Chapter 11
Bahay
Maingay sa room. Hindi naman kasi nagkaklase ang instructor namin. Kasalukuyan siyang nagchecheck ng project namin sa Economy. Pinagawa niya kami ng kahit anong pwedeng gawing souvenir o regalo galing sa mga lumang bote,dyaryo at iba pang lumang kagamitan. I purposely made two recycled gifts. Yung isa ay late gift ko kay Eka at yung isa naman ay advance gift ko para kay Kisses. Nakakatuwa kasi halos magkasunod lang ang birthday naming tatlo. Kisses' birthday will be on this coming Saturday.
Nang matapos nang icheck iyong mga projects namin ay ibinalik na ni ma'am sa amin ang mga iyon. I gave mine to both Eka and Kisses. Natuwa naman ako nang may ibinigay din si Kisses sa akin.Late birthday gift niya daw sa akin. Habang nagpapalitan kami ng gift ni Kisses ay may kumalabit sa akin kaya naman nilingon ko iyon. Si Seth. May hawak-hawak siyang card na f-in-old sa tatlong parts. I'm not an artistic person kaya hindi ko alam kung paano ko iyon idedescribe pero halata na para yun sa isang babae dahil colorful iyon at may mga designs na pangbabae. Cute tignan.Yun yung nakita kong ipinasa niya kanina. He was about to say something nang lumapit ang isang kaklase namin.
"Uy Seth, cute naman niyan. Patingin naman ako," ani ng kaklase naming babae sabay hablot nun sa kamay ni Seth. Nakita ko ang nakasulat sa ibabaw nung card. For the most special girl in my life. Assuming na ba ako kung iisipin kong para sa akin iyon?
"Ibigay mo na kay Tammy," sabi ng kaklase namin pagkatapos tignan iyong gawa ni Seth. Nginitian lang siya ni Seth at kinuha na sa kanya ang card.
Iniabot ni Seth ang card sa akin. Nag-alinlangan akong tanggapin iyon nang nakita ko ang expression ng mukha ng kaklase namin. Pinabalik-balik niya ang tingin sa akin at kay Seth. Tinanggap ko ang card at tinitigan iyon. Nang ibinalik ko ang tingin ko sa kaklase namin ay ngumiti na lang siya at umalis na. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip niya pero kung malalaman man ng buong room na pinopormahan ako ni Seth ay wala na akong magagawa.
Binuklat ko ang card at nakita ko doon iyong picture naming dalawa noong first year college palang kami. Nakaakbay siya sa akin at nakapeace sign naman ako. May naiisip ako habang nakatingin sa picture. Ipiniling ko ang ulo ko para maalis sa isip ko kung ano man iyong naiisip ko. Sa kabilang fold ng card ay may sulat kamay niya doon.
Magsusulat sana ako ng pick-up line kaso wala akong maisip,ikaw lang kasi naiisip ko. At dahil ikaw si Rhum,ipapaRHUMdam ko nalang sayo kung gaano ka kaespesyal.
Corny,in tagalog baduy. Tinignan ko siya na nagkakamot ng batok. Hinihintay niya ang reaksyon ko. Gusto ko siyang pagtawanan sa kabaduyan niya pero di ko magawa.Masama ba kung sasabihin kong kinikilig ako?
"Thank you," nakangiti kong sabi sa kanya. Sumimangot siya sa akin.
"Thank you lang?," nakabusangot niyang tanong na nagpatawa sa akin. Nakakatuwa na siya masyado. Sa sobrang tuwa ko sa kanya, inabot ko ang ilong niya at nilapirot iyon. Wala siyang nagawa kundi ang umaray nalang. Nilingon ko ang grupo nila Tammy na ngayon ay nakatingin sa amin ni Seth.
.
.
.
.
.
"Come on Rhum. Once lang to. Kapag di ka sumama sa amin,you'll miss half of your life," hikayat ni Edison. Kanina pa ako tawa nang tawa sa kanya. Masyadong makulit. Namimilit ng taong ayaw. Mamimiss ko daw ang kalahati ng buhay ko kapag di ako sumama. Magmomovie marathon lang naman sila. Hindi lang si Edison ang namilit sa akin,lahat na sila ay pinipilit ako. Dati naman hindi nila ako pinipilit na sumama kung ayaw ko talaga. Di katagalan ay nakumbinsi din nila ako.
BINABASA MO ANG
Masarap ang Bawal
Teen FictionBakit nga ba masarap ang bawal? Bakit nga ba gustong-gusto nating gawin ang mga bagay na ipinagbabawal sa atin?Yung tipong palihim pa nating ginagawa nang paulit-ulit. Mahuli man tayo,basta't kaya pang lumusot ay uulitin pa din natin.