"T-Tama na Reegan. Please. Please. Please. Huwag mo na siyang saktan parang awa mo na. Tama na please" lumuhod na ako sa harap niya at nagmakaawa. Unang beses kong lumuhod sa harap ng isang demonyo. Hindi ko expected 'to pero kailangan. Buhay niya nakalaan dito. Buhay niya. Buhay ni Ezekiel at buhay ni Calvin.
"Parang awa mo na,ibigay mo na yung gamot kay Calvin. Please...wag mo siyang hayaan na mamatay"
"Alys..."
"Tama na yan Alys."
"M-Miracle..."
"H'wag kang umiyak..."
Lumingon siya sa likod. Tumingin sa dereksyon ni Calvin na sapo sapo pa rin ang dibdib. "Ipapainom ko 'tong gamot sa kanya pero,"
"A-Ano?"
Kinabahan ako ng tumingin siya kay Ezekiel. Parang sinasabi na si Ezekiel ang kapalit. Pero kung si Ezekiel...ayoko... ayokong siya... mahal ko pa siya. Ayokong kunin siya ng iba at isama papalayo-- "Shoot his head."
And everything stops.
"W-What?"
Shoot his head? Sinong tanga ang gagawa nun? Hindi ako baliw para gawin 'yun. Hindi ako tanga para barilin s-siya--
"In five..."
"No R-Reegan."
"Reegan baliw ka na!!!"
"Tama na Reegan!"
"Tumigil kana sa kabaliwan mo!"
"Baliw kana!"
"Haha I know. Four..."
"No Reegan! Wag! Mahal ko si Ezekiel!Mahal na mahal--C-Calvin. CALVIN! CALVIN!"
"Look what you did!! naghihingalo na siya hahaha"
"Calvin! Calvin! Calvin! Kumapit ka-- 'wag lang 'yun Reegan! Gagawin ko lahat ng gusto mo. Parang awa mo na!" Umiyak na ako at nahirapan na akong huminga. Habang tinitignan ko siya lalo akong nahihirapan. Yung gamot. Yung gamot kailangan niya na!
"Hahaha oh ikaw ipainom mo na yan at baka mas mauna pa 'tong mamatay kaysa dyan sa lalaking yan"
Inihagis niya ang botelya ng gamot sa isa sa mga tauhan niya at inabutan ng gamot si Calvin.
"Oh ayan na, ginawa ko na. So back to the business, here." Inabot nita sa akin ang baril. Tatanggapin ko ba? Hindi ko kaya. Nanginginig ang buong katawan ko. Ni hindi ko kayang humawak ng baril. "KUNIN MO!!!"
"H-Hindi ko kaya!"
"Tatanggapin mo o papatayin ko lahat ng kaibigan mo?"
"Please Reegan w-wag!"
Sinampal na naman niya ako.
Putcha, namumuro na 'to ha! Iniyakan ko na lahat lahat sinampal pa ulit ako. Aba,anong gustong mangyari nito? Kapag talaga napuno ako! Nako! Nako! Baka dumilim paningin ko at tamaan na siya sa akin.
"Kung ayaw mo ako na lang gagawa" bigla niyang itinutok ang baril kay Ezekiel na ikinataranta ko. Agad kong inagaw sa kanya ang baril at nakipag talo. Kahit isang braso lang gamit ko kakayanin ko. Kakayanin ko lahat para sa kanya.
*bang*
Hindi ko pwedeng bitawan 'tong baril dahil may masasaktan. Masasaktan sila. Lalo na siya.
*bang*
"ALYS!"
"ALYSSS!"
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AçãoWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...