Chapter 56 (Vandal)

1.5K 38 3
                                    

Chapter 56

Vandal

After Tagaytay,naging abala na kami sa school.Unti-unti na kaming tinatadtad ng assignments at projects.Bilang HRM student,may mga events pa sa school na kinailangang kami ang mag-asikaso dahil major subject din namin ang events management.

Two months have passed at umpisa na rin ng mga panahong pumapasok ako nang walang tulog.At umpisa na rin ng pagliban ko sa klase.I never wanted being absent at school before.Pero unti-unti kong nararamdaman ang hirap ng mga pinag-aaralan namin to the extent of me wanting to quit.

Lalong-lalo na noong makita kong may iniooffer nang Multimedia Arts na Course sa malapit na university sa tinitirahan namin.Parang gusto kong magshift ng course.Pero sa tuwing naiisip kong Third year college na ako at kaunting kembot na lang ay gagraduate na rin ako ng kolehiyo ay nawawala sa isip ko ang magshift ng course.

Besides,masaya pa rin naman ako sa ginagawa ko.Masaya rin ako sa mga kaibigan ko.Masaya ako sa set-up na mayroon kami ni Seth.Hindi kami pero parang kami.Ah! Basta masaya kami.

Alam kong hindi tama ang ginagawa ko.Matagal ko nang tinuldukan ang relasyon namin ni Seth.Dapat hindi ko na dugtungan pa.Dahil sa sentence,once may period na,hindi mo na pwedeng lagyan ng comma,mas lalong di pwedeng question mark.Pero...pwede namang dugtungan ng panibagong sentence,diba?

Ano raw? Ay nako! Nababaliw na ako.

I turned my head sideways when I heard Seth chuckled.I creased mu forehead in lack of awareness of the reason he seemed amused.

"Para kang lasing," aniya.Umayos ako ng upo at tumingin ulit sa kanya.Tumingin pa ako sa harapan para tignan ang prof namin.Kasalukuyan kaming nasa Literature subject at ipinapabasa sa amin ang The Tell Tale Heart.

"Bakit?," matamlay kong tanong sa kanya.Hindi siya agad sumagot at nabagot ako kaya tumingin ulit ako sa harapan at sumandal sa upuan.Unti-unti ay lumiliit at dumidilim ang aking paningin hanggang sa wala na akong makita.Narinig ko na naman ang mahihina niyang tawa ngunit di ko na 'yon pinansin.Hanggang sa siniko na niya ako dahilan para nakasimangot akong dumilat at tumingin sa kanya.

"Bakit ba?," naiinis kong tanong.

"Magbasa ka," paalala niya sa akin.

"Nabasa ko na 'yan," asik ko pagkatapos ay humikab ulit.Ngumuso ako at tinignan siya ulit. "Huwag kang istorbo.Iidlip lang ako habang hindi pa nagdidiscuss si ma'am.Wala talaga akong tulog,kaya please," pagmamakaawa ko sa kanya.

Hindi ako nakatulog dahil ang dami kong tinapos na course requirement.Hindi naman ako nagrereklamo.Kasalanan ko rin naman.I procrastinated.Matagal na ibinigay sa amin ang mga gawaing iyon ngunit di ko pa agad ginawa.

Mabuti na lang at nakinig naman siya dahil nang bumalik ako sa pagkakapikit ay hindi na niya ako ginulo.Ginising niya lang ako nang nagsimula na kaming magdiscuss tungkol sa pinabasa sa amin.

Nang matapos ang discussion ay bumalik ako sa pagkakaidlip.But everytime I am dozing off,Seth interrupts."Bakit na naman ba?," nakukulitan kong tanong sa kanya.

"Lunch muna bago ka matulog," nawala ang inis ko dahil sa sinabi niya.Ako naman pala ang inaalala niya.Ngunit di 'yon sapat para mawala ang antok ko.

Ngumiti muna ako bago sumagot. "Mamaya na lang ako,please.Mauna na lang kayo.Inaantok talaga ako." Hindi siya sumagot at hindi ko na rin naman hinintay ang sagot niya.Tuluyan na akong nakatulog habang nakayuko sa desk.

Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulog nang naalimpungatan ako nang may gumagalaw sa aking braso.Para iyong matulis na bagay ngunit imbes na masaktan ay nakikiliti ako.

Inaantok ako ngunit pinilit kong umayos ng upo para makita kung ano iyon.Kasabay ng pagkagulat ko ay nagulat din si Seth.Nagtaka ako dahil hindi pa siya umaalis.Tinignan ko ang akibmng wristwatch at nakitang 20 minutes pala akong nakatulog.Napatingin rin ako sa kabuuan ng classroom at napakunot ang aking noo nang makitang marami pala kaming natutulog.Ngunit lalo lang akong nagtaka nang mapagtantong mga kaibigan ko iyon.

"Kumain na ba kayo?," baling ko kay Seth na napansin kong may hawak na ballpenNakangisi siyang umiling.
"Pagkagising mo na lang raw.Two hours pa naman ang vacant natin eh.Tulog ka muna," natouch ako sa sinabi niya.Bigla rin tuloy akong nakaramdam ng hiya habang isa-isang tinitignan ang mga kaibigan kong nakayuko rin sa desk.Ang iba sa kanila ay natutulog,ang iba naman ay nagbabasa.

Sa kalagitnaan ng pagmamasid ko sa aking mga kaibigan ay naramdaman ko na naman ang matulis na bagay sa aking braso.I turned to the culprit,Seth.Ginawa niya lang namang papel ang braso ko.

"Ano ba 'yan.Dinudumihan mo ako," reklamo ko sa kanya habang pilit na binabawi ang aking braso para hindi niya ito masulatan.Pero makulit talaga siya.Kahit gumalaw ako nang gumalaw para mahinto siya sa pagsusulat ay hindi pa rin siya natinag.

"Okay na," nakangiti niyang sabi at pinagmasdan ang iginuhit niya sa aking braso na tila ba isa iyong masterpiece.

"Ano ba kasi 'yang-," nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang ginawa niyang vandal sa aking braso.

Personal Property of Seth Sevilla.

Hindi agad ako nakaimik.Nakakili-.

"Uy kilig," pag-interrupt niya sa aking iniisip.

"H-Hindi no!," sagot ko at kinagat ang aking ibabang labi para mapigilan ang pagtawa.

"Awtsu! Nahiya pang umamin," pang-aasar niya sa akin.Umiwas ako nang tingin dahil hindi ko na mapigilan ang pagtawa ko.Sa pagpipigil ko ay pati butas ng ilong ko nanlalaki na.

"Oh! Nagpipigil.Gumagalaw ang butas ng ilong," habol niyang asar sa akin at pilit ko namang itinatago ang ekspresyon ng aking mukha mula sa kanya.

"Hiya ka pa eh," pambubuska niya. "Wag kang mag-alala.Wala silang pakialam kung kiligin ka man.Kung gusto nila,gumawa rin sila ng nakakakilig," aniya na ginamitan pa ng tonong katulad ng paraan ng pagsasalita nung mga batang nasa video,ang pabebe girls.Dahil doon ay tuluyan na akong bumunghalit ng tawa.

"Nakakainis ka!," tumatawa kong sabi habang hinahampas siya sa braso.

"Sa lahat naman ng naiinis,ikaw lang ang tumatawa," sagot niya kaya agad din akong huminto sa pagtawa at sumimangot.

"Bilis ng shifting ah," tumatawa niyang kantiyaw patungkol sa pagsimangot ko.

"Nang-aano ka eh ha," sabi ko at ginaya pa ang tono ng pananalita ni Babalu na sumalangit nawa.

"Inaano ka ba,ha? Hindi naman kita inaano eh ha," sagot niya naman at natawa na naman ako dahil mas gaya niya iyon.

"Ang ingay ninyo," sabay kaming napalingon sa nagrereklamong si Saida.

"Kaya nga,samantalang kanina lulugo-lugo 'yang si Rhum," gatol naman ni Gellie.

"Wala kayong pakialam,kung gusto n'yo mag-ingay rin kayo," tugon ni Seth sa kanila na para bang kasali siya doon sa Pabebe girls.Pati tuloy ang iba naming mga kaibigan ay natawa na rin.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon