Chapter 41

9.4K 158 1
                                    

Alys'POV

Nagising ako mula sa pagkakatulog. Unang pumasok sa isipan ko ang sitwasyon ni Calvin. "Nasaan ako?" tanong ko dahil hindi ko nagustuhan ang mga huling nangyari bago ako magising ngayon.

"E-Ezekiel" Tawag ko sa kanya dahilan para maagaw ko ang atensyon niya. Agad niya akong nilapitan at niyakap.

"Thanks God!" Hinawakan niya ang pisngi ko gamit ang thumb niya at kiniss ako sa noo "A-Akala ko matatagalan pa ang paggising mo..." Niyakap na naman niya ako. Niyakap ko na rin siya pabalik.

"Ilang araw na akong tulog?" Tanong ko habang yakap pa rin namin ang isa't isa. Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Mabuti nalang at ayos lang siya.

"We are here for almost a week."

"H-Huh?" Napainda ako sa braso ko ng bumitaw ako sa kanya. "N-Nasaan si Calvin? Nasaan siya?" Sinubukan kong tumayo pero bigo akong gawin 'yun. May pilay ako sa braso. Itinaas ko ng bahagya ang damit ko at may bandage sa tyan ko. Arg bakit ang dami ata ng tali ko? Ang sakit!

Tinignan ko si Ezekiel. "N-Nasaan siya? D-Dalhin mo ko sa kan--" biglang bumukas ang pinto at niluwa roon ang hinahanap ko "C-Calvin"

"Buti naman nagising ka na Miracle." Sabi niya habang may saklay na hawak. Lumapit siya akin at niyakap ako pagkabitaw ni Ezekiel"Akala ko hindi ka pa gising"

"Ayos ka lang? Kamusta pakiramdam mo?" Ramdam ko pa rin ang takot para sa kalagayan niya.

"Oo, ayos lang ako. Normal ang tibok ng puso ko."

"G-Ganun ba--san ka pupunta?" Baling ko kay Ezekiel na papaalis

"I'll buy a drinks" Sagot niya at lumabas at lumabas na.

Kinabukasan dumating sila kuya. Agad niya kong niyakap at dinakdakan kesyo ang tagal ko daw nakahimlay. Si Mommy at Daddy naman, masaya sila dahil gising na ako. Si mommy umalis agad at umattend sa Business trip. Si daddy naman tuwang tuwa dahil gising na ako.

"Kilala ko na ang daddy mo dahil ka business partner niya si daddy." Sabi sa akin ni Calvin habang kumakain siya ng pizza na in order kanina sa isang food chain.

"Gaano na katagal?"

"Hmm. Dunno." Sagot niya sa pagitan ng pagnguya. Inabot ko ang cellphone ko at tinignan kung may nagtext. Napangiti ako. Meron. Nag scan ako. Pero ni isa sa mga text ay hindi ko nakita ang pangalan niya. Wait!!! May number ba niya ako?

Disappointed!

"Nga pala, labas muna ako. Mukhang kailangan ko ng maligo."

"Ha? Sige. Babalik ka pa 'di ba? Tsaka mukhang kaya mo na." sabi ko at ngumiti sa kanya.

Ngumiti lang din siya bago tumalikod.

Pahiga na sana ako ng may maaalala akong dapat itanong sa kanya. "Bakit nga pala wala ka ng Christmall ball?"

"A-Ano n-nalate ako ng pag aayos. Huli na rin ng dumating ako."

"Ah ganun ba? Nakakahiya tuloy dahil wala akong partner. Buti nalang dumating si Fifth para saluhin ako."

"Pasensya na ha." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Eh? Tinanong ko lang naman siya ha? Bakit bigla nalang nangyakap?

Calvin'POV

Pagkalabas ko ng kwarto ni Miracle ay braso niya kaagad ang pumigil sa akin.

"Kung balak mong ilayo sa akin si Alys, wag mo ng ituloy dahil ako mismo ang makakalaban mo." Seryoso niyang sabi.

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon