Chapter 49 (Post)

1.5K 44 6
                                    

Chapter 49

Post

"Single na 'yong ano mo ah," biglang nagsalita si Gellie habang tahimik kaming dalawa na nakasakay sa bus.I was about to doze off when she started talking.

"Sino?," clueless kong tanong sa kanya.

"Sino pa ba,eh di 'yong loves mo," ngisi niya.

"Loves ko?," naguguluhan kong tanong.

"Si Seth ba!," aniya sabay ikot ng mata.

"Oh? Ano siya?," naguguluhan kong tanong.

"Single na nga," she briefly said.

I creased my forehead out of confusion. Paanong naging single 'yon, eh may girlfriend 'yon? Tanong ko sa sarili.

"Ay! Di mo nakita sa Facebook?," di makapaniwala niyang tanong.

Umiling ako dahil ilang araw na rin akong di nakakapag-online.Panay na kasi ang OT ko sa restaurant kaya pag-uwi sa bahay ay mas pinipili ko na lang magpahinga.Isa pa,parating nakabantay sila mommy sa akin kapag nagbubukas ako ng computer at natatakot akong baka makita nila si Seth sa feed ko kaya mas mabuti nang wag mag-online kung di ko rin naman kailangang gawin.

Ngunit dahil nga nacurious ako sa sinabi ni Gellie ay nag-online ako pagkarating sa bahay.Agad akong naglog-in sa aking Facebook account at nakita kong marami-rami na nga ang notifs ko.

Seth Sevilla changed his status from in a relationship to single.

Iyon ang nakalagay doon.The status was dated four days ago.Agad akong nabahala.Malamang ay heartbroken na naman 'yon.Agad kong iv-in-iew ang kanyang profile at nakita kong marami siyang post doon.

"Kaya siguro 'yon emo sa FB kasi break na sila nung Scarlette." Naalala kong sinabi 'yon ni Gellie bago kami naghiwalay ng daan habang pauwi.

You seemed happier ✨⚡✨☀~~~^_^~~

Iyon ang sunod kong nabasa matapos ang pagiging single niya.Positive ang isinulat niya ngunit may icon ng pusong nabiyak.Ibig sabihin ay hindi siya masaya sa napapansin niya.

Ayaw mo na sa'kin? Sobra ba kitang nasaktan?

Naintriga ako sa post n'yang iyon.Nasaktan? They might had a row.Napakagat-labi ako.Hindi ko napigilan ang pagkirot ng kaliwa kong dibdib.Kahit kailan kasi,hindi ko matandaang tinanong ako ni Seth kung nasaktan niya ba ako.Nung nagbreak kami ay wala nga siyang mga emo posts o GM man lang.And speaking of GM,wala akong natatanggap mula sa kanya.But Gellie mentioned him sending GMs?

Bilang kaibigan,at well,babaeng nagmamahal,concern ako sa kalagayan niya.He's hurt,I'm sure.Hindi naman siguro siya magpopost ng mga ganun kung di siya apektado.

Nakita kong naka-online siya kaya naman agad akong nagPM sa kanya.

Me: Kumusta ka na?

Seth: Doing great.Ikaw?

Natawa ako nang mapakla sa sagot niya.His answer was the very opposite of what he had posted.

Me: Ikaw? Great? I don't believe you!

Seth: Why?

Hindi ko alam kung paano ko siya tatanungin.Sa isip-isip ko,kahit paano ko pa itanong,masakit pa rin ang magiging dating n'yon para sa kanya.

Me: What's with the single thingy?

Seth is typing...

It took nearly five minutes before I received his reply.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon