Chapter 9

15.1K 326 2
                                    

Alys'POV

"Hey Love." Napalingon ako sa sumigaw. Sa akin siya nakatingin. Ako ang tinawag? Hmm. Maybe ako!

Lumapit siya sa akin.

"Where are you going?" Maka love ang isang to ah.

"Ditching class?"

"I'm the one who asked first so why you asking me back?"

"Sagot yun, Dos."

"Oh? Mukhang tanong dahil patanong ang tono mo. Anyway, nagugutom ako. Kain tayo?"

Tumango ako.

Naglakad lakad kami papunta sa Cafeteria.

"Hey Sweetie."

"Hey!"

And now, they are kissing.

Jerk din pala 'tong si Dos. Akala ko si Calvin lang.

But anyway, pansin ko nakasama ko ang apat na lalaking yun ngayon ha? Anong meron? Hmm. Last time na nagkita kaming lahat, nagsi walk out-an silang lahat.

"Done"

Tapos nagsimula na ulit kaming maglakad.

Nagugutom na rin ako. Hindi pa kasi ako kumakain. Hayy. Hmm.

Naghanap kami ng good spot para sa amin dalawa.Pumwesto kami malapit sa gitna para kita namin yung mga istudyanteng dumadaan.

Um-order na rin kami ng kakainin namin.

"Hey whatzup!" Napalingon kami parehas sa nagsabi.

"Yo Avril! Musta?" tanong ni Dos at kiniss sa cheek si Avril.

"I'm fine. Hi Alys." tapos ngumiti siya sa akin.

Ngumiti lang din ako sa kanya. Naupo siya sa harap at inagaw bigla yung kinakain na Siopao ni Dos.

"Sarap." sabi niya sa pagitan ng pagnguya.

Eww! Share saliva? Tss.

"Duh! Patay gutom ka talaga."

"Awts. Sakit mo naman magsalita." Yung akin naman yung inagaw niya. "Choco cake. Wow!" sabay subo niya gamit ang tinidor ko.

Natulala lang ako sa kanya.

Bakit ganito umasta 'tong isang 'to? Parang hindi babae. Tsaka, ibang iba ang pag kilos na pinapakita niya sa akin hindi katulad noong una. Ang rude niyang tignan ng magkita kami sa locker room nila.

"Whooah cool."

Ito ang patunay na hindi siya basta-bastang babae.

"Luhod." 

"S-Sorry Ms. A-Avril hindi—"

"You better shut up."

Kinuha niya sa mesa ang fruit juice na in-order ko at walang pasubaling na binuhos sa babae ang juice. Oh my! Thirty pesos yung juice ko!!!

"Deserved the rights. Now, get out!" Pagkasabi niya ng mga katagang yun ay agad na tumakbo yung babaeng ugod ng ganda. Sayang maganda pa naman sana.

Tinitignan ko lang si Avril habang nagpupunas ng palda. Natapunan kasi siya ng sandwich ng babae kanina.

Weird. Takot lahat ng tao sa canteen kanina. Yun ang nakikita kong ekspresyon nila. Bakit kaya?

"Hmm. Why are you not talking?" Nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya. Now! Iba na naman ang pagkataong pinapakita niya. Ang amo ng boses niya. Parang anghel ang dating.

"Shocked? Bully ka?"

Napatawa siya ng mahina sabay kurot sa pisngi ni Dos na busy sa pag kain. Napapoker lang din si Dos tapos tuloy na sa pag kain ng pagkain.

"Hindi, ah. Sadyang alam lang nila ang kaya kong gawin oras na kalabanin nila ako."

So, what's the connect of her answer on my question? Hindi kasi yun ang inaasahan kong sagot mula sa kanya.

"Oh, look! Hindi yun sagot ko hahaha! Oo, bully ako! Sobra."

"Bakit naman?"

Gusto kong malaman. Siguradong may dahilan at imposibleng wala. Lahat may dahilan.

Inantay ko siyang sumagot pero wala akong narinig na salita mula sa kanya. Okay! Ayaw niyang sabihin.

"Hoy Avril. Nga pala, I heard na pinatawag na naman mommy mo ha? Anong kalokohan na naman ginawa mo?"

"Tseh. Wala pa akong ginagawa Dos. Sadyang pretty lang ako kaya maraming inggit."

"Urg. Ikaw talaga!" tumayo siya at ginulo ang buhok ni Avril

"Fuck. Buhok ko pa tinira mong ogags ka! Layas na nga baka sungalngalin kita ng kutsara d'yan."

"Haha I love you too."

"Gago!"

"Sibat na ako, Alys."

**

"Oy, lapit na monthsarry niyo ni Calvin ha? Ikaw pinakamatagal niyang girlfriend."

"Yeah I know."

"Alys. I have a question. Mahal mo ba talaga si Calvin?"

Calvin? Bakit bukambibig nila ngayon ay si Calvin? Lagi nalang si Calvin. Anong meron doon? Mamatay na ba siya? Good News.

"How many times I need to repeat my answer—"

"I dont trust you. Convince me, Alys. Patunayan mo."

Letshugas barabas texas! Ang dami naman arte nito sa katawan. Kabwiset lang.

"Hindi pa ba sapat yung pinapabayaan ko siyang makipagflirt sa iba? Takte! Hinayaan ko siya dahil mahal ko siya. Doon siya masaya kaya bakit ko kailangan pigilan ang sayang nararamdaman niya? Duh! Kung mahal mo ang isang tao, kahit ano siya, kahit ano ang kagaguhang ginagawa niya, tanggap mo siya. Siya yun eh! And dont expect na magbabago siya dahil sa isang relasyon niyo."

"So what's your point?" Nairita ako sa tanong niya. Ang haba ng sinabi ko, hindi manlang niya nakuha ang punto ko? Gahd! Is she's stupid?

"Kung mahal mo ang isang tao, let him or her do whatever he or she wants to do. Let him or her enjoy the hapiness what he or she want to feel. Hindi ako nakipagrelasyon sa kanya para pigilan siya sa mga ginagawa niya. Hindi rin ako nakipagrelasyon sa kanya para baguhin siya. Nakipagrelasyon ako dahil tanggap ko siya. Mahal ko siya. Sobra."

Bentang benta na ako kay Satanas. Promise! Pwedeng pwede na akong tumuloy sa lungga niya.

"I don't get your main point. May gusto akong marinig pero hindi ko alam kung ano 'yun but, as his friend—concern lang ako sa kanya. Kahit kailan hindi pa siya nagseseryoso kaya sana, kapag seneryoso ka na niya, h'wag mo siyang bibitawan ha? Please. Now... I gave my trust to you, I will trust you now. Don't get him hurt. Hindi kakayanin ng puso niya." nacucurious na talaga ako sa mga pinagsasabi ni Avril

"Thanks for the trust," and I'm sorry.

Ito na naman ang pesteng trust na yan! Tiwala again. Sira later! Peste! Trust! Trust! Trust! Ganoon ba kahalaga sa kanila si Calvin?

"Bakit sobrang halaga ni Calvin sa inyo?" tanong ko. Curious.

"Dahil kaibigan namin siya at ang kaibigan, pinapahalagahan. Ini-ingatan dahil oras na masaktan ang isa, apektado ang lahat."

"So, ilan taon na kayong magkakaibigan?"

"Since we are kinder. Hindi na kami mapaghiwalay lahat. Nabuhay na kami sa isa't isa. So, I repeat before I, Dos, Klein and Drake go, we gave our trust on to you. Wag mo siyang sasaktan ha? Please. Ingatan mo siya..." pumatak ang luha niya na ipinagkataka ko"...iiwan namin siya sayo, take care of him."
~~

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon