Chapter 6
Opening Up
Nagmamadali akong sumakay ng jeep sa takot na ma-late ako. It's already 6:30 at 8AM ang pasok ko. Isang oras ang biyahe at hindi pa kasama doon ang traffic at iba pang causes of delay.
Laking pasasalamat ko nang umalis na ang dyip. Huminto ito saglit at nagsakay ng pasahero. Isa sa tatlong pasahero na sumakay ay si Tammy. Kinalabit ko siya nang dumaan siya sa harapan ko. Nang lumingon siya ay umusog ako para magkatabi kami. Parati ko kasi siyang nakakasabay tuwing pumapasok.
"Hey," bati niya sa akin. I gave her a smile.
"Belated Happy Birthday," she greeted. Naguilty naman ako. Kapag kasi mga kaibigan niya ang may birthday pati grupo namin ay imbitado pero nung birthday ko,maski nung debut ko last year ay wala akong ininvite ni isa sa kanilang magkakaibigan.
"Thank you.Sorry ah di ko kayo nainvite," I apologized.
"Okay lang iyon. Tsaka kahit naman iinvite mo kami ay baka di rin kami nakapunta. Nagcelebrate din kasi kami ng birthday ni Swit," aniya. Oo nga pala. Magkasunod lang ang birthday namin ng kaklase naming si Swit, na kaibigan nila.
"So how did the celebration went?," cheerful niyang tanong.
"Okay naman. Masaya din kahit papaano," panimula ko.
"Pansin ko ngang masaya kasi I saw doon sa photos na pinost ni Edison sa FB." nakangiti niyang sabi. " Tiyak pula na naman mga hasang nila,may hawak pa na bote ng sanmig sa picture eh." dugtong niya sabay tawa.
"Oo nga, ang saya nga nila. As usual,napagtripan na naman nila si James. Pinipilit na naman nilang sumayaw ng bubble butt," kwento ko na sabay na nagpatawa sa amin.
"Mga loko-loko talaga iyong mga classmate natin ano?," aniya.
"Oo,sobra. Tapos kumanta pa sila Edison nang sobrang ingay na kanta. Basag na nga boses nila dinamay pa pati tenga ng mga kapitbahay namin. Tapos after kumanta ni Edison sumunod naman si Seth. Grabe talaga iyong boses niya, super tumbling kami sa kakatawa. Nanghihinayang pa man din iyong kinanta niya. Nanghinayang din kami kung bakit namin siya hinayaang kumanta," tumatawa kong kwento. "Baliw talaga iyon si Seth kasi--- " nahinto ako sa pagkwento. Tammy is still listening enthusiastically pero nakaramdam ako ng awkwardness. Hindi ko alam kung bakit pero I concluded that it might be because I was telling stories about her ex-boyfriend. Aware din kasi ako na hanggang ngayon ay hindi pa nagkikibuan si Tammy at Seth and I felt like a boner for telling Tammy about how Seth was these days.
"Sorry." I mumbled.
"It's okay,Rhum. Kamusta naman si Seth?"tanong niya. I looked at her with hesitation but she gave me her sincere smile as if cueing me to go on and answer her question without doubt.
"O-okay naman siya. Mukha naman siyang masaya." I answered base on my observation.
"Buti naman masaya na siya. " she said and smiled.
"Oo nga eh." maikli kong sagot. Mukha namang okay lang kay Tammy na pag-usapan si Seth pero I don't want to push through. Baka kasi katulad ni Seth, she's just hiding what she's really feeling. The mere fact na hindi pa sila nagkikibuan hanggang ngayon is a proof that there are still some things between them that are not yet settled. Wala pang fallout between them.
To avoid the uncomfortability that I am feeling,inilihis ko na lang ang topic. Buti nalang naalala ko na may assignment nga pala kami sa bartending na subject namin kaya tinanong ko nalang siya tungkol doon. From that topic we jump to other random topics until we get off from the jeepney.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.