaner. Si Alys? Kamusta na siya? Magaling na ba siya?"
"Hindi pa. Nasa ICU pa rin siya eh. Oh una na ako, may lakad pa ako."
"Ah sige."
Nilagpasan ko na siya at tumungo sa destinasyon ko.
Reegan'POV
"Look, sino bang tanga na humingi ng back up sa mahihinang tao?" Usal niya. Tinignan ko siya ng masama bago kunin ang yosing hinithit niya. "Masyado kang tiwala sa sarili mo Reegan. Nakalimutan mo ng hawak ko ang kahinaan ni Ezekiel."
"Wala akong pake dahil hindi ko naman kayo kailangan." Sagot ko sa kanya. "And aside from that, hindi pa ako desperada para ilabas ang huling alas." Dagdag ko pa at tumayo.
Kinuha ko yung baril na hawak ni Rina. "Hindi mo ko katulad na gumagamit ng kahinaan. Kung hindi ko man makukuha si Ezekiel,dapat na silang mamatay." Ngumisi ako sa kanya.
Tumayo siya at lumapit sa dining table ng mansion. "Palpak ka talaga no? Nailigpit mo na nga si Zenia, hindi mo pa rin nakuha si Ezekiel. Stupid Reegan."
"Shut up. Wag mo lang mabanggit ang pangalan ng bruhang 'yun at baka tuluyan ko na siya pag nainis pa ako."
"Bakit ba hindi mo na lang tanggapin na si Zenia ang mahal ni Ezekiel noon pa man?"
"Shut up! I said shut up!"
"Then the hell you need to realize na hindi lahat ng gusto mo makukuha mo."
"Nandito na tayo. Ngayon ka pa ba aatras?"
"Tss. Hindi ko ugaling umatras hindi tulad mo. So whats the plan?" Tanong niya at kumuha ng kopita. Sinalinan niya ito ng wine at nilaro sa kamay.
"Kilala mo si Corazon?" Tanong ko sa kanya. Kailangan ko ng tulong ni Corazon. Siya lang makakatulong tungkol sa mga explosive bomb.
"Siya yun unang aswang?" Tinignan ko siya ng masama. What type of answer that? Ang layo naman ng expected kong sagot sa sagot niya. Tss.
"Eh ikaw pang ilan ka?" Tanong ko.
"The heck. Hindi ako aswang!"
"Eh san mo ba nakuha ang gagong sagot mo na 'yun?" Inis kong tanong
Anong palabas ba ang pinanuod nito at puro katarantaduhan ang alam? Corazon na unang aswang? Anong palabas 'yun?
"Ewan? Nakita ko lang yung Corazon sa itsura mo."
"Wala akong panahon para makipaggaguhan sayo pero sa ngayon, ihanda mo na ang buong Yakuza alliance na hawak ko. Taniman lahat ng bomba ang buong building kasama na ang parking. Call Jimix Corazon and give him a million for the service. As soon as possible, I want to set up all. This time, ayokong may pumalya, make sure."
"Paano kung pumalpak naman?"
"Makinig ka nalang." Tinignan ko ang yelo na unti unting natutunaw sa kopita niya. "Sa tingin mo ba hindi ko naisip 'yun? May 93% tayo sa planong 'to pero alam mo naman ang talino ni Ezekiel."
"Eh ano gagawin mo?"
"Manuod ka nalang. Pagkagising ni Alys, gusto ko ligpit na ang lahat. Ayos na ang lahat."
At sa larong 'to, hindi ako makakapayag na ako ang matalo. Hindi. Hindi mangyayari 'yun.
Alexis'POV
Hinarap ko ang laptop ko at nag scan ng mga pwedeng i-auction. Malapit na naman ang Auction at siguradong maraming pupunta. Walang magpapalagpas nito dahil once in a decade lang ang Auction. Sigurado rin na bigatin ang mga pupunta at lalong bigatin ang lahat ng ii-auction ngayon.
"The red eye of dragon." Isa lang ito sa mga nabasa kong ii-auction at ang starting fee ay five million. Mababa pa 'to. Starting fee lang ito at siguradong maraming magpapalakihan ng pera para makuha 'to. Isa sa mga hindi pinalagpas sa black market ang mga ganitong bagay. Lalo't kung galing pa 'to kay Rogimer na pinag eksperementuhan ang mata ng mahuli siya ng Black Organization. Lahat ng mahalaga at sentemental na bagay na related sa mundo ng mafia, gangs, o kung ano pa man organisasyon ay ginagamit sa auction.
Itong auction na 'to ang unang beses kong makaka attend. I was eight years old ng mag auction si dad at hindi niya ako sinama.
Nag scroll down pa ako ng biglang nag appear ang registration form. Mukhang kaka edit lang ng page na 'to kaya naging private. Oh well, pera ang pinapairal sa mundong 'to.
Submit your name:
Registration fee: 500,000
Image palang para sa auction may bayad na. Paano pa kaya kung sa VIP Card.
I check my bank account. Sapat pa para sa isang daang taon ko sa mundo ang perang meron ako. Nag sign up ako.
Afterwards nakalog in na ako. Puno ng impormasyon tungkol sa mga bagay na ii-auction. Isa na rito ang manika ng batang pumatay sa tatay niyang kinakatakutan. Simply pero pinagkakaagawan ng lahat. Hindi ko lang talaga makuha ang dahilan kung bakit kailangan nilang bilhin 'to kung hindi naman nila gagamitin? "Nagsasayang lang sila ng pera." Bulalas ko at nag scroll down pa.
"Stop."
Paglingon ko, si Ezekiel pala. Pero ang kausap niya ay ang nurse. Mukhang 'di ko naagaw ang atensyon niya.
Bumalik ang atensyon ko sa laptop at halos manuyo ang lalamunan ko ng makita ko siya.
S-Siya? Kasama siya sa auction?
Z-Zenia...the Human tester?
~~

BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AksiWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...