Chapter 20(Revelation)

2.5K 51 0
                                    

Chapter 20

Revelation

"Halika dito,anak.Lapit ka," tawag ni mommy sa akin. Nangangatog pa rin ang tuhod ko sa pinaghalong kaba,guilt,hiya,lungkot at sakit.Dahan-dahan akong humakbang papalapit sa kanya.Nag-aalangan man ay umupo pa rin ako sa tabi ni mommy.

My tears burst when she pulled me for an embrace.Niyakap ko din si mommy.We stayed like that for a couple of minutes until she broke the silence.

"Hindi ko lang maisip,kung paano mo pa nagawang magboyfriend sa sobrang busy mo," she uttered. "You even go to school without sleep just to finish all your homeworks and projects.Busy ka din pag-uwi dito sa bahay.You do all the chores yet you still managed to be in a relationship?," hindi makapaniwalang gilalas niya.

Hindi ako kumibo.Hikbi lang ang tangi kong naisagot. "I could see how happy you are lately,so I conclude you're happy with him.Does that mean hindi ka na masaya sa amin at naghahanap ka na ng ibang kaligayahan?," she emotionally uttered.

Yes,I am very happy with Seth but that doesn't mean I am no longer happy with you.Pero hindi ko iyon sinabi.Alam ko kasing kapag sinabi ko ang mga katagang iyon ay magsisimula na naman iyon ng bagong issue.

Kumalas si mommy sa pagkakayakap sa akin. "Sige na,bumalik ka na doon," she said without looking at me. "Masama pa din ang loob ko sayo," she added.

I sluggishly stood up and went straight to my room.

"Papa,why is ate Rhum crying?," narinig ko pang tanong ng pinsan kong si Chelsea kay tito Brandy.

"Ate Rhum isn't feeling well,anak kaya you should tell your younger sisters to behave,okay?," sagot ni tito.

"Okay,papa," sagot naman ni Chelsea then narinig kong tinawag niya ang mga kapatid niya at sinabihang magbehave.

Hindi na ako lumabas ng kwarto buong araw.Hanggang sa gumabi na ay nanatili lang ako doon.Hindi na ako umiiyak pero mabigat pa rin ang pakiramdam ko.I was  emotionally too tired.

"Rhum,kain ka na," naalimpungatan ako ng mahihinang katok sa pintuan ng kwarto ko.

Pinagbuksan ko si mama Poncing and as soon as I saw her face,I suddenly burst into tears.Yinakap niya ako and that made me cry more.Ayoko pa sanang magpahila papunta sa balcony dahil baka nandoon pa sila mommy pero sabi niya ay tulog na sila.

"Sila tito po?," tanong ko sa kanya nang magkaharap na kaming nakaupo sa balcony.

"Umuwi na sila," marahan niyang sagot.

"Nagpaiwan po kayo?," tanong ko na sinagot niya ng ngiti. "Bakit po?," tanong ko ulit.

"Dito muna ako,hanggang kailangan mo ng karamay," she said which made me cry again.

Lumapit siya sa akin at yinakap ulit ako.

I was too touched.Hindi ko akalain na magpapaiwan si mama Poncing para lang madamayan ako knowing na busy din siya.Alam kong nagtitinda siya ng barbecue sa kanila tuwing gabi at nagtitinda naman siya ng pang-almusal tuwing umaga.Yun lang ang source of income niya.Hindi rin naman pinalad sa pagtatapos sila tito Brandy at tito Gin dahil sa kahirapan.Nagtatricycle lang si tito Brandy at nag-ooprerator naman si tito Gin sa isang rubber factory.Pero isinantabi niya ang mga iyon para lang samahan ako.

"Thank you po," humihikbi kong pasasalamat. She just flashed me her sweetest smile and enveloped me with her warm embrace.

Kinabukasan ay umuwi na rin si mama Poncing.Ayaw niya pa sana pero pinilit kong magmukhang okay dahil ayoko namang maabala siya.Balik sa dati,ako na naman mag-isa sa bahay.Hindi pa rin ako kinikibo ni mommy at civil lang naman si daddy.Cinonfiscate din ni mommy ang cellphone ko.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon