Chapter 4

24.3K 409 3
                                    

Alys'POV

"Sus! Ganda talaga ng kapatid ko kaya love na love kita eh!"

"Yak! Dont hug me kuya! Eww!" sabay tulak ko sa kanya at umarteng diring diri. Grabe makayakap! Parang hindi nabuhay ng bente anyos sa mundo at hindi nag improved.

"Arte mo na ha! Sige sino ba ang pinagkakaabalahan mo at awkward ka na sa akin? Two years lang hindi nagkita inayawan na ako! Katampo!" sabi niya at tumalikod sa akin.

Ha! Akala niya aamuin ko siya? Hindi uso amuin ang mga nag iinaso. Hindi uso sa akin 'to!

"Yaya si Daddy?"

"Nasa taas po. Nagpapahinga." sagot ng maid bago ipagpatuloy ang pag aayos ng damit ko sa kama.

Remember, Foundation Day ngayon! It means na party party! Kissing booth ang naka-assign sa room namin. Syempre hindi papakabog ang section namin kaya siguradong nganga lahat ng pupunta doon.

"Tss. Hindi ka na malambing." nabaling ang tingin ko kay kuya

"H-Hoy! H-Hindi kita p-pinapaiyak!" Gahd! KINAKABAHAN AKO! AYOKO KASI NG MAY MGA UMIIYAK NA LALAKI SA HARAPAN KO! NAAAWA AKO! NASASAKTAN AKO!

Bigla bigla nalang akong namlabot ng yakapin ako ni kuya ng sobrang higpit. Tumulo na rin yung luha niya sa likod ko dahil nakasando lang naman ako. Senenyasan ko yung maid na lumabas muna para magkaroon kami ng privacy ni kuya. Siguradong may problema 'to. Sheyt! Hindi ako sanay na umiiyak si kuya! Nasanay ako na lagi syang nakatawa kahit malungkot na ako. MASAYAHIN KASING TAO SI KUYA! SOBRA! I'M HIS OPPOSITE!

"She broke up with me! Niloko lang niya ako!"

Sapol! Tagos sa puso! Tinamaan ako! Ilag pa ba? Wag na! SAPOL NA SAPOL EH!

Hindi ko magawang magsalita! Natameme ata yung dila ko! Nilamon ng lalamunan ko! Bakit ba kasi ang lakas ng dating ng mga sinabi ni kuya sa akin? Dahil sa future ako naman ang gagawa katulad ng babaeng nanakit kay kuya? Sheyt! Masaktan na lahat ng lalaki sa mundo, wag lang kuya ko! Ang tino tino ng kuya ko sa isang gilid kakalabitin para lokohin at saktan? Hindi ako nabuhay para makitang umiiyak kuya ko.Potek!

"S-Saan ka pupunta-"

"Sino nagpaiyak sayo?" galit kong tanong sa kanya. Pota! Malaman ko lang tang ina,sabog ngala ngala nyo'n sa akin.

"You dont need to know-"

"ANSWER THE FUCKING QUESTION AND I WILL PUNCH HER!"

"Calm down-wag mo na siyang saktan...mahal ko siya at ayokong masaktan siya..."

"Crop the word! Who she is?!"

"Alys..."

"Kuya sinaktan ka niya! Hindi ako papayag ng basta basta na saktan ka niya dahil mahal kita.Kapatid kita! Kuya kita-"

"I know. I know! Pero wag mo ng alamin Alys. Hayaan na muna natin siya."

Sheyt! Ang lungkot ng boses niya at hindi mapagkakaila na nasasaktan siya ng sobra.Nasasaktan siya dahil sa isang babae. Bahala na! Makalayas na nga at baka mahawa pa ako sa kuya ko.Tss.

"Kung tapos ka ng magdrama, mawalang galang na, sisibat na ako!" tumayo na ako sa kama at lumabas ng kwarto.

"Daddy!" dumeretso ako sa harap ni daddy na kung saan nakahiga at namamahinga. Gahd! How I wish na nakikita niya ako. Siguro natutuwa siya sa ganda ng damit ko. Kung pwede lang idonate ang mata ko bakit hindi? Kaso hindi na daw talaga kaya ng transplant. Wala na daw pag asa kahit anong paraan pa ang gawin. Naaawa tuloy ako kay daddy. Si mommy? Ayun, hindi mahagilap ng mata ko! Nasa trabaho na naman siguro.

Clash of Gangsters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon