Chapter 30

9.6K 195 0
                                    

Mahimbing na ang tulog niya. Payapa ang buong paligid dito sa loob ng kwarto. Tulog na tulog na siya. Tinignan ko ang wall clock at halos pasado ala una na ng umaga. Hindi ko na pala namalayan ang oras dahil sa pagkalibang kong manuod ng The Absolute Boyfriend.

Dahan dahan akong tumayo mula sa kama niya at inangat ang kamay niyang nakapatong sa lap ko.

Maingat at sigurado akong hindi makakagawa ng ingay upang hindi maging dahilan ng pagkaalipungatan niya sa pagkatulog.Lumapit ako sa gamit niya at kumuha ng sticky note.

—————————————

Take your medicine.

                                   -Alys.

—————————————

Ipinatong ko sa desk niya yung sticky note bago siya halikan sa noo. Sana bumuti na ang pakiramdam niya para maging maayos na siya

Tahimik akong lumabas ng mansyon nila at naglakad. Tiwala akong walang adik na makakasalubong dahil Exclusive Subdivision 'to. Hindi makakapasok basta basta dito maliban kung kilala ka at may permit ka ng kilala mo. Isa pa,ang alam ko mahigit trentang guards ang pakalat kalat sa paligid para sumubaybay sa mga nangyayari isama pa ang mga CCTV's Camera na nakakabit sa iba't ibang bahagi ng Subdivision. Malaki talaga ang tiwala ko sa lugar na 'to na hindi ako mapapahamak.

Binilisan ko ang lakad ko. Medyo nakakatakot maglakad dito dahil may mga bahay na abandunado pero high class pa rin ang dating at wala pang mga nakatira. Nakakapanindig balahibo ang ingay ng mga kuliglig. Maliwanag naman ang paligid dahil sa mga ilaw pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi matakot. Paano nalang kaya kung paglingon ko sa isang bahay may nakatingin sa akin? (0_0) Oh my ghad! Deretso tingin! Wag lilingon sa mga bahay! OMG! Waaah!

Binilisan ko nalang ang lakad ko.Nako! Ayokong makakita ng multo! May mga times talaga na hindi ako takot pero ngayon,inatake ako ng kaduwagan.

Nakahinga ako ng maayos ng makita ko na ang gate. May tatlong guards doon na nagpapatrol at mukhang buhay na buhay dahil mga nagkakatyawan pa.

Lumapit ako sa isa. Si Manong Mando. Kilala ko siya dahil naging guard din namin siya sa Cruz-Hwa State. "Oh uuwi kana?Madaling araw na ha? Wala kang kasama?Hatid na kita?"

"Ay hindi na po Manong,kaya ko pa sarili ko. Salamat nalang po sa alok. Sige po una na ako."

"Oh sige,ingat iha. Wag ng tumungo kung saan at baka mapahamak ka pa." Ngumiti lang ako bago nagtuloy palabas ng Subdivision.

Naghintay ako ng Taxi or Bus manlang. Nakailang ikot na ang kamay ng wrist watch ko pero wala pa rin dumadating na sasakyan na pwede kong sakyan. Nandito na rin naman ako sa gilid ng Highway pero bakit wala ng masakyan? Pumara ako ng taxi pero may nakasakay. Bwiset na yan! Inaantok na ako!

Naglakad ako. Tatlong kilometro ang layo ng Subdivision na 'to mula sa Condo kaya pwede ng pagtyagaan maglakad. Kahit saan ako lumingon may nakikita akong mga Christmas Light na nakadesign. Mga ilaw na paiba iba ang kulay at iba't ibang klase ng Christmas ball ang makikita sa mga puno. Malapit na pala ang pasko. Ang bilis ng araw. Hindi ko na namalayan na magpapasko na pala. Parang kahapon lang,bata pa ako. Nasa Grade School. Pero ngayon,Graduating Student na. Ilang buwan nalang,magka-College na ako. Bachelor of Science in Accountancy ang it-take kong course. Hindi na ako makapaghintay. Nasasabik na ako.

Umihip ang hangin. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig. Napatingala ako sa itaas. Ang daming bituin. Nakakagaan ng loob. Ang ganda sa paningin lalo na ang Constellation na Cancer. First time ko lang makita ang Cancer. Alimangong-alimango ang dating.

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon