Chapter 31 (Text)

1.7K 37 0
                                    

Chapter 31

Text

Mula nang birthday niya ay wala naman akong natatandaang posibleng maging dahilan ng pagtatampo niya sa akin.

Bigla na lang siya hindi na naman nagpapapasok.Every morning I would text him asking if he'll go to school.Pero ni ha ni ho ay wala akong natatanggap na reply mula sa kanya.

Minsan papasok siya,minsan hindi.Kahit mga kaibigan namin ay nagtataka na rin.Ni isa sa amin ay wala siyang pinagsasabihan kung mayroon ba siyang pinagdadaanan.O baka mayroon naman siyang sinasabihan,hindi ko lang alam.

Hindi nga kami,pero mahal ko siya.Kaya naaapektuhan din ako.Minsan kapag absent siya ay natutulala ako sa pag-iisip kung bakit wala siya.Maya't maya din kung icheck ko ang aking cellphone baka mayroon siyang text ngunit nganga.

I've been trying,but I couldn't help but hurt.Naisip ko,mas mabuti pa noong magkaibigan lang kami,nagtetext siya o nagsasabi man lang kung ano ang dahilan niya.Pero ngayon,parang ang layo niya sa akin.He's not as open as before.

Gusto ko siyang tanungin kung bakit nagkaganun pero sino ba ako? Hindi niya naman ako girlfriend.

"Pero kaibigan ka niya," tugon ni Rich. " Pwede ka pa rin magtanong kung bakit?," dagdag niya.

"Ayoko," tangi ko lang naisagot.

"Bakit naman?," kunot-noong tanong ni Eka.

"Baka naman kasi kapag nagtanong ako,isipin niya nagiging nosy ako. Eh hindi naman kami," tugon ko.

"Eh 'yun ang problema,kung anu-ano kasi pinag-iisip mo.Wala na tayong magagawa d'yan," sagot naman ni Kisses.Napanguso na lang ako sa kanila.

Sa isang linggo,two days lang siya kung present.Minsan pa ay nagkacut pa siya ng klase.Bigla na lang siyang nawawala nang di nagsasabi.Sa mga ganoong sitwasyon,hindi ko mapigilan ang mainis.At mas lalong nakakainis dahil hindi ko masabing naiinis ako.

May mga panahon din namang hindi siya nagkacut ng class.Siyempre,masaya ako.Kasi ibig sabihin nun,mahaba-haba ko siyang kasama.Kaso,hindi siya sumasabay tuwing uwian.

"Saan ka ba nagpupupunta?," tanong sa kanya ni Nohlan.Laking pasasalamat ko dahil mayroon ding nagtanong sa mga kaibigan ko.

"Nagtitake up kasi akon ng short course.Related sa computer," tugon niya sa tanong ni Nohlan.

Tumalikod na ako.Hindi ko na pinakinggan kung ano pa ang sasabihin niya.Wala man lang siyang sinabi na may ganoon pala siyang plano.But again,sino nga ba ako?

Sa bawat araw na nagdaraan,nadaragdagan ang bigat sa aking dibdib.Pakiramdam ko ay may problema ngunit di ko matukoy.Nararamdaman kong parang lumalayo na si Seth sa akin at wala akong magawa para pigilan siya dahil unang-una sa lahat, sakali mang hilingin niya na maging kami ulit,hindi ko maibibigay iyon dahil nangako na ako sa magulang ko.

Dahil doon,napag-isipan kong kausapin siya.Nasa library kami.Abala siya sa pagtitipa sa kanyang laptop habang abala naman din ang mga kaibigan namin sa pagbabasa at pagreresearch.Mayroon din akong dapat ginagawa ngunit isinantabi ko muna iyon.

I need to get this over with.Halos mahirapan na akong huminga dahil sa kaba.Hindi ko maiwasang kabahan dahil sa pag-aanticipate ng isasagot ni Seth o patutunguhan ng magiging usapan namin.

Huminga muna ako ng malalim bago inusog ang aking upuan palapit sa kanya.Tumingin ako sa kanyang ginagawa at napansin niya yata iyon kaya siya napalingon sa akin.Naging hudyat iyon para sa akin.Ibig sabihin ay nakuha ko ang kanyang atensyon.Dahan-dahan kong pinagapang ang aking kamay sa kanyang braso.Tumingin siya ulit sa akin habang nakatutok lang ang aking paningin sa monitor ng laptop.Para akong aatakihin sa puso sa sobrang kaba.Nanatili siyang nakatingin sa akin at kinuha ko ang pagkakataong iyon para makausap siya.

"M-May p-problema ba tayo?," tanong ko.Hininaan ko iyon ng sadya.Iyong tanging siya at ako lang ang makakarinig.

Matagal bago siya sumagot.Katulad ko,ibinalik niya ang kanyang paningin sa screen ng laptop.Mula sa aking pheripheral vision ay nakita kong umiling siya.Lumingon ako para sana magtanong kung sigurado ba siya ngunit nahalata ko sa ekspresyon ng kanyang mukha na wala na siya sa mood dahilan para umurong ang aking dila.

"O-Okay," mahina kong sambit.

Dahan-dahan ko ring binawi ang nakapulupot kong kamay sa kanyang braso.Nagkunwari akong abala sa aking notebook ngunit ang totoo,hirap na hirap na akong huminga.

Isa lang ang narealize ko,ayaw niyang makipag-usap.Ano nga naman ba ang pag-uusapan namin? The hell! Ang sakit lang.Hindi na ako kumibo pa dahil kaunti na lang ay iiyak na ako.

Ilang araw kong ininda ang ganung pakiramdam.Funny how I so wanted to cry but not even a tear falls.And that made it worse for me.Wala akong channel para mailabas ang bigat na nararamdaman ko.

Umabot pa sa point na naging indenial ako.I could feel that my feelings with Seth has something to do with my being heavyhearted.Pero ayoko aminin.Parang gusto kong isipin na may iba pang dahilan.

Dati,hindi ako pabor sa mga taong naglalasing tuwing may problema.Iniisip ko kasing imbes na maibsan ang kanilang dinadala ay mukhang madaragdagan pa iyon.Pero naisip ko,baka sakaling makatulong sa akin 'yun.Baka lang naman.

Kaya noong wala kaming pasok ay inaya kong mag-inuman ang mga kaibigan namin sa bahay nila Nohlan.Walang klase ang department namin dahil may activity ang faculty sa school pero nagsinungaling ako kina mommy.Sinabi kong may pasok kami.

Hinatid pa ako ni daddy sa school.Mabuti na lang at may klase ang ibang department maliban sa amin kaya naman hindi nahalata ni daddy na nagsisinungaling ako.Pumasok pa ako sa campus at naghintay ng twenty minutes bago lumabas ulit.

Inilibot ko pa ang aking paningin para icheck kung wala na ba si daddy.Nang nasigurado kong wala na nga ay agad akong naglakad papuntang Moonwalk kung saan ako sasakay ng jeep papunta sa bahay nila Nohlan.

Alas siyete pa lang ng umaga at ako pa lang ang naroroon sa bahay nila Nohlan maliban kay Saida na doon na natulog.Habang hinihintay ang iba naming mga kaibigan ay nakatitig ako sa kalendaryo.Eighteen.Monthsary namin dapat.

"Alam ba ni Seth na mag-iinuman tayo?," tanong ko kay Saida at Nohlan na naghihimay ng ingredients para sa lulutuin nilang lomi.Pampawala diumano ng lasing pagkatapos.

"Hindi.Diba nga sabi mo huwag sabihin sa kanya," paalala pa ni Saida sa akin.Tumango-tango ako.

"Itext ko kaya siya," sabi ko.Hinintay ko ang sagot ng dalawa kong kausap."Kapag pumunta siya,di ako maglalasing," tunog desperada kong sabi.

Nagtinginan si Saida at Nohlan bago bumaling sa akin. "Ikaw bahala," natatawang sagot ni Saida.

Bumuntong-hininga muna ako bago dinukot ang ajing cellphone sa bulsa ng aking pantalon.Nagtipa ako ng message para sa kanya.

Oy! Eighteen ngayon,punta ka dito kina Nohlan.Andito ako.

Mensahe ko sa kanya.Tumulong muna ako sandali kina Nohlan habang maya't mayang tinitignan kung nagreply na ba siya.Pero wala.

Nagsipagdatingan na ang mga kaibigan namin ngunit wala pa tin siyang reply.Marami na kaming napagkwentuhan ay wala pa rin siya.

Natanggap niya kaya ang text ko?

Masarap ang BawalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon