Alys
Nababagot na ako. Lintek na 'yan! Gusto kong magtatalon dito sa kinakaupuan ko. Bwisit! Nangangati na paa. Tsk!
Kailan ba ako makakatayo? Gusto ko ng umalis dito! Kung bakit ba kasi na hi-jack 'tong bus na 'to. Nagugutom na rin ako plus wala pang kain mula kanina.
Kapag talaga nakauwi na ako, kakain ako ng sandamakmak na chocolate cakes kahit na tumaba ako dahil puro sweets ang kinakain ko. Hay, buhay!
Kanina ko pa tinitignan 'yung dalawang nag hi-jack ng bus. Nasa harapan lang sila habang 'yung isa nakatutok 'yung baril sa ulo ng driver at yung isa, tahimik na nakatingin sa daraanan. Nagtataka ako sa dala nilang dalawang bag na mahaba. Yung parang lagayan ng skate sa mga snow place. At talagang nilagay pa nila sa mismong daanan ha. Kaloka! May pagkain kaya doon? Gutom na ako. Hay!
Lumuhod ako habang hindi nakatingin 'yung dalawang ungas at lumapit doon sa bag na mahaba. Ano kaya laman nito? Kanina pa ako nac-curious eh. Nakakapagtaka naman kasi, bakit dito pa nila nilagay sa daanan. Kung mahalaga 'to, dapat sa tabi nila ilalagay para madali nilang makuha. Or kahit ni hindi mahalaga, at least sa may malapit sa kanila 'di ba?
"Isang maling galaw pa, mamatay ka na talaga. Balik sa pwesto!"
Lintek! Paano niya nalamayan na malapit ko ng buksan 'yung zipper? Tsk! Malalaman ko na eh! Nausod pa!
Bumalik ako sa pagkakaupo. Hindi kaya Explosive device 'yun? Pero hindi naman siguro sila maglalagay ng dalawa bag na may Explosive device na pwede nilang ikapamahak. May binabalak kaya sila? Pero ano? Kung Explosive divice talaga ang laman nun, pwedeng meron mamatay- I mean maraming mamatay kapag sumabog 'to. Kailangan kong maconfirm kung ano talaga ang laman nun.
"Haivara tulungan mo ako." bulong ko. Kailangan kong umiwas sa kahit anong ingay na pwede kong magawa dahil baka mapahamak ako, lalo na 'tong katabi ko.
Hinawakan ko siya, doon ko lang napansin na nanlalamig siya. Iba na 'to, ito pala epekto ng organisasyon na 'yun sa mga taong nais silang takasan. Parang ako pa ang natatakot sa pwedeng mangyari kay Haivara. Hindi siya pwedeng mawala, kailan ko pa siya.
"Sino sa kanila?" Kung nandito ang isa o higit sa mga kinakatakutan niya, kailangan ko na talagang gumalaw para makaalis dito at mailigtas si Haivara. Wala akong ibang maiitulong kundi ang tulungan siyang makalayo sa bus na 'to, lalo na sa kinakatakutan niya. Ito lang magagawa ko sa ngayon.
"Paano kita matutulungan kung ayaw mong maki-operate?" Nako, maiinis pa yata ako.
Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa ginawa niya. Para akong kumausap ng pipe. Imbyerna.
Kinuha ko ang tracking device sa bulsa ko tsaya 'yung earpiece para makahingi ng tulong.
"Kuya-"
Nagulat ako ng may humila ng tracking device at earpiece ko.
"Pasaway ka talagang babae ka!" sigaw niya at sinampal ako, agad kong nalasahan ang lasang dugo sa labi ko. Shit kang ungas ka! "Tutuluyan na talaga kita!" sumigaw na naman siya bago umalis
Paano! Paano niya nalaman ang ginagawa ko? Alam ko! Alam kong imposible n'yang makita ang ginagawa ko dahil nakaharang 'yung upuan sa harap. Imposible na naramdaman lang niya 'yun dahil isa lang siya humdrums! Nakakaloko. Siguradong may kasama sila sa likod. At kailangan kong malaman kung sino siya.
~~
![](https://img.wattpad.com/cover/4043162-288-k914784.jpg)
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...