Chapter 55
Mundo Ko
"Eh dito po magkano?," tanong ni Seth doon sa tindera ng bulaklak.We've been strolling for about thirty minutes just looking for a plant he wanted to buy.
Halos lahat ng nakahilerang tindahan ng bulaklak sa Tagaytay ay pinuntahan na niya.He couldn't decide what to buy.For the nth time,nagtanong na naman siya kung magkano ang isang paso ng bulaklak na magustuhan niya.Pati kung paano iyon mapaparami at itanim ay itinatanong niya.
Nababagot na nga ako sa kakaikot namin.Kaming dalawa nalang ang natira dahil iniwan na kami ng mga kaibigan namin para magsipagpunta sa ibang part ng rotonda Olivarez.Bahagya akong naglakad palayo kay Seth habang nakikipag-usap siya sa tindera nang may nakaagaw ng aking atensyon.
Agad ko iyong nilapitan at di napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi.It was a colored yellow rose.Kadalasan ko kasing nakikitang kulay ng rosas ay pink,pula at puti.Pero first time kong nakakita ng dilaw na rose kaya na-amaze agad ako.Plus the fact that yellow is my favorite color.
Tumalungko ako upang mahawakan ang bulaklak.Nakalimutan ko na sana si Seth dahil sa kakatingin ko sa rose kung di lang siya nagsalita.
"Anong tinitignan mo diyan?," tanong niya habang papalapit sa akin.Hindi ko na kinailangang sumagot dahil agad niya rin naman itong nakita.
"Ang cute,diba?," nakangiti kong bulalas sa kanya patungkol sa bulaklak.Ngumiti siya sa akin bilang tugon.
"Ate,magkano ho 'to?," narinig kong tanong niya doon sa tindera.Marahil ay may nakita na naman siyang bulaklak.
"150 ser," sagot naman nung tindera.
"Pabili po ng tatlo sa paso," agad akong napalingon kay Seth at halos mapapalakpak dahil sa wakas ay may napili na rin siya.
"Anong nabili mo?," tanong ko habang nakatingin sa tinderang may hawak na malaking plastic na paglalagyan ng bulaklak na bibilhin ni Seth.Nangunot ang aking noo nang makitang papalapit sa direksyon ko ang tindera at dinampot ang yellow rose.Naglagay siya ng tig-isang paso nito sa bawat plastic bago iniabot kay Seth.
"Yan ang bibilhin mo?," nanlalaki ang mata kong tanong.
"Hindi.Uutangin ko lang 'to," biro niya sa akin and I just rolled my eyes.
Matapos siyang makapagbayad ay agad na kaming naglakad para sundan ang mga kaibigan namin.Nasa Mcdonalds daw sila kaya doon na kami dumiretso.
Pagkapasok namin ay nakita agad namin ang maiingay at nagkukumpulan naming mga kaibigan.Habang papalapit ay nakita kong may nakareserba nang dalawang upuan para sa amin.Halata ring hindi pa sila umoorder at hinihintay ang pagdating namin.
"Ang tagal n'yo," reklamo ni Saida.
Pabuka pa lang ang aking bibig para ireklamo rin sa kanila kung gaano katagal pumili si Seth ng bulaklak na bibilhin ay sumabad na si Gellie."May pinuntahan pa 'yan," Gellie bantered.
"Saan?," Ehm asked innocently.
"Sogo," Nohlan amorously stated and my eyes widened in dispute.
"Hindi no!," I bellowed and they all laughed.
"Pa-virgin," kantiyaw naman ni Seth dahilan para lalong manlaki ang aking mata. "Sorry,guys,biglaan kasi.Wala sa plano 'yun.Minadali nga namin," napasimangot ako habang nakatingin sa kanya na wala man lang kabakas-bakas ng pagbibiro ang kanyang ekspresyon ng mukha at tono ng pananalita.Rather,he looked more sorry as if what he was apologizing about was really true.
"Barbero ka," sambit ko habang di naiwasan ang pagsimangot at ganoon na lang ang kanyang pagtawa.
Napuno ng tawanan ang table namin habang kumakain kami.Wala na kasi kaming poproblemahin for the mean time dahil nakuha na namin ang certificate namin at hindi na kami babalik sa Tagaytay kaya naman sinulit na rin namin ang pagbobonding doon.Nahinto ako sa pakikipagtawanan nang naramdaman ang pagvibrate ng aking cellphone.Hindi ko naiwasan ang kabahan dahil posibleng sila mommy na ang nagtext sa akin.
Ganoon na lang ang ginhawa ko nang makitang hindi si mommy iyon kundi si Eka.Nagtatanong siya kung nakuha ko na ba ang Training Certificate niya.Hindi kasi siya sumama sa amin kaua nakisuyo na lang na kunin ko ang kanyang certificate.Mayroon lang daw siyang aasikasuhin na ayaw niya namang sabihin.Hindi na rin ako nangulit.
"Ito na ba 'yong pabango na binili ko kahapon?," napatingin ako nang narinig ang matining na boses ni Rich.Nakita kong nakabaling siya kay Seth at napabaling na rin ako sa huli.Muli akong tumingin kay Rich.Hawak-hawak na niya ang bote ng pabango na binili ni Seth noong nakaraang araw habang magkasama kami sa mall.
Don't get me wrong.It was not a date.In fact,kasama rin namin ang mga kaibigan namin habang namimili.It's just that kaming dalawa lang ang nasa scent section ng grocery habang namimili naman ng ingredients ang mga kaibigan namin para sa ingredients ng lulutuin sa hot kitchen para sa Food and Beverage Management na subject namin.
"Mabango diba?," pagmamayabang pa na patanong ni Seth habang inaamoy at pinagsspray na ng mga kaibigan namin ang kanyang pabango.
The scent reached my nostrils and I inhaled the scent.Hindi ko rin alam ngunit nababanguhan talaga ako sa pabango na iyon.
"Ang bango nito oh," kalabit ko kay Seth habang inaamoy-amoy ang aking pulsuhan kung saan ako nagspray ng konting amount ng pabango.Nilingon ako ni Seth at agad kong inilapit ang may pabango kong palapulsuhan sa kanyang ilong.
"Oo nga," pagsang-ayon niya sa aking sinabi.Dinampot ko ang bote ng pabango at iniabot sa kanya.
"Ito ba 'yon?," tanong niya.
"Oo.Iyan na lang bilhin mo.Mabango,promise," pangungumbinsi ko sa kanya.At hindi nga ako nagdalawang-salita dahil agad na niya akong hinatak patungo sa counter para magbayad.
"Sabi ni Rhum eh," napabalik ako sa kasalukuyan nang narinig kong may nagbanggit ng aking pangalan.
"Ano 'yun?," I asked referring the latter statement that I heard.
"Oo," sagot naman ni Seth.
"Huh?," naguluhan ako sa sagot niya kaya nagtanong ako ulit.
"Oo.Maganda ka,bingi lang," biro niya at nagmake face lang ako.Kahit ang totoo,kinilig ako.Iba kasi 'yung dating kapag isang taong espesyal sa'yo ang magkokomento tungkol sa iyong katangian.
"Naniwala ka naman?," he mockingly asked me.Agad ko siyang siniko at imbes na masaktan ay tinawanan niya lang ako.
"Letse!," tugon ko.
"Awtsu! Nagtampo naman agad," nakakaloko niyang asar sa akin. Lumapit siya sa akin at agad gumapang ang init sa aking mukha nang bumulong siya sa akin. "Huwag kang mag-alala,pumangit ka man,o tumaba at lumaki nang sobra,ikaw pa rin mundo ko."
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.