Chapter 60
Ex
It has been three days and Seth wasn't attending school yet.He was very hands on to his bestfriend's burial.Yes,his bestfriend died of diabetes.
Tandang-tanda ko pa four days ago habang naglalakad ako papuntang school nang may nakasabay akong lalaki.I stared at him sideways and saw that he was looking at me.Namukhaan ko iyong lalaki.Isa siya sa mga high school friends ni Seth who happened to be our schoolmate as well taking up other course.
"Si Seth?," bungad na tanong noong lalaki sa akin.
"H-Hindi ko alam kung papasok siya ngayon eh," alangang sagot ko sa kanya.I am not friendly.I don't usually talk to people I don't know.Well,I know the guy by appearance,hindi nga lang kami formally introduced.
"Ganun ba?," tanong niya at bahagya pang nag-isip. "Kasi...please tell him Shane's gone," he buckled and I stared at him with surprise.Shane 'yong pangalan ng bestfriend ni Seth who just like this guy,was not formally introduced to me as well.
Katulad ng lalaking kausap ko,iyong Shane ay nakikita ko lang din sa school."I-I'll tell him," sagot ko na tinugon niya ng tango at simpleng ngiti.Ni hindi ko na nga naiparating ang pakikiramay ko dahil agad na rin siyang umalis dahil malilate na raw siya.
Pagkarating sa school ng araw rin na 'yon ay tinawagan ko agad si Seth.Ring lang nang ring ngunit di niya sinasagot.Alas siyete lang ng umaga at hindi ako sigurado kung tulog pa ba siya o alam na niya ang nangyari sa matalik na kaibigan.
Hindi ko rin alam kung may balak ba siyang pumasok sa araw na iyon.I tried calling him for God knows how many times pero hindi niya talaga iyon sinasagot.And so I was left with no choice but send him a message instead.Ayoko sanang ibalita sa kanya thru text ngunit di niya naman sinasagot ang kanyang phone.
I was snapped out of my reverie when Nohlan called my attention. "Let's go,Rhum," ani Nohlan kaya agad na rin akong tumayo mula sa aking desk.
Napagdesisyunan naming dumalaw sa burol ni Shane,ang bestfriend ni Seth.Hindi man siya formally naipakilala ni Seth sa amin ay nakikita naman namin siya sa school at nakakausap in a civil manner.I tried declining at first but Seth texted me.
Seth: Sumama ka.Kilala ka ni Shane.Napag-uusapan ka namin.Atleast pay him a minute of prayer and visit.
Si Seth na nagsabi.Tatanggi pa ba ako? Kaya sabay-sabay na kami ng mga kaibigan ko na pumunta roon.Kasabay rin namin sina Tammy dahil tulad ko,kilala niya rin si Shane.Of course,she would.
Pagkarating sa pinagbuburulan ay sinalubong kami ni Seth.Dahil araw pa lang,wala masyadong tao.Kaunti lang ang naroon at isa nga si Seth doon kasama ang pamilya ng kanyang kaibigan.
"Hindi talaga natin masasabi ang buhay ng tao," tila may panghihinayang na saad ni Edison.
"Oo nga.Kaya dapat,live your life to the fullest talaga," dagdag naman ni Kisses.
Nahagip ng aking paningin ang isang babaeng maganda na nakatayo roon sa kabaong ni Shane at nakatunghay ang babae sa huli."Chicks oh," napansin rin pala iyon ni Edison.
Dahil sa tinuran ni Edison ay napalingon na rin si Seth sa direksyon kung saan kami nakatingin. "Gago,girlfriend 'yan ni Shane," suway ni Seth kay Edison.
"Whoah! Damsel in distress," nangingiti pang sagot ni Edison kay Seth.
"Di ka na pinanindigan ng balahibo.Sige ka,may kakalabit sa'yo mamaya," panakot naman ni James kay Edison.
Nahinto kami saglit sa pag-uusap nang may dumating na meryenda.Nang umalis na ang nagseserve nun ay saka naman kami nagkwentuhan ulit.Natawa ako nang inilagay ni Seth ang isang pakete ng juice drink sa bulsa ng bag ni Gellie.
Alam kong aasarin na naman niya ang huli kaya inabangan ko ang kanyang gagawin.At hindi nga ako nagkamali dahil nang lumingon sa kanya si Gellie ay agad niya itong tinakot. "Hala ka! Nagtago ka ng meryenda.Bawal kaya magbitbit ng pagkain na galing sa patay.Sasama ng uwi sa'yo si Shane," panakot ni Seth sa nanlalaki ang matang si Gellie.
"Buang ka! Ikaw naglagay niyan eh.Bwiset!," sagot sa kanya ni Gellie na nagpatawa sa amin.We made sure it was not vulgar.Kabastusan naman yatang magtawanan sa burol.
Nag-asaran pa sila nang nag-asaran nang biglang tumayo si Gellie at lahat kami ay naalarma habang nakatingin sa kanyang likuran. "May tagos ka," bulalas ni Rich.
"Ha? Anak ng...," sambit ni Gellie habang tinitignan ang kanyang pwetan.
"Mayroon ka?," parang di makapaniwala na tanong ni Seth. "Bawal kaya pumunta sa lamay ang may dalaw," imporma niya kay Gellie na natataranta na kaya naman inabutan na ito ni Ehm ng jacket para pantakip sa kanyang pantalong mayroon nang dugo. "Babaho 'yan," tila nandidiring dagdag ni Seth.
"Letse! Andame mong alam.Masasapak na talaga kita," matapang na sagot ni Gellie kay Seth at ganoon na lang ang pagtawa ng huli. "Hindi nga? Totoo ba 'yon?," nag-aalalang tanong sa amin ni Gellie nang bumaling siya sa amin na ipinagkibit-balikat lang namin.Malay ba namin kung totoo nga ang sinasabi ni Seth.
Nang natapos kaming magmeryenda ay sabay-sabay kaming lumapit sa kabaong ni Shane.Dahan-dahan akong sumilip doon hanggang sa makita ko ang kanyang mapayapang pagpikit.Sa muli ay sinulyapan ko ang girlfriend ni Shane na tulalang nakaupo sa upuan.
Hindi ko maimaginr kung gaano kasakit ang nararamdaman ng babae.Marahil ay sobrang masakit.Lalo na at hindi na niya ulit makikita ang nobyo.
Naramdaman ko ang paglapat ng mga palad sa aking balikat.Nilingon ko kung sino 'yon at nakitang si Seth iyon.He was staring at his bestfriend's corpse.And I saw a glimpse of grief in his eyes.Sino bang hindi?
Ibinalik ko ang aking tingin kay Shane at narinig kong nagsalita si Seth."Guys,kapag ako ba namatay iiyak kayo?," I looked at him with disbelief.
"Si Rhum,oo," sagot ni Nohlan.
Tumingin si Seth sa akin at sumimangot. "Balewala nga lang ako sa kanya eh," aniya.
"Ang drama," sabi ko.
"Kapag ba 'yong ex mo ang namatay,iiyak ka Rhum?," mapang-asar na tanong ni Saida.I creased my forehead to her question.But then I realized she was playing tricks.Napailing na lang ako bago sumagot.
"Oo naman," nangingiti kong sagot.Sumipol ang mga boys.
"Bakit nga ba kayo naghiwalay ng ex mo?," pagsakay naman ni Seth sa usapan namin ni Saida dahilan para mas lumawak ang aking ngiti.
"Bawal eh," kunwa'y nanghihinayang kong sagot.
"Pero kung ikaw ang masusunod,sa tingin mo ba,kayo pa rin ngayon?," gatol naman ni Nohlan habang ng iba naming mga kaibigan ay nakikinig lang.
"Kung ako masusunod,kami pa rin ngayon," ngiti ko at sinulyapan si Seth who was suppressing his smile.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.