Ervin'POV
Tahimik kaming nakasunod kay Ezekiel na walang imik habang tinatahak namin ang papasok ng Auction Hall.
Mula sa labas kanina na puro mamahalin na sasakyan hanggang dito ay hindi mapagkakaila na makakapangyarihan ang mga pumunta. Simula sa sapatos hanggang ulo pustura ang lahat. Walang mapagkakamalan na nanggaling sa Moderate family.
"Ganito pala itsura kapag may Auction no?"
"Hanga ka na naman? Minsan kasi magfield trip ka sa baba ng bundok tol. Hindi yung nasa tuktok ka lagi."
"Gago!"
Nag aasaran na naman silang dalawa. Tss.
Napahinto kami ng harangin kami ng limang guard. Hindi lang basta guard, matataas na uri ng guard ng hotel. Mukhang puno ng siguridad ang auction.
"VIP card." sabi ng isang guard
"Oy VIP card daw."
"Mukha ba akong meron Xaner?"
"Boss" Lingon kay Alexis. "Oh meron kayo?" Sabi ko dahil may hawak na card si Alexis na inabot kay Ezekiel.
Humawi sa gitna ang limang malaking tao. Papasok na sana kami ng nagkasa ng baril ang isa.
"Dalawa lang papasok"
"Huh? Paano kami? Kasama namin yan eh" alma ko
"VIP card. Mahigpit ang patakaran at siguridad dito. Kung ayaw niyong mamatay mabuti pang umalis na kayo o maghintay sa lobby."
"Aist!"
Maduga! Nakapasok sila!
"Tol narinig mo naman oh? Sibat na ko."
"Gago." ismid ko nalang at naglakad pabalik ng lobby. Hindi manlang nagsabi o nagpaalam ang dalawa. Tsk tsk
"Paano kaya nagkaroon ng VIP Card si Alexis? Hindi manlang tayo in-inform na kailangan non."
Hindi ko siya sinagot. Naupo ako sa couch at kumuha ng magazine. Magazine para sa mga i-auction.
"Sa tagal na ng grupo natin, hindi ko pa rin sila lubos lubos na kilala." Nahinto ako sa pagbabasa at tumingin kay Xaner. May punto siya. "Kailan ka pa naging interesado?" tanong ko sa kanya
"Hindi naman sa interesado ako. Curious lang."
"Saan?"
"Yung Zenia. Curious lang ako dahil four years kong hinanap ang files niya."
"Files?"
"Ilan taon na si Ezekiel?"
"Nineteen."
Files? Zenia? Sinong Zenia? Tsaka nabanggit ni Bryle ang Zenia. Anong meron sa Zenia'ng 'yun at mas pinili pa siya ni boss kaysa kay Alys?
Nakakapagtaka.
"Tama. Fifteen siya ng mabuo ang samahan natin. Anong pinagawa sayo ni Ezekiel para tanggapin sa grupo?"
Four years na ang nakalipas. Ano nga ba 'yun? "Hindi ko na matandaan" matagal tagal na din kasi at isa pa marami mas mahalagang bagay ang iniintindi ko
"Tss. Bobo chichay ka talaga. Four years ago pinahanap niya sa 'kin yung Zenia. Zenia Hartune."
"Oh tapos?"
"Last time nakuha ko ang file ni Zenia sa isang organisasyon na in-assign sa akin ni Ezekiel. Hindi ko alam kung bakit sa Dark Triad niya ako in-assign at kung bakit nakuha ko ang file ni Zenia."

BINABASA MO ANG
Clash of Gangsters (COMPLETED)
ActionWELCOME TO HELL! Lahat ng nangyayari sa buhay,may dahilan. At sa bawat dahilan na 'yun, hindi mo mapagtatakpan ang katotohanan na may masasaktan. In this game, NO ONE CAN SCAPE. How will you shutter the playful destiny? HOW CAN YOU SURVIVE WHERE A...