Chapter 53 (Tagaytay)

1.6K 42 3
                                    

Chapter 53

Tagaytay

"Alam mo ba 'yon?," Seth asked me.

"H-Ha?," iyon lang ang tangi kong naisagot.Hindi pa rin ako nakakarecover sa sinabi niya.

"Kanta kaya iyon," ngisi niya.

"A-Ang a-alin?," naguguluhan kong tanong sa tinuran niya.

"At kahit mahal kita,wala akong magagawa,alam ko 'to aking sinta,pangarap lang kita," he uttered those words once more with a tune,a familiar tune.

Unti-unti akong natauhan.Akala ko...akala ko...okay fine,I assumed.Akala ko sinabi niya ang mga katagang iyon para sa akin.Hindi pala.Tangna! Kanta 'yon.Ang tanga ko naman.Pinigilan kong sabunutan ang aking sarili dahil sa realisasyon na humampas sa akin.

"A-Ah oo nga.Iyon 'yong sa Parokya ni Edgar featuring Happee Sy,diba?," turan ko nang tuluyan na akong nakabawi.

"Oo,iyon," pagsang-ayon niya.Tumango-tango lang ako bilang tugon pagkatapos ay umiwas na ng tingin.Ibinaling ko ang aking tingin sa labas ng bus kahit pa hindi ko naman talaga makita nang tuluyan ang dinadaanan namin dahil nakaharang si Rich sa bintana.

Naramdaman kong gumagalaw si Seth sa aking tabi na til ba mayroon siyang hinahalungkat mula sa dalang bag base na rin sa pagbukas niya ng zipper nito.

Naramdaman ko ang ginawa niyang paghawi sa aking buhok dahilan para bumaling ako sa kanya.Ngunit di pa man ako tuluyang nakakalingon ay may isinalpak na siya sa aking tainga.Earphone iyon ngunit walang tugtog.Nilingon ko siya upang sana'y magtanong ngunit abala siya sa pagplug noong earphone sa kanyang cellphone pagkatapos ay may pinindot-pindot doon.Matapos ng ilang pindot niya sa screen ay pumailanlang ang isang pamilyar na tugtog.

Mabuti pa sa lotto
May pag-asang manalo
'Di tulad sayo
Imposible
Prinsesa ka
Ako'y dukha
Sa TV lang naman kasi may mangyayari

Nanatili lang akong nakatingin kay Seth na nakapikit habang pinakikinggan ang kanta.

Nakakainis! Akala ko talaga para sa akin 'yong sinabi niya.Akala ko iyon ang gusto niya talagang sabihin sa akin.Tangina! Nag-assume ako.Nagrerecite lang pala siya ng lyrics ng kanta. Tangin- wait! Nagmura ba ako? Namputsa! Nagmura nga ako.

Sabi nga nila,pain leaves you with a stronger heart.And I could feel it.I feel something inside me changed.Para bang medyo tumapang na ako kung ikukumpara dati.Pero di ako nainform,it leaves you with a nasty and sharp tongue din pala.

" At kahit mahal kita,wala akong magagawa,tanggap ko 'to aking sinta,
pangarap lang kita," nilingon ko muli ang lalaking nakapikit sa aking tabi.He was singing along with the song.And suddenly,it brought shivers down my spine.Hindi nga kagandahan ang boses ni Seth ngunit ramdam ko ang bawat salita sa pagkanta niya.It was as if he really was saying it to someone.And there goes my assuming self.Pakiramdam ko ay para sa akin n'ya iyon kinakanta.

Dahil doon ay hindi ko na rin napigilan ang aking sarili na makisabay sa kanta.Lalo na sa parte ng chorus.

Sa ngayon,Seth,pangarap lang kita.Pero balang-araw,ikaw ang isa sa mga pangarap ko na sisiguraduhin kong maabot.Kasi sa ngayon,kahit mahal kita,wala akong magagawa.No-in fact,may magagawa ako.Pwede akong sumuway sa mga magulang ko,ngunit ayokong gawin.Natatakot akong baka totohanin nila mommy ang banta na pagpapahinto sa akin sa pag-aaral kung magpapatuloy tayo.Ayoko 'yon Seth.Isa pa,kailangan ko tumanaw ng utang na loob.Kung hindi dahil sa kanila ay baka wala ako sa kinatatayuan ko ngayon.At saka...at saka...hindi ako sigurado kung magiging tayo ba hanggang sa huli.Bata pa tayo! Posibleng may makilala pa tayo pagtanda natin.Doon ako natatakot.Ngunit kung sakali man...ikaw na nga kaya? Ikaw na ba,Seth?

"Rhum,baba na," nagising ako mula sa akibg pagkatulala ng tapik ni Rich.Bumaling ako sa kanya habang nakakunot ang aking noo.Nagtataka.

"Baba na,bilis," aniya sabay tayo na para bang makakaraan siya samantalang nakaharang pa ako sa daraanan niya.Tumingin ako sa labas at nakitang nakahinto na ang bus na sinasakyan namin sa tapat ng restaurant.

"Halika na," nilingon ko si Seth na inaya na akong bumaba.Nagmadali akong tumayo at bumaba dahil na rin sa pang-aapura ni Rich.

Pagkababa ay hindi ko na napigilan ang pagbangon ng excitement sa aking buong sistema.Namiss ko ang restaurant pati ang mga crew doon.Pagkapasok namin ay agad kaming binati ng mga crew.Wala masyadong kumakain dahil weekdays kaya malaya kaming nakipagkwentuhan sa nga ka-close naming crew.Nakakatuwa rin na kahit iyong mga crew na hindi naman namin masyadong nakakasalamuha noong nagtitraining kami sa resto ay binati kami at kinumusta.Matapos ang batian ay naglibot kami sa kabuuan ng venue.Hinayaan na naming sina Saida at Nohlan ang makipag-usap sa manager namin para sa certification samantalang naggala kami nina Rich at Eka.

Mula stations A and B ay pumunta rin kami sa Kahilig station kung saan susuot ka sa man-made na kweba at pagkapasok mo doon ay nasa barang open basement ka kung saan kitang-kita mo ang Taal Volcano.Mula doon ay may daanan sa magkabilang side.Sa Kaliwa ay papunta sa Nipa Hut station at ang sa kanan naman ay ang Kubo station kung saan naka-elevate ang mga kubo kaya aakyat ka pa sa matarik na ladder bago makasampa sa kubo.May sampung kubo doon.Kaya imaginin mo na lang kung iseserve mo yung lahat ng kubo ay ibig sabihin sampung beses kang aakyat ng ladder dahil individually ladderized iyon.

Matapos namin maglibot ay nagpicture taking kami sa malawak na espasyong nasa tapat lang ng station B.Nakarami na kami ng litratong kinuha na kasama pa sa view ang Taal nang maalala ko bigla si Seth.Sumulyap ako sa station B kung naroon siya ngunit wala.Nagpalinga-linga ako nang nakita ko si Ehm na nagkukunyapit sa loob ng kubo.Doon ay nakita ko rin si Gellie at Seth.Saka lang ako napanatag.Alam ko kasing mainipin si Seth ngunit sa hitsura niya naman habang kasama sina Gellie ay mukhang di siya bored.

"Oy! Nakangiti na siya ulit," narinig ko ang pangangantiyaw ni Rich kaya nilingon ko siya.Noong una ay inakala kong ako ang pinatutungkulan niya ngunit napagtanto kong kay Eka siya nakatingin.Nilingon ko ang huli na para bang nailang sa tinuran ni Rich.

"Oo nga," pagsang-ayon ko dahilan para mapalingon si Eka sa akin at ngumiti ng tipid sabay iwas ng tingin.Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kakaibang aura niya.She looked blooming and...stressed at the same time.Posible ba 'yon? Hindi ko alam pero 'yon ang nakikita ko sa kanya. "May problema ka ba?," hindi ko na napigilan ang magtanong.

"W-Wala ah.Nasstress lang ako sa school," ngisi ni Eka na tinanguan naman ni Rich.Hindi na ako kumibo ngunit sa isip-isip ko ay hindi ako naniniwala.Paano siyang masstress,eh kasisimula pa lang ng school year.Isang linggo pa lang kaming nagkaklase.

"Ito pala sila eh," sabay kaming napalingon tatlo nang narinig namin si Gellie.

"Kanina pa namin kayo hinahanap," turan ni Ehm nang tuluyan na silang nakalapit sa amin.

"Kaya pala panay ang pictorial ninyo doon sa kubo," pasarkastiko kong turan habang tinitignan si Seth na tumayo sa gilid ko.

"Siyempre,parte na 'yon," ngisi ni Gellie at nagsimula na kaming humakbang patungo sa station B dahil tinatawag na rin kami ni Saida at Nohlan.

"Hintayin mo naman ako," nilingon ko ang nahuhuling naglalakad na si Seth.Huminto ako para makaabot siya at saka lang ako humakbang nang malapit na siya sa akin.Ngunit di pa man ako nakakaisang hakbang ay hinawakan niya ako sa braso.

"Kaya nga ako sumama para makasama ka,tapos iniiwan mo naman ako."

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon