Chapter 21
Pag-uusap
Kamustahan at kwentuhan ng masasayang pangyayari sa kani-kanilang bakasyon ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng room.First day ng pagresume ng klase kaya excited ang bawat isa...maliban sa akin.
Ano bang ikukwento ko sa kanila?
Diretso upo ako sa desk at di na pinansin ang titig ng mga kaibigan ko.
"Pumayat ka," puna agad ni Rich pagkaupong-pagkaupo ko.
Inayos ko muna ang bag ko sa likuran ng upuan bago tuluyang humarap sa kanila at ngumiti.
"Sexy talaga ako,aminin ninyo," biro ko sa kanila na lahat na pala ay nakatingin sa akin.Lihim kong inilibot ang aking paningin at nagpasalamat nang napansing wala pa si Seth.Nakahinga ako nang maluwag sa kaalamang iyon.Atleast may time pa ako para makapag-isip.
"Ano ra?," linga ni Kisses sa mga kaibigan namin at nagkunwaring hindi niya narinig ang sinabi ko.
"Ewan ko,mahina pandinig ko ngayon eh," banat ni Eka na siyang nagpatawa sa lahat pati na rin sa akin.
"Ang sam," kunwari ay nagtatampo kong sabi.
"Okay lang yan,mahal ka naman namin," ngiti ni Kisses sabay tayo at yakap sa akin. "Namiss kita,Tanduay Rhum," tumatawa niyang sabi habang nakayakap sa akin.
Marahan ko siyang hinampas sa braso. "I miss you too too,Hershey's Kisses," balik kong asar sa kanya.
"Bakit naman kasi ganyan ang mga pangalan ninyo," kamot sa ulo ni Gellie na nagpatawa na ulit sa amin.
Kahit kasalukuyan akong balisa ay nabawasan naman iyon dahil sa mga kaibigan ko.Balik sila sa kwentuhan tungkol sa kani-kanilang bakasyon habang ako ay tahimik lang na nakikinig.Nkikitawa kung kailangan,sumasagot kung tinatanong.
"Uyy," napahinto kami sa pagkukwentuhang mga girls nang biglang naghiyawan ang mga boys.Napatingin na rin kami sa tinitingnan nila sa may pintuan at ganoon na lang ang kaba ko nang nakita ko kung sino ang pumasok at tiyak na dahila ng paghiyawan ng mga kaibigan ko.
Biglang bumilis ang tahip ng aking dibdib at sinubukan sanang umiwas ng tingin ngunit huli na ang lahat dahil nagtagpo na ng aming mga mata.Naramdaman ko agad na lumipat si Rich sa ibang upuan para paupuin si Seth sa tabi ko.
"Pre,pumayat si Rhum,pinagod mo ano?," bungad na biro ni Edison kay Seth na nakatabi na sa akin.
"Ano ba yan,ang aga-aga," kunwaring reklamo ni Seth na halatang nagpipigil ng ngiti.
"Itakwil,hindi na natin yan kaibigan," gatol ni Noah na kumumpas-kumpas pa na parang iwinawaksi niya nga si Edison.
Panay ang tawanan ng lahat.Maski ako ay natawa na din.Ramdam ko pa rin ang kalabog ng aking dibdib but I tried to act normal.Although the truth was,I really didn't know how to act around Seth.
"Happy New Year," bulong niya sa gitna ng maingay na pagkukwentuhan ng mga kaibigan namin.Lalo lang nagrigodon ang puso ko dahil doon.
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at ngumiti."Happy New Year," tipid kong sagot.
"Hindi ka nagtetext," nagtatampo niyang sabi.
"Sorry," ani ko. "Kumusta ang bakasyon?," kunwari ay masaya kong tanong para lang maiba ang usapan namin.
"Ayos lang," aniya. "Ikaw?," balik niyang tanong.
"Okay naman din,"namiss kita.Gusto kong idugtong.
Ngumiti lang siya ng tipid sa akin at marahan na tumango-tango.Gumalaw siya para kunin ang mga kamay kong nakapatong sa desk.Pinaglaruan niya ang mga daliri ko at pagkatapos ay inangat ang kamay ko at dinala sa kanyang labi.Dinampian niya ng halik ang likod ng aking palad pagkatapos ay ibinaba ulit ito.
Lalo lang nadagdagan ang pagkailang ko.Mas lalo tuloy akong nahirapang sabihin sa kanya ang dapat kong sabihin.Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Usap tayo," diretso kong sabi.
Mabilis ang naging pagtango niya at tila ba nag-isip sandali bago ngumit.Nais ko sanang itanong sa kanya kung para saan ang tila ba malungkot na ngiting iyon ngunit hindi ko na nagawa pa dahil naging abala na siya sa pakikipaglokohan sa mga kaibigan namin.
Naging ganoon ang buong mghapon namin.Lahi akong naghahanap ng tiyempo na masolo siya para makapag-usap kami ngunit parati naman siyang nakadikit sa mga kaibigan namin.Gusto ko nang mainis dahil habang tumatagal ay mas lalo lang akong kinakabahan at hindi mapakali.I just wanted to get this over with.
Umabot ang uwian namin at laking pasasalamat ko na nasolo ko din siya dahil magkatabi kami sa jeep pauwi.Abala sila Gellie at Rich sa pagkukwentuhan kaya naman tyumempo na ako na kausapin si Seth na nakatingin sa labas ng jeep habang nakayakap ang mga braso sa bewang ko.
"Pwede na ba tayong mag-usap?," alangan kong tanong.Hindi ko rin maiwasang mainis dahil kung sana ay nagawa ko na siyang kausapin sa school pa lanng ay di na ako mahihirapan nang ganito.Kinailangan ko pang ilapit ang mukha ko sa mukha niya para magkarinigan kami at maiwasan na makapageavesdrop ang mga kaibigan at kapwa pasahero namin.
Matagal bago niya ako nilingon gamit ang blangkong ekpresyon sabay tango nang mahina bilang hudyat na pwede na kaming mag-usap.Huminga ako ng malalim bago nagsalita.
"Nagalit si mommy at daddy nang nalaman nila ang tungkol sa atin," panimula ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko dahil sa paglapit niya ng husto sa akin.Tumango pa siya para ipagpatuloy ko ang aking sinasabi.
"Mag-aral daw muna ako," dugtong ko.
"Nag-aaral ka naman ah," kunot-noong sabi niya.
"Oo nga pero,dapat daw iyon muna ang priority ko," ani ko.Hindi na siya sumagot pa at mukhang may inisip na malalim kaya naman nagpatuloy na ako sa pagsasalita. "Binigyan nila ako ng kondisyon," buntong-hininga ko.
"Ano yun?," nilingon niya ako sabay tanong.
"Kung magboboyfriend daw ako,mabuti pang wag na akong mag-aral,pero kung gusto kong mag-aral eh di dapat daw ay wala akong boyfriend," sagot ko.
"Anong plano mo?," tanong niya.
"Gusto ko sanang...ano...gusto ko sanang," napabuntong-hininga ako at napafacepalm na din. "Ang hirap naman," angal ko.
Ibinaba ko ang aking kamay at ipinatong sa kanyang bag na nasa kandungan niya.Pinaglaruan ko ang zipper ng kanyang bag habang hinahabi sa utak ko ang sentence na sasabihin ko sa kanya.Ngunit sa tuwing bubuksan ko ang aking bibig ay bigla naman akong kinakabahan.Words don't come easy,I know.Lalo na kung katulad ng sasabihin ko ang mamumutawi sa bibig nino man.
"Gusto ko sanang...tsk," napapalatak na ako dahil hindi ko talaga masabi.Kanina lang ay desidido na ako sa plano ko pero nang oras na para gawin iyon ay urong-sulong naman ako.Mas gugustuhin ko nalang na magrecite ng multiplication kaysa sa sabihin ang mga katagang iyon sa kanya.
Nag-iipon palang ako ng lakas ng loob nang bigla siyang nagsalita.
"Huwag mo nang sabihin,alam ko na," napalingon ako sa sinabi niya at kasabay ng mga salitang iyon ay ang unti-unti pagluwang ng pagkakayakap ng mga braso niya sa bewang ko hanggang sa tuluyan niya na ngang inalis ang mga braso niya.Nakatitig lang ako sa kanya nang nagsalita siya ulit.
"Manong,para po,"aniya pagkatapos ay nilingon ako."Ingat ka," iyon lang at tumalikod na siya para bumaba na ng jeep.
Nakatitig lang ako sa likuran niya hanggang sa umandar na ulit ang jeep.
****
Hayyy!! Salamat.NakapagUD din. :) Enjoy reading and thank you po sa lahat ng nagbabasa.Mwuah
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.