|Ervin Reid|
"Langya. Kahit sa paggising ko gwapo pa rin ako! Hoooo! Agang problema naman tong akin oh." Bumaba ako at nakita ko yung dalawa na nagkakape sa kusina. Aga ng gising nung dalawang ulul oh.
"Abnormal!"
"Aga aga mo Reid ha. Baho ng lumalabas sa bibig mo."
Di ko pinansin yung dalawang ugok dahil ayokong masira ang umaga dahil sa kanilang dalawa. Lugi kagwapuhan ko kapag pinatulan ko pa.
Kumuha ako ng tasa at nagsalin ng milk sa milk maker. Astig talaga mga gamit dito sa bahay. Di na pinapahirapan ang gwapo kong mukha.
"Tol, alam mo na ba?"
"Alin tol?"
Yung dalawa nag uusap na naman. Tss.
"Di mo alam tol?"
"Alin ba? Babatuhin kita ng kutsara dyan."
"Hahaha. Kalma tol. Excited? Ikakagwapo mo ba pagbato mo ng kutsara sa akin hahahaha."
"Pota."
Kahit ako mapapamura sa kacornyhan ni Alexis ngayon. Parang abnormal e.
"May eyebags ka tol ha?" Sabi ni Xaner.
Umupo ako sa high stool at tinignan silang dalawa na mag usap. "Walang mapaglagyan" gatong ko
"At least gwapo pa rin." Wengya! Anong shabu tinira nito at ang kapal ng mukha? Laging nakashabu e. "May nagsabi sakin dyan kanina sa labas, yung binilhan ko ng pandesal, ang bait ko daw tignan."
Binato ko na siya ng tinapay dahil sa kalokohan ng isang to. "Mabait lang tignan. Gago sa loob." Sabi ko at uminom
"In english, I'm just good looking daw. Oh diba! Pekeenges ko talaga."
"Ang lakas ng hangin ah. Baka umangat ka n'yan." Napalingon ako sa pinagmulan ng boses.
"Gising ka na palang panget ka."
"May panget bang dyosa?" Umirap na umupo siya sa tabi ko habang nakatingin sa akin "Hoy Ervin na unggoy din, sabi ko sayo magsangag ka di ba? Nasaan na?"
"Walang sasangagin." Sagot ko
"Kung makakain kasi ng kanin parang walang bukas. Ilang tumpok ng sandok kung kumuha. Partida dalawang punong kaldero ang sinaingan ni manang ha."
"Agang sermon naman yan atin Haivara. Kalma lang. Di mo ikagaganda yan."
"Pakyu Xaner!"
"Hahaha. Watch your word. Baka hatakin kita." Pang aalaska pa ni Xaner kaya lalong nagsalubong ang kilay ni Maxwell.
"Arggg. Pervert!"
Bagay ah.
|Alexis|
"Hoy daga!" Nilingon ko si Haivara sa gilid ko na nagdidilig ng mga bulaklak. Ewan ko ba dito at nakikialam ng gawain ng hardenero. Kawawa naman yung hardenero, nawalan ng trabaho dahil sa kanya.
"Bat?" pansin ko sa kanya
"San ka galing kagabi?"
Hanggang ngayon ba hindi makamove on tong Maxwell na to? Bat ba interesado to masyado? Nginitian ko lang siya kaya sinimangutan niya ko.
"Saan nga? Ilang gabi na yan e."
Wala naman malalim na dahilan kung bakit ako nawawala tuwing gabi e.
BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
AçãoWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...