Chapter 18(Christmas Eve)

2.6K 46 0
                                    

Chapter 18

Christmas Eve

Maaga palang ay namalengke na kami ni mommy sa may talipapa sa loob lang ng subdivision namin. Kahit December 24 na ay may pasok pa rin siya sa office samantalang wala namang schedule si daddy sa mga kabusiness meeting niya.

Wala pang alas sais ay nakabalik na kami sa bahay.Kailangan ni mommy na makaalis din agad papunta sa office dahil plano niyang maghalf-day nalang.

Katulad nang nakagawian,naging abala ako buong araw.Naglinis ako ng buong bahay hanggang magtanghali na.Bago umalis si mommy ay napag-usapang sunduin namin siya ni daddy sa office niya.

Seth: Busy?

Text ni Seth habang nasa biyahe kami papunta sa office ni mommy.

Ako: Susunduin namin si mommy sa office.Ikaw?

Seth: Grocery with mom.Ingat ka.

"Kaya ka napapagalitan ni mommy mo kasi panay ka text." nahinto ako sa pagtetext nang biglang nagsalita si daddy habang nagmamaneho. "Sino ba yang katext mo?" tanong ni daddy.

"Kaklase ko po." maiksi kong sagot.

"Importante ba naman yang pinagtetext ninyo?" tanong niya.Itinago ko nalang ang cellphone ko at hindi na sumagot sa tanong ni daddy. "Kung hindi naman importante ay wag mo nang pinag-aaksayahan ng load.Wag kang pumapatol sa walang katuturan." dagdag niya.Tumingin  nalang ako sa labas ng sasakyan.

"Rhum,kinakausap kita.You better listen while I'm talking." he demanded.

"Nakikinig po ako." sagot ko habang nakatingin lang sa dinaraanan namin.

"Be sure." he said.

"Opo." sagot ko. Ramdam kong nagvavibrate ang cellphone ko palatandaan na may mga messages na pumapasok pero hinayaan ko nalang dahil ayoko nang humaba pa ang sermon ni daddy.

Nang makarating kami sa office ni mommy ay lumipat na ako sa backseat para si mommy naman ang sa front seat.

"Hello baby." nakangiting salubong ni mommy sa akin.

"Hi mommy." sagot ko sabay halik sa pisngi niya.

"Hi dad." bati ni mommy kay daddy.

"Hey mom." nakangiting sagot ni daddy.

My parents are sweet pero kapag may ginawa kang taliwas sa kagustuhan nila ay nagiging dragon sila.I know better.Ilang beses ko na bang naexperience ang isang linggong hindi kinikibo ni mommy dahil lang sa simpleng di ako nakauwi sa tamang oras o kaya ay hindi ko nasagot ang tawag niya.So far,never pa namang nagalit nang ganun si daddy sa akin at hindi ko pinangarap iyon.Sabi nga nila,ang taong tahimik kung magalit,malupit.

Ako: Di ako masyadong makakatext sayo.Later nalang.

Seth: Okay lang.Text me when you're available.

"Who's that?" napatingin ako sa harapan.Nakalingon pala si mommy sa akin at nakatitig sa cellphone ko.It means she was asking who am I texting.

"Classmate,mom." sagot ko.Inilahad niya ang palad niya para kunin ang phone ko.Ibinigay ko iyon sa kanya.Sa tuwing magkatext kami ni Seth ay either binubura ko agad yung message niya or nilalagay ko sa archives. Just to be sure na incase maconfiscate man ni mommy ang phone ko ay wala siyang mababasa.

"It's Christmas kaya family lang dapat.No school matters just like no work stuff for me and your dad.Understand?" nakataas ang kilay na sabi niya.

"O-opo." nakayuko kong sagot.

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon